Twists and Wrong turns

Magsimula sa umpisa
                                    

Nahampas ko ang manibela habang palabas ako ng parking lot ng buiding.

Hindi pwede 'to, kailangang magusap kami agad.

Kumakaway lang ako para i-acknowlege yung bati sakin ng staff ng hospital pagkarating ko. Wala ako sa mood maging showbiz ngayon. Yun kasi yung sabi ni Dianne, dapat i-entertain ko rin yung mga staff paminsan minsan para ma-inspire silang magtrabaho.

Wala ako sa sarili ko kaya saka ko nalang narealize na lumampas na pala ako sa lilikuan ko para makarating sa office ni Dianne.

Maraming bumabati sakin kahit hindi ko kilala, maraming gusting makipagkamustahan kahit hindi ko naman sila ka-close. Tsk! Wala talaga ako sa mood ngayon, gusto kong makausap si Dianne.

“Sir anjan po si Doc sa kabilang office” sabi sakin ng isang nurse na naghatid daw kay Avie noong nag-taxi siya papunta sa mommy niya.

Saka ko nalang napansin na nasa labas ako ng records section. Wala parin ako sa sarili ko kahit tinulak ko na yung pinto.

“Sir bawal po dito, for authorized personnel lang po” naramdaman ko ang kamay ng guard sa braso ko.

“Hindi mo ba alam kung sino ako?” Sa movies lang may ganyan. Pumasok lang ako at wala akong pakialam sa guard. Tinulak ko pa nga eh.

“Sir hindi po talaga pwede dito, sir” Naramdaman ko nanaman yung kamay ng guard. Saka na tuluyang uminit ang ulo ko.

“Ano bang problema mo? Isa ako sa nagpapatakbo ng ospital na ‘to at sa pera ko nangga-galing ang sinisweldo mo, pwede bang matuto kang rumespeto at kilalanin mo kung sino ang mga taong dapat mong pagsilbihan!” Napasigaw ako, hindi ko na napigilan dahil ang init talaga ng ulo ko at ginatungan pa ng guard.

Nagtinginan na ang mga tao samin, instant scandal. Tsk!

“Beh! Beh chill lang, he’s just doing his job, kalma lang po tayo Sir” I felt arms on me at naamoy ko yung paborito kong pabango ni Dianne. She patted my cheek, “Cool ka lang jan beh”. Ramdam din niya siguro yung tension ko. Dianne faced on the door’s direction habang nakayakap parin sakin, “Mga kuya ok lang po, we’re fine” she raised her hands to stop the guards na rumespond sa ‘situation’ na ginawa ko.

“Sir pasensha na po kayo” galing yon sa administrator. Hindi ko kilala pero naka-uniform siya eh.

I breathed in and looked down kay Dianne na naka-yakap parin sakin. Masama talaga ang timpla ko sa guard. Nadamay lang siya pero dapat naman talaga kilala niya yung mga administrators.

“Doc Dianne, ok lang po ba si Sir?” Pumasok na yung head ng security. Again, hindi ko kilala, nasa uniform lang din. Ang hirap magwala sa hindi ko kabisadong teritoryo.

“Yes he’s fine, mainit lang ulo for some reason, diba Sir you’re fine?” She looked up at me. Damn! Nakakawala talaga ng galit ang mala-anghel na mukha ni Dianne ko. Hindi pwede, dapat galit ako.

“I want all the staff to recognize and respect their bosses. Maliwanag ba?” Sabi ko sa head ng security.

“Yes Sir, hindi na po mauulit” napayuko yung head ng security. I can see disagreement in Dianne’s face, pero ayaw niya lang sigurong pakialaman yung authority ko sa hospital dahil ako ang board member kahit pa asawa ko siya. Kaya nga she calls me ‘Sir’ kapag nasa harap kami ng ibang staff ng hospital dahil ayaw niya rin na ginagamit yung authority niya as my wife.

Tsk! Asawa. Nainis ako lalo.

“Beh what’s wrong?” Dianne asked me. Ang bilis talaga niyang makaramdam.

“We need to talk” Nagtataka pa si Dianne at clueless sa balitang dala ko.

“Sige beh, tara sa office ko” nagpa-alam siya sa mga friends niya sa section at saka kami pumunta sa office niya. Hindi naman consultation hours ni Dianne kaya walang pasyenteng dadating.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon