Chapter 20 : Breakfast failed

Começar do início
                                    

Tiningnan ko siya at talaga namang ngingiti ngiti pa samantalang kanina kulang na lang kainin niya ko ng buhay.

"Naririnig ??? " Brett

"Yes, I heard something para kayong nag aaway , may problema ba ?? " Tita Fiona

"No Ma , actually nagkakatuwaan lang kami dahil sa pagluluto, look what we did Ma " Brett

Tinuro ni Brett yong sunog na kawali at kawawang itlog na hindi ko alam kong itlog pa ba.

Tumawa si Tita Fiona

"Haha , you're so funny talaga , I can't imagine na you just starting to learn how to cook Iho , nakakatuwa naman "Tita Fiona

Tinitingnan ko lang sila sa pinag gagawa nila dahil hindi pa ako maka get over sa Brett na to. Bigla bigla na lang nag chichange mode ang alien na to.

"I think is better na si Alexa ang mag aral on how to cook, right Alexa ?? " Tita Fiona

"Su-sure " gulat kong sabi

"Dont worry Iha , I have some friends na pwede kang turuan on how to cook , nakakatuwa naman kayong tingnan dahil hindi ko iniexpect na magluluto kayo for your own food " Tita Fiona

Nakangiti lang siya kaya naman sinakyan ko na naman gaya ng laging sinasabi ni Brett sa kin.

"Don't worry Tita , matuto din ako kong paano mag luto ng mga ibat ibang dish " nakangiti kong sabi

Tumingin sa kin si Brett pero tiningnan ko lang siya ng masama, akala niya ba ganon ganon lang neknek niya.

"Ma , ano pa lang ginagawa mo dito ?? Biglaan naman ata ?? " tanong ni Brett

"Well to tell you honest , gusto ko talaga kayong i-surprised and I'm happy na okay naman pala kayo , wait nag dala na din ako ng food natin " Tita Fiona

"Natin ?? " Brett

"Yes , since wala akong appointment today  gusto ko dito na mag lunch kasama ninyo" tiningnan niya kami "bawal na ba akong kumain kasama kayo ?? " Tita Fiona

"No Tita , of course not " nakangiti kong sabi

"Yes Ma " Brett

Ngumiti na lang kami parehas na akala mo naman okay na kami. Tsss

Kinuha ni Brett sa labas yong dala na pagkain ni Tita kaya naiwan kami sa loob ni Tita. Hindi ko alam kong bakit parang kinabahan ako bigla.

Tumingin siya sa kin na hindi ko alam kong bakit pero nakangiti siya, pero alam ko na naiilang ako sa mga tingin niya sa kin.

"Yes Tita " pagtatanong ko

Ang awkward naman kasi

"Iha " hinawakan niya ko pero hindi ko ma gets kong ano ang gusto nyang iparating sa kin "I'm happy dahil nakikita ko sa mga mata ni Brett kong paano maging masaya, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti " Tita Fiona

"Ganon naman talaga Tita, pag alam mong mahal ka ng isang tao, nakikita naman po yon sa mga mata ng isang tao kahit na hindi siya magsalita " sabi ko

"Mama " ngumiti siya ng malawak "starting today tawagin mo na akong Mama, since part ka na rin naman ng family " Tita Fiona

"Nakakahiya naman po Tita "sabi ko

"Ano ka ba masanay ka na Iha " nakangiting sabi ni Tita

"Okay po Ti- Mama " naiilang kong sabi

Kasi naman eh, Mama na ang tawag ko sa kanya, hindi ko nga alam kong kaya ko pa tong pagpapanggap na to dahil to be honest mabait naman si Tita kaya nga nagiguilt ako kapag nalaman niya ang lahat sa min ni Brett. 

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingOnde histórias criam vida. Descubra agora