Tumigil na kami sa tapat ng bahay namin. Humarap ako sa kanya.

"Pick you up on 8" at umalis na. Pumasok naman agad ako at pumunta agad sa kwarto. Di ko talaga alam isusuot ko.

Kinalkal ko ang cabinet ko at ni isa wala akong mapili.

Tinry ko tawagan si reiko. Agad nya sinagot ang tawag ko.

"Yes?"

"REIKOOO!"

" SENAAA! Bakit? "

" dito ka na magpalit sa bahay. Wala ako masuot eh." Tumawa naman sya.

"Di ko alam bahay nyo remember?"

"Pahatid ka sa docutie moooo"

"Ay sige tapos ayusan kita. Sige see you in a bit."

Maya maya andito na sya sa bahay at binigyan nya ng halik sa pisngi si docutie nya bago pumasok.

Ghad. Ang cheesy nila.

"So. May boyfriend ka na daw?!" Hinila ko ang buhok nya. Mamaya marinig pa nila mama lagot ako.

"ouch!"

"Ang ingay mo eh!"

"Wow new hair look. Just wow." Sabi nya habang nilalaro ang buhok ko.

"Tara na nga sa taas" hinila ko sya pataas at sinimulan na nya ako piliin ng damit.

Kinuha nya ang crop top kong hindi ko na sinusuot dahil ang revealing at isang shorts na hindi ko rin sinusuot. Naglabas pa sya ng stockings at ibinato sa kama ang converse ko.

"Do you have jacket?" Naalala ko yung binigay ni hoshi at pinakita ko iyon sa kanya.

"Perfect. Now change." Sabay tulak sa banyo. Really? I have to wear this?

Paglabas ko ng banyo hinila na nya ako sa upuan at sinimulan ayusan. Nakaayos na agad sya. Mabilis sya o sadyang mabagal ako mag ayos.

-------------------------------

"Perfect! Omg. Sana nag harley quinn na lang din ako!" Nag ring ang doorbell at agad ako bumaba para buksan iyon.

"Oy hoshi" nakanganga lang si hoshi pero binawi nya din agad.

"Tara? Sabay tayo kela dokyeom."

"Sige"

Agad ako umakyat para hilahin si reiko. Pununta kami sa bahay nila mingyu kasama si hoshi at kinatok iyon. Agad na bumukas iyon at si mingyu lang pala.

Nakanganga sya sa akin. Seriously ano ba meron at napapanganga ang mga to sakin.

Naka dracula attire sya kagaya kay reiko. He looks hot.

WAIT WHAT?!

"Tara na?" Yaya ni hoshi. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Oo teka tawagin ko sila minghao"

Nang lumabas na ang dalawa at agad na nilapitan ni dokyeom si reiko. Hay maglandian pa kayo sige.

"susunduin ko si lea, minghao." Paalam ni mingyu. Tss. Napatingin ako kay hoshi.

"Oh..you really look great tonight sena." Compliment ni hoshi. Agad ako napangiti at kinurot sya sa pisngi.

Teka, nagsisimula na ba kami mang inis kay mingyu?

"Omg! Ako nag ayos dyan! Bagay kayo ha!" tulak ni reiko sa akin.

"Ang galing naman ng reicute ko!" Sabay kurot ni dokyeom kay reiko sa pisngi.

"Awww ikaw rin docutie"

Damn. Naparolyo ang mata ko at inilipat ang tingin kay mingyu na nakatingin na sa akin ngayon.

Okay? Why is he staring?

Agad na naputol ang pagtititigan namin ng tumikhim si hoshi.

"So...si lea...kamusta kayo?"inilipat ni hoshi ang kamay nya sa bewang ko at iniusog ako papalapit sa kanya.

"We are getting there." Napangiti si mingyu. Ouch. He seems so happy i think di kami magtatagumpay ni hoshi.

Hindi man lang sya umaangal sa mga kinikilos ni hoshi.

Wala lang ba talaga ako? Isa lamang ako bestfriend?

Isinet aside ko ang mga thoughts ko nang tumigil kami sa iisang bahay. Bahay ni lea. Bumaba si mingyu para salubungin si lea na naka princess attire.

Maganda nga sya. Wala akong laban. Umusog na lang ako palapit kay hoshi. Pero etong kumag na to, nakatingin kay lea.

Okay i'm getting jealous.

WAIT. ANONG JEALOUS! MALAMANG TITITIGAN NYA YAN DAHIL SUPPOSED TO BE GIRLFRIEND NI HOSHI YAN!

tanga mo talaga sena.

"Sige sakay ka na." Umupi sa tabi ko si lea.

"Hi" bati nya sa akin. Tumingin sya sa tabi ko at nakita nya si hoshi. Nanlaki ang mata nya.

"HOSHI!" sigaw nya.

"Uy lea." Sabay akbay sa akin ni hoshi. Ang touchy nya ha.

"Girlfriend mo?" Sabi nya na may halong disappointment sa boses.

"Malapit na. Diba jagiya?" Umikot ang mata ko at umirap sa kanya.

"Silly girl." Then, hinalikan nya ako sa pisngi. Ulit.

Nagulat ako at di ko maitindihan bakit umiinit ang mukha ko. Narinig ko ang mga asar ni dokyeom at reiko.

"UYYYY~~~"

"A-ano ba!" tumawa lang si hoshi at bumulong sa akin.

"This is going to be successful sena. Just wait and see."

my bestfriend's cousin[RUDETEEN SERIES#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon