4

984 41 7
                                    

#WOOZI요정님내려오신지20주년 CHERIFER WOOZI! REGALO KO SAYO HAHAHAHA MAHAL NAMAN KITA DON'T WORRY XDDD
----------------------------------------------------

Nakabalik na kami sa realidad. Char. Sa city. We have separate ways. Shempre nagpaalam ako kay hoshi. Habang si seokmin naman ang nagdadrive, katabi ko si mingyu ngayon.

Hindi ko talaga papansinin ang isang to. Bahala sya! Di ako martir!

Inihatid muna nila ako sa bahay ko at nagpasalamat sa kanila nang hindi tumitingin sa kapreng nasa likod.

Pumasok na ako sa bahay at sinalubong ni mama at ni papa sa sala na nag kakape.

"Hoy bata ka. Akala ko ba na kela mingyu ka? Aba buong araw ka naman atang anduon?" Pagdududa ng mama ko.

"Sabihin mo nga reselina, may namamagitan ba sa inyo ng mingyu na yun?" Isa pa tong si papa. At tinawag pa ako sa totoong pangalan ko. Ampangit at lalong alam nila na ayoko tinatawag ako sa sarili kong pangalan. Nakakainis naman.

"Ma, pa, ang totoo nyan, nagcamping kami ni mingyu kasama mga pinsan nya." Nakahinga naman sila ng maluwag.

"Akala nyo naman magiging kami nun" akala ko din eh

Umakyat ako sa kwarto ko at isinara na iyon. Nagbeep agad ang phone ko at chineck ko kung sino. Unknown number. Baka si hoshi to. Sya lang naman ang binigyan ko ng number ngayon eh.

Binuksan ko ang message nya.

'I'll look forward to meet you again new friend'

I'll look forward too hoshi. Sinave ko agad ang number nya at naligo na agad para pumasok.

Oo papasok agad ako dahil wala naman excuse na kailangan ko umabsent. Basta itatry ko ang best ko para maiwasan lang si mingyu.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad na. Medyo may kalamigan ngayon siguro uulan? Di naman ganun kakulimlim OA ng weather ngayon but i am loving it because it feels like south korea, tahanan ng aking mga asawa. Charot.

Pagliko ko sa kanan ng street namin, naabutan kong nag aantay sa akin si mingyu habang nilalaro ang paa nya. Nakapamulsa sya ang nakayuko. Litse.

Nilagpasan ko sya pero nahuli nya ang kamay ko kaya naman natigil ako.

"Sen. Wag ka naman ganito." Uh! Sabi ko itatry ko best ko wag lang sya makausap pero hindi!

"Ano ba mingyu? Sabi ko give me space. Magiging okay naman ako." Pilit ko tinatanggal ang kamay nya pero mahigpit ang pagkakahawak nya.

"Di mo kasi ako pinatapos sa gusto kong sabihin sayo. Pwede ba makinig ka?" Humarap ako sa kanya.

"Sige. Ituloy mo na!"

"Sen. Kaya ko naman sinabi na itigil mo na kasi, i like someone else." Mas masakit pala. Letche naman mingyu.

"...and ayoko lang masaktan ka. Bestfriend kita eh." Yeah right. Bestfriend.

"Sino naman yung malas na babae?"

"Kaklase ni dokyeom eh..pramis sen matagal ko na syang gusto."

Nauna na ako maglakad sa kanya. Sana di na lang nya pinilit sa akin na tatapusin nya. Di ko na kailangan ng dahilan. Mas masakit naman pala.

Ugh bakit kasi sa bestfriend ko pa?! Bakit sa kanya pa! Tanga tanga pumili ng puso ko aba!

Nagvibrate ang phone ko. May tumatawag pero di ko na tinignan kung sino.

"Hello?!"

"Woah. Beast mode." Boses ni hoshi.

"Ay hoshi ikaw pala."

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon