18

768 32 0
                                    

Nakarating na kami sa camping site. Iba't ibang mga schools ang nandito. Agad kami pumunta ni sehun sa designated place namin at inayos ang mga gamit namin.

Nauna ako matapos sa kanya at agad na ako lumabas sa tent namin. Malaki naman ang tent namin para sa dalawang tao kaya hindi ko na kailangan pang mag worry kung ano man ang gagawing kalokohan ng deadly weapon na to.

"Hi! Ako si athena." Bigla na lang nilahad ng babae ang kamay nya sa harap ko. Okay?

Bigla na lang kasi sya sumulpot out of nowhere habang inaappreciate ko ang environment away from the city.

"Uh hi. Sena." Tinanggap ko ang kamay nya.

"Sena." Tawag sakin ni sehun.

"Omo! Boyfriend mo?" Turo ni athena kay sehun. Eekk. Umiling iling ako.

"No way." Bulong ko sa kanya. Bigla syang tumakbo papunta kay sehun para magpakilala. Nagpoker face lang sya at nilagpasan nya si athena.

"Huy ang bastos mo talaga" hampas ko sa kanya.

"I hate girls like that. Gusto ko yung mga kagaya mo." Hinawakan nya ang wrist ko at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Sa kusina pala. Binuksan nya ang pinto.

"Nagugutom ako eh. Wag ka maingay ha. Hanap tayo tinapay." Binitawan na nya ako.

Maghahanap na sana kami nang makarinig kami ng ingay galing na rin mismo dito sa kusina.

Natigil kaming dalawa at tumalikod ako. Hahawakan ko na sana ang pinto para makalabas na pero biglang may binanggit si sehun na pangalan ng taong...

Nag mamay ari nung tshirt na pinagawayan namin ni mingyu.

"Hoshi! Ikaw lang pala! Kasama ka pala dito!" Tumawa lang si hoshi.

"Is that a cake?! Penge!" Nanatili lang ako nakatalikod. Di ko kasi alam kung ano gagawin ko. Matagal na kasi.

Di ko alam kung paano ko sya haharapin.

"Sena!" Hinila na lang ako ni sehun papunta sa harap ni hoshi.

Inanggat ko ang tingin ko kay hoshi. Nanlaki ang maliliit nyang mata pero agad din binawi.

"Sena. Hi."bati nya sa akin. I don't know but my heart. Nagwawala na naman.

"H-hi." Iniwas ko ang tingin ko. Parang di ko makahinga.

"Uy magkakilala kayo? Great." Inalis ko na ang kamay ko sa hawak ni sehun.

"Lalabas na ako." Pipigilan pa sana ako ni sehun pero tuluyan na akong lumabas.

Great. Andito din sya. I should do my best maiwasan lang sya.

"Huy bakit umalis ka na lang bigla?" Sinabayan na ako maglakad ni sehun.

"Wala." Tumingin sya sa akin na para bang may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya.

"I can see sparks earlier in your eyes." Napaikot ang mata ko. Ayan na naman tayo sa sparks sparks na yan.

"Shut up deadly weapon."

"Geez woman. Is that the guy you are really in love with? " binilisan ko ang lakad ko dahil ayoko na sagutin pa ang mga katanungan ng deadly weapon na to.

Nakakainis naman! Nang aasar talaga ang destiny.

Bumalik ako sa tent namin at humiga sa sleeping bag.

Pati ba naman dito makikita kita? Aish this is so unfair like very unfair! Pero nakamove on na ako diba? Hindi dapat ganito ang kinikilos ko.

"Hey woman. Pinapatawag tayo sa main hall. Mamaya ka na magdrama" hinila ako ni sehun patayo at lumabas na kami. More like kinaladkad ako papuntang main hall.

Pagdating namin sa main hall iniwan na lang ako basta ni sehun. Punuan na rin ang mga upuan. Pwera sa isang pwesto. Matingkad padin ang buhok nya. Nangingibabaw. Bakante ang upuan sa tabi nya.

Letche ka oh sehun patay ka talaga sakin mamaya. Hahasain ko yang deadly weapon mo.

Naglakad ako palapit sa upuan at inusog ko palayo sa kanya tyaka ako umupo.

Nagsimula na ang coordinator magsalita. Nakakainis kasi talaga yang sehun na yan. Hinahanap ko sya sa paligid pero di ko sya mahanap. Unti unti na din akong inaantok at wala na ako maitindihan sa sinasabi ng nasa harap.

But yung thought na kokonti lang ang pagitan namin. Nasusuffocate ako.

Ang hirap huminga.

Yung puso ko nagtatambol. Halos lahat tinatapunan ko ng tingin pwera sa kanya na nasa gilid ko lang naman.
Bigla nyang hinila ang upuan ko palapit sa kanya at inilagay ang braso nya sa likod ko.

Mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko yung pwede na ako magcollapse. Ano ba ginagawa mo hoshi.

I hate this feeling. Para akong nagtataksil kay mingyu.

"Hey. At least talk to me. Limang buwan din yun sena." Bumulong sya sa akin. Di ko alam nakaramdam ako ng pag iinit sa pisngi ko at parang naririnig ko ang sarili kong heart beat.

Hindi ko pa nararamdaman kay mingyu to. Kakaiba sa feeling but it feels so right.

Dahil nga sa kaba sa dibdib ko hindi ko maibuka ang bibig ko kaya hindi padin ako nagsasalita.

"I miss you. Don't you miss me?" Humarap ako sa kanya. Halos maduling ako dahil ang lapit ng mukha nya sa akin.

Jusko puso maki cooperate kam manahimik ka muna. What should i do ang lapit lapit nya sa akin. Kapag may tumulak sa ulo ko mahahalikan ko na sya.

"Okay love birds at the back mamaya na yan" naspecial mention pa tuloy kami ng coordinator.

But what?! Anong love birds?! We are not love birds!

Tinakpan ko ang mukha ko at napakainit nito. Narinig kong tumawa si hoshi.

"I'm just playing with her." Sagot nya sa coordinator. Bumalik na ako sa dating ayos ng upo ko.

Pinipilit ko makinig pero ang focus ko lang ay yung nangyari kanina. For sure mingyu won't like this.

"Are you happy with mingyu?" Tanong nya sa akin bigla.

"I am. He treats me very well. He's a boyfriend material actually." Bigla ko namiss si gyu. Nag away pala kami.

"I'm happy to hear that. Punta ka sa party ko sa valentines ah."

"Why?"

"I will introduce you to my girl." Ngumiti sya sa akin na para bang ang saya saya nya.

That smile. It's for the girl that finally can love him back.

Unlike me.

Kasi di pwede.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. It hurts. Buti natapos na ang coordinator kakadakdak nya kaya agad ako tumayo dahil nagsitayuan na yung iba.

Nararamdaman kong any minute babagsak na yung luha ko.

"Hey!" Bigla na lang may humawak sa wrist ko. Si sehun.

"Where are you- wait are you crying?" Pinunasan nya ang luha ko. Tinaboy ko agad ang kamay nya at marahan na pinunasan ang luha ko.

Did i actually cried? It hurts. Bakit ba ganito kahirap.

"Sena!" Tawag ni hoshi sa akin sa malayo pero agad ako kumalas sa hawak ni sehun at tumakbo papuntang tent namin.

Ngayon na lang tayo nagkita ganito pa. It hurts. Why does it hurt?

Do i still love my bestfriend's cousin?

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon