Chapter 6 Let go and move on

ابدأ من البداية
                                    

“Ikaw? Anu ang ginagawa mo dito?” tanong niya. Nagkibit balikat ito. Akala niya ay hindi na ito sasagot.

“Hindi ako makatulog kaya nagpasya muna akong maglakad-lakad. Paalis na sana ako dito kanina ng makita kitang parating. I decided to stay lalo at gusto mo yatang magpakalasing. Ayaw ko naman may masamang mangyari sayo dito sa hotel namin at tiyak na pananagutan pa namin iyon.” Sagot nito.

Napangiwi naman siya. Kaya nga siya tumakas sa mga bodyguard niya dahil sa pakiramdam niya ay napakahina niya at isang alagain lamang. Ngunit ito na naman ang isang lalaking ganun ang ipinararamdam sa kanya.

 “Thank you for your concern Gov. Roxas but I think wala naman sigurong masamang mangyari sa akin dito. For sure mahigpit ang security niyo sa hotel na hindi niyo hahayaang may gumalang criminal dito. Isa pa, hindi ba dapat imbes na ako ang bantayan mo ay dapat na andun ka sa asawa mo? It is supposed to be your wedding night.” Patuya niyang sabi.

He just smiled bago sumagot. “masyado na siyang pagod para maasikaso pa ako Miss Montelibano. Isa pa, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.” Sabi nito na matiim na nakatitig sa kanya.

Hindi naman niya maiwasang parang may mga paro-parong nagliliparan sa sikmura niya sa uri ng tingin nito sa kanya.

“Why me?” halos pabulong niyang tanong. Kung pwede nga lamang niyang sabihin na isa ito sa dahilan kung bakit hindi rin siya makatulog.

Lumapit si Ivan kay Joni at napaatras naman ang huli. Napasandal ito sa puno na naging dahilan para ma corner siya nang inilagay nito ang dalawang kamay sa pagitan ng dalaga. She hold her breath when he move and press his forehead to hers.

“Simula ng makilala kita kanina ay ginulo mo na ang utak ko. Sa tuwing nahuhuli kong nakatingin ka sa akin pakiramdam ko ay may malaki akong atraso sa iyo. Pakiramdam ko ako ang dahilan ng kalungkutan sa mga mata mo.” he said huskily habang pinakatitigan ang maamong mukha ni Joni. Sa konting liwanag ay kita niyang pinamulahan ng mukha ang dalaga.

Parang gusto niyang angkinin ang mga mapupulang labi nito pero alam niyang mali. May asawa na siyang tao at kanina nga lang siya ikinasal pero ito agad siya at nagloloko. Sa tagal na ng relasyon nila na umabot na sa pitong taon ay wala siyang ibang babaeng tiningnan maliban sa nobya na ngayon ay asawa na niya.

Pero kanina, nang makilala niya si Joni ay nagulo hindi lang ang utak niya kundi pati ang kanyang puso. Ang maganda ngunit malungkot nitong mukha ay  hindi niya maiwasang hindi pakatitigan. It takes all his will para ignorahin ang dalaga habang ginagawa ang reception ng kanyang kasal.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo?” tangging naisagot ni Joni. Kinakabahan siya sa sobrang pagkakalapit ng katawan nila ng lalaki.

Napalunok siya ng mapansing pinakatitigan nito ang kanyang mga labi. Mali yata ang kanyang ginawa dahil iyon ang nagtulak kay Ivan na angkinin ang mga ito. Masuyo ang mga halik nito at nanantiya. Hindi niya maiwasang hindi tumugon sa mga halik nito. Parang pareho silang uhaw sa isa’t-isa.

Napasinghap siya sa sensasyong naramdaman nang gumapang ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. Parang mabubuwal siya sa pagkakasandig sa puno kung  hindi lamang nakaalalay ang isang kamay nito sa kanyang baywang habang ang isa naman ay malayang gumagapang sa kanyang katawan.Parang may sariling isip ang kanyang mga kamay at kusang yumakap sa batok ng lalaki.

Dahil sa kanyang ginawa ay lalo namang diniinan ng lalaki ang paghalik sa kanya na kanya namang tinugon. Then she felt his hand going inside her tight blouse. She can’t help the moan that escape from her mouth dahil sa sensasyon dulot ng palad nito sa kanyang dibdib.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن