Chapter 24

3.9K 173 46
                                    

DEMNVER

Magkasama kami ngayon ni Oscar Tanchingko. Kating-kati na ako na mag merge yun company nila at company kong nalulugi na. Well hindi obvious yun dahil maayos ko naman napapatakbo ang negosyo kahit nalulugi na.

"So paano? Let's have some party para sa pagmemerge ng companies natin" masayang sabi ni Oscar, habang umiinom ng coffee.

"Sige sir, mas maganda yan, dun na din ba natin gagawin ang contract signing?" Tanong ko.

"Oo dun na natin gagawin, para masaya, so kelan natin to gagawin?" Tanong uli ni Oscar.

"Sa Saturday ng gabe, sa Aberdeen Court, 6pm" sabi ko.

"So ipapa asikaso ko na ba tong event na to kela Althea?" Tanong uli ni Oscar.

"Yeah sure" nakangiti kong sabi.

"So see you on Saturday night at Aberdeen Court" paalam ni Oscar at tuluyan nang umalis sa bahay ko. This is it. Nag-offer sakin si Oscar Tanchingko na gusto niya ako mag invest sa company nila.

ALTHEA

Andito kami nila Jade,Batchi, at Sally sa isang bar. As always para mag relax at magsaya. Hindi na kami nag pa VIP, dito na lang kami sa balcony ng bar kung san tanaw yun ginagawa sa dance floor.

"Lablab, tara sa baba, sayaw tayo" aya ni Jade.

"Himala, nag-aya ka" masayang sabi ko.

"Ayaw mo pa? Tara na" pag pupumilit nito. May magagawa pa ba ako? Eh si Jade to.

Agad kaming bumaba sa dance floor para sumayaw. Ang galing sumayaw ng asawa ko. Akala ko teenager pa din eh. Makasayaw wagas. Andun naman sila Batchi kaya hinayaan ko muna. Nagpunta ako sa counter para kumuha ng drinks.

Binigyan ako ng isang wine goblet at nilagyan ng red wine, half lang ng goblet.

"Althea?" Nacaught up ng tawag na yon yung attention ko. And I know kung kaninong boses yon. Hindi ko pinansin dahil, si Ashley yon. Tinuon ko lang yun pansin ko sa goblet na hawak ko.

"Wow? So ganyan na ngayon? After what I did to you, nung time na inis sayo si Jade" pataray nitong sabi.

"Ashley? Will you stay away from me?" Pataray kong sabi.

"Why would I?" Lalo itong lumapit sakin, hinawakan nito yun legs ko, dahilan para mapaigtad ako. Muntik na matapon yung wine.

"Ashley, andito ang asawa ko! At alam ng lahat na may asawa ako, ano na lang iisipin nila pag nakita nila yang ginagawa mo sakin?" Galit na sabi ko.

"May asawa ka nga hindi ka naman kilala talaga" pang-aasar nitong sabi. Sumandal ito sa counter, kinuha yun goblet ko at dun uminom. My goodness feeling ko nkipag indirect kiss ako sakaniya.

THIRD PERSON

Aalis na sana si Althea ngunit hinigit ni Ashley ang braso nito, dahilan para mapasandal si Althea kay Ashley, nang magkalapit ang kanilang mukha agad hinalikan ni Ashley si Althea sa labi. Lalapit na sana si Jade ng makita ni Jade ang pangyayare,halos manlumo ito sakaniyang nasaksihan. Agad tumakbo palabas ng bar, hindi inaasahan ni Jade na gagawin yun sakaniya ni Althea.

ALTHEA

Tinulak ni Althea si Ashley para makalayo dito.

"Dont dare to show up your face to me again!" Galit na sabi ko.

"Really? Pano kung sabihin kong nakita ng may amnesia mong asawa yun ginawa natin?" Sabay ngumiti ito ng masama.

Agad ako tumakbo sa second floor para hanapin si Jade. Pero wala siya don. Hinanap ko siya agad sa labas ng bar. Hindi ko ito inaasahan, nagiging smooth na nga eh. Bwiset ka Ashley, kayo ni Demnver ipapakulong ko kayo.

Agad ako nagpunta sa Parking lot kung saan naka park yun kotse ko. At di ako nagkamali, andun si Jade. Umiiyak. Ang sakit na makita yun taong mahal ko, umiiyak ng dahil sakin.

"Lablab?" Say ko then umupo ako sa tabi niya.

"Ano pa ginagawa mo dito? Dun ka na kay Ashley! Masaya ka pa sa ginagawa mo sakaniya! Ano di pa ba ako sapat?" Tanong ni Jade na halos parang gripo na yun mata niya, kakaiyak.

"Lablab, look parehas tayong nabiktima nila! Diba nga plano nila tayo paghiwalayin? Hindi ko din alam na nandito si Ashley,kaya patawarin mo ko" naluluhang sabi ko.

"Althea ang sakit! Hindi ko lubus na maisip na kaya mong gawin sakin yon" galit na sabi ni Jade.

"Lablab, makinig ka, aalis na dapat ko non kaso hinigit ni Ashley yun kamay ko kaya napasandal ako sakaniya. Hindi agad ako naka-alis dahil yun balance ng katawan ko inaayos ko pa. Pero hinalikan agad ako ni Ashley" paliwanag ko.

*paaaaak*

Isang sampal ang inabot ko sa kamay ni Jade. Ang sakit. Pero mas masakit yun nakikita ko.

"Lablab, sorry." Then niyakap ko siya, patuloy niya akong pinapalo sa may dibdib ko.

"I hate you Althea! Kung kelan natutunan na kita mahalin, saka ka pa nagloko." Patuloy pa rin sa pag-iyak ang mahal ko.

"Jade? Lablab ko. Sorry, hindi ko sinasadya yon. Ano gusto mo na gawin ko? Para --"

!Kriiiiiiing ! Kriiiiiiiiing !

Dada's Calling ...

Si Dada tumatawag, ang aga pa para pauwiin kami.

"Sagutin mo na!" Galit na sabi ni Jade.

"Si Dada to" sagot ko naman.

"Hello po Dada"
(Althea, okay lang ba kung umuwi na kayo agad?)
"Bakit po Dada?"
(May pag-uusapan lang tayo, may event kasi kaming gagawin ni Demnver, contract signing yon ng companies, sa Saturday,6pm, Aberdeen Court)
"Tapos po?"
(Sayo ko sana ipapa organize yun event)
"Aa g-ganun po ba? S-sige po Dada"
(Okay sige, para mapag-usapan na yun magiging details ng party)
"Okay po"

*toooooot* *toooooot*

"Tara na umuwi na tayo, tawagan mo na lang sila Batchi na umuna na tayo" cold na sabi ni Jade.

Kiniss ko muna siya sa forehead then sa nose niya then sa lips. Akala ko papalag siya. Good thing hindi. Mahal na mahal ko yun babaeng to. Siya lang ang makakapag bigay sakin ng kakaibang saya.

"Im sorry Lablab, nasaktan lang ako" say ni Jade.

"Okay lang lablab ko, deserve ko naman yon, tara na may pag-uusapan tayo nila dada, at may naisip na din akong plano"  nakangiti kong sabi kay Jade.

-
Agad kami nakauwi ng bahay. Ang aga pa para umuwi talaga. Kaloka naman kasi. Umalis kami sa office 5pm tas nagdinner muna bago kami pumuntang bar like around 8pm tas 8:45pm pa lang uwi na agad.

============================
A/N :: SORRY SHORT UD NA NAMAN. BUSY PO KASO NA EH :( LAGING NASA SCHOOL PO ...

Anyways, yun may mga katanungan about sa'jin, sa mga characters ko sa stories ... Feel free to ask, then i'll post it with my answers ... Para may interraction sainyo :)

Be with youWhere stories live. Discover now