Nakakunot ang noo nya at iniharap sa akin ang white na tshirt.

T shirt ni hoshi.

"Hindi mo to binalik? Kay hoshi hyung to diba?" Hindi na ako nagsalita at hinablot ang damit sa kanya at binalik ko na sa cabinet ko.

"Bakit di mo binabalik?" Tanong nya sakin pero nakatalikod na ako sa kanya para mag ayos.

"Sena sagutin mo ko. Pwede mo naman ipabalik na lang kahit sino samin nila minghao ah?"

I just don't feel like it anymore. Tyaka hindi ko na rin naman naalala na andyan pa pala yan.

Bigla na lang sya lumabas ng kwarto ko at padabog na sinara. Nagagalit sya dahil hindi ko naisipang ibalik? It's just a tshirt bakit ba sya nagagalit.

Hinantay ko magtext si mingyu pero ni isa wala ako natanggap. Galit nga sya. Bahala na nga sya dyan wala naman ako kasalanan basta na lang sya nagalit.

Binuksan ko ulit ang cabinet ko at inilabas ang tshirt na yun.

Great. Dahil sa tshirt nag away kami.

Dahil sayo na naman.

Hoshi.

-------------------------------
"Sena...SENA!" sampal sa akin ng nanay ko. Ghad ang dilim dilim pa ginigising na ako.

"Ma mamaya na ang aga pa kaya." Napabuntong hininga ang mama ko at hinampas ulit ako.

"May sumusundo sayo dito! May camping daw kayo!" Napabangon ako bigla at tinignan ang oras. 3 o' clock? Ang aga.

Agad na ako nag ayos at kinuha ang bag ko at bumaba na.

Narinig kong tumatawa ang papa ko. Aba sino ba kasi yu-

SEHUN?!

"Ay andito na pala si sena sige umalis na kayo" tulak sa akin ni mama sa tabi ni sehun. Paano nya nalaman ang bahay ko.

"Ma ipaalam nyo na lang kay mingyu" tumango tango si mama at hinila na ako ni sehun.

"Bakit ka ba andito at paano mo nalaman bahay ko ha? Sabi mo sa school magkita?!" Hampas ko sa kanya.

"Daming dakdak sumakay ka na lang." Kinuha nya ang bag ko at hinagis sa loob ng sasakyan sabay tulak naman sa akin papasok.

"Argh oh sehun!" Tili ko.

"Geez. It's so early and you already have mood swings. Girls."sinara na nya ang pinto ng sasakyan at lumipat sya sa driver seat.

"Se-" tumingin sya sa akin.

"Be quiet woman while i drive. " at binalik na ang tingin sa kalsada

"Deadly weapon" bulong ko sa tabi pero mukhang narinig nya.

"What?"

"Wala sabi mo be quiet woman while i drive" ginaya ko ang boses nya which is nakakatawa. Naparolyo naman ang mata nya at nagdrive na.

Napadaan kami sa jollibee and guess what? Nagliwanag ang mukha ng deadly weapon. Agad syang lumiko sa drive thru.

"Ano gusto mo? Alam kong di ka pa nagbebreakfast. Treat ko don't worry." Sinabi ko sa kanya ang gusto ko kainin.

Napangiwi naman sya.

"What?"tanong ko sa kanya. Walang masama kung marami ako kumain no. Tyaka ngayon lang ako magkakaroon ng matinong breakfast.

"Ang liit liit mo tapos andami mo kumain? Wow"

"Treat mo eh. Nilubos ko lang"

"Whatever." Sinabi na nya ang mga order namin at pumunta na sa may window kung saan kukunin yung mga order.

Nakikita kong nagpapacute pa yung babae sa kanya. Habang sya pokerface. Hahaha lalo humahaba yung baba nya hahahaha.

"Will you quit it? You look stupid"biglang sinabi ni sehun. Nanlaki ang mata ng babae. Saktong tapos na asikasuhin ang order namin at agad na binigay sa kanya ang pagkain.

"T-thank y-" di na tinapos ni sehun yung sasabihin ng babae dahil pinaandar na agad nya yung sasakyan.

"Ang mean mo" kinagat ko na yung burger.

"Buksan mo yung order ko. Tapos feed me." Napatingin ako sa kanya.

"What?"

"Feed you? Pwede ka naman mag stop muna sa tabi at kumain diba."

"Woman. I am driving at di natin kailangan magstop dahil you see, kailangan nandun na tayo kanina pa." Wala akong choice kundi buksan ang order nya at pakainin sya.

May times naman na tumitigil kami dahil stoplight, kinukuha nya ang pagkain nya sa akin at sya na mismo nagpakakain sa sarili nya.

"Your boyfriend..mingyu. kamusta na kayo?" Para namang di nya kami nakikita araw araw.

"We are fine. Parang di tayo nagkikita araw araw ah."

"But may something na mali sa inyo. I can see it. Especially in you." What's wrong with me? I'm perfectly in love with mingyu.

"You are just convincing yourself you love him but you don't." Natahimik na lang ako.

Am i really convincing myself? At first oo pero ngayon hindi na.

"No i love him. You don't understand."

"I know there's someone else. Hindi ko nakikita ang sparks sa mata mo"

"Ano? Kailangan ko pa ba ng kwitis?" Natawa na lang ako sa sinabi ko. Sparks lang pala eh edi bigyan ng kwitis.

"Korni mo. Subuan mo na ako." Ngumanga sya at sinubuan ko sya.

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Where stories live. Discover now