Chapter 20 : Breakfast failed

Start from the beginning
                                    

Maya maya pumasok na si Brett dala dala yong mga pagkain na kinuha niya sa sasakyan.

"What's going on here?? Parang ang saya niyo ah " Brett

Alam ko nakatingin siya sa kin kaya hindi na ko lumingon sa kanya para tingnan siya dahil baka kong ano lang ang magawa ko sa kanya, akala niya ba nakalimutan ko na , neknek niya.

"Nothing Iho " Tita Fiona

"Wait , ihahain ko lang po yong food para makakain na din po tayo Ma-ma " sabi ko

Mukhang nagulat si Brett ng marinig yong huling sinabi ko. Problema niya. Hindi ko na lang siya pinansin, kinuha ko na yong foods saka pumunta ako sa kitchen para ayusin yong pagkain. Habang inaayos ko yong pagkain hindi pa rin mawala sa isip ko yong alien na yon. First time niya kasi akong nasigawan kaya nahihirapan akong tanggapin.

After kong ayusin yong pagkain, bumalik na din agad ako dahil for sure gutom na din sila. Nilapag ko yong pagkain at nag umpisa na kaming kumain. Habang kumakain kami kong ano ano na naman ang pinag uusapan namin mga bagay na malabo namang mangyare.

"Brett , ano magkaka apo na ba ako " Tita

Muntik ko ng maibuga yong kinakain ko dahil sa sinabi niya.

Apo agad ??? Juice colored

Hindi pa rin ako tumitingin kay Brett kahit kanina pa. Pero alam ko nakatingin siya sa kin for sure nakita niya yong reaksyon ko.

"Ma, as of now wala pa sa mga plans namin na magkababy , dont worry Ma, kapag buntis si Alexa you are the first person na makakaalam agad " Brett

In your dreams , sarap mong batuhin. Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain ng paunti unti.

"Excited pa naman ako , you know naman Iho, namimis ko ng mag alaga ng mga kids " Tita Fiona

"Ma, maybe may tamang panahon po dyan as now hindi pa namin napag uusapan ni Brett ang tungkol dyan " sabi ko

Naramdaman ko na tumingin si Brett sa kin pero hindi ako tumitingin sa kanya , for sure napapansin niya din yon.

Kong ano ano pa ang napag usapan namin mga bagay na hindi ako maka relate pero go with the flow lang ako yon naman dapat ang ginagawa ko dahil part yon ng trabaho ko at isa pa baka isipin ng alien na yon na wala akong ginagawa.

"Anyway , I have to go Iho , Iha , baka malate na ako " Tita Fiona

"Hatid na kita Ma " Brett

"No its okay , okay lang ako Iho " tumingin si Tita sa kin "Iha Alexa kaw ng bahala kay Brett " nakangiting sabi ni Tita Fiona

"Yes Ma, ingat po kayo " sabi ko

"Welcome " Tita Fiona

Kinuha ni Tita Fiona yong bag niya sa may upuan saka lumabas na siya, tahimik lang ako sa loob , hindi pa rin ako kumikibo akala ba ng alien na to nakimutan ko na yong ginawa niya sa kin kanina.

Hindi ko siya pinapansin saka tinitingnan , since kami na lang ang naiwan magliligpit na sana ako ng pinagkainan ng bigla nyang ..

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"I know what you feel , I'm sorry is not my intention " tumingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang mga mata niya na parang nangungusap "I'm sorry, I'm sorry kong nasigawan kita a while ago " Brett

Hindi ko magawang maiwas ang tingin ko sa kanya at hindi ako makagalaw dahil sa hawak hawak niya pa rin ang mga kamay ko kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Its okay , kasalanan ko din naman eh , I'm sorry " sabi ko

Tumingin ako sa kamay ko na hawak hawak niya kaya naman napabitaw siya bigla.

"Is not my intention nabigla lang talaga ako kanina, I'm sorry Grace hindi ko sinasadya yon " Brett

"I'm sorry kong hindi ako nag iingat muntik ko pa tuloy masunog ang bahay " sabi ko

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at naisipan mong magluto ?? " Brett

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya , gaya ng dati mukha na naman syang mabait dahil sa mga tingin niya at kong paano siya magsalita.

"Gusto ko kasing gumawa ng breakfast pero sad to say ganon yong nangyare , I'm sorry " sabi ko

"No , you don't need to say sorry , I understand your point, okay ?? " Brett

Nakatitig lang kami sa isat isa, alam mo yong feeling na hindi ka makagalaw dahil nakatingin kami sa isat isa.

Gulp

Gulp

Napapalunok na lang ako dahil sa mga titig niya sa kin habang ako hindi ko alam kong paano gagalaw sa sitwasyon.

"Ah..magliligpit na ko " pag iiwas ko ng tingin sa kanya.

Ngumiti na lang siya saka iniwan na niya ako habang siya umakyat na lang sa taas. Habang nag liligpit ako ng mga pinagkain yong mukha na naman niya ang nakikita ko, yong mukhang bibihira ko lang makita sa kanya dahil alam niyo naman si Brett may pagka alien kaya ngayon ko lang nakita yong tingin niya sa kin.

Nag hugas na din ako dahil wala namang kikilos dito kong hindi ako. After kong mag hugas ng mga plato bumalik na ko sa may sofa para manuod ng TV pero gaya kanina para na namang lumilipad ang utak ko ng super duper malayo.

Hays, ano bang nangyayare sa kin at lagi ko na lang syang iniisip ???

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingWhere stories live. Discover now