Chapter 7

3.4K 120 9
                                    

ALTHEA

May 3 days na din ang nakakalipas simula nun lumabas kami ng hospital. Good thing pagaling na yun swolleness ng likod ko. Kaya medyo nakakalakad na ako. Ilang araw na lang uuwi na din kami ng Pilipinas. Ang epic naman ng honeymoon namin. Naiiyak na naman ako. Kase naman. Wala pa ding naalala si Jade, nasa Pinas lahat ng bagay na pwedeng makapagpaalala sakaniya ng nakaraan namin...

Teka sa pagkakatanda ko may ginawa siyang video ng history ng relationship namin. Kung saan kami nag-umpisa at paano nabuo yun pagmamahalan namin.

Bigla naman ako nabuhayan ng loob. Saan nga pala niya tinago yun? Alam ko sa laptop niya yun nilagay eh. Nasa kwarto si Jade, natutulog. Kailangan niya ng bed rest. Alam ko naiilang siya sakin kaya pinili ko na lang na sa couch matulog. Alam ko di siya comfortable na katabi ako. Dahil nga di niya ako maalala.

JADE

Bigla na lang ako nagising dahil sa panaginip ko na parang nangyare na, kaso ang labo ng detalye eh.

"Aaaaaaaaaaaaaaaah" napasigaw na lang ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Jade?" Agad ko narinig yun boses niya. Ito na naman po kami.

Wag ka nga maarte Jade! Ikaw na tinutulungan.

"Sumasakit na naman ba ulo mo? Sabi kasi sayo, wag mo pilitin alalahanin lahat ng nakaraan mo" nag-alala niyang sabi.

"S-salamat." Tipid kong sabi. Then inabutan niya ako ng gamot.

"Ano gusto mo kainin?" Tanong ni Althea.

"Uhmm wala ako gana kumain" sagot ko.

!kruuuuuk! Kruuuuk!

"Hahaha wala palang gana kumain ha?" Natatawa niyang sa-- t-teka parang narinig ko na yung tawang yun. Saan nga ba? Saka ko na alalahanin baka sumakit na naman ulo ko pag pinilit ko.

"Lika na kaen na tayo,nagluto ako ng paborito mong pork adobo" aya niya sakin. Alam niya yun paborito ko? So talagang may connection siya sakin.

Alam ko di pa masyado okay yun likod neto eh. Pero ang bilis naman ata niya makarecover? O tinitiis lang niya?

"A-althea? Okay na ba yun likod mo?" Tanong ko.

"Oo okay na. Nakaka kilos naman na ako ng maayos. Tagal din natin nag stay sa hospital eh" natatawa niyang sabi.

Napaka thoughtful naman neto ni Althea. Yun tipong napaka maasikaso niya sakin. Sino ka ba Althea? Bakit ganyan ka kaasikaso sakin. Samantalang ang rude na nga ng pinakita ko sayo nun mga nakaraang araw?

Napansin ko na lang nakangiti siya habang kumakain. Napataas naman yun isang kilay ko dun.

"Ano nginingiti-ngiti mo jan?" Tanong ko na pataray.

"Ang cute mo kase matulala, mauunahan na naman kita kumain, samantalang nauna kita lagyan ng pagkain sa pinggan. May ginawa pa ako bago ako kumain" natatawa niyang sabi.

Naiiling na lang ako. Pero di ko gets yun naramdaman ko nun sinabe niyang ang cute ko. Di ko alam if compliment or pang iinsulto. Pero para akong natuwa sa sinabe niya.

Susubo na sana ako kaso pakiramdam ko may nakatitig sakin eh. Nilingon ko si Althea, sabay iwas ng tingin naman.

"Sige na kumain ka lang jan. Tatayo na ako" paalam niya.

Ano ba yan. Ang bagal ko kumain. Di pa nga ako nakakasubo ng marami, siya tapos na agad.

"Althea, pwede dito ka lang kahit tapos ka na kumain?" Tanong ko.

"Napansin kong naiilang ka pa sakin. Yaan mo pagbalik natin sa Pilipinas, di na kita guguluhin" kita ko sa mga mata niya yun lungkot na nararamdaman niya.

Pero sa kabilang banda, tila sumakit yun puso ko sa mga sinabe niya, parang hinihiwa-hiwa ng pinong pino.

Hindi na ako umimik. Hinayaan ko na lang si Althea sa gusto niya. Oo tama siya naiilang pa din ako sakaniya. Kasi naman sino di maiilang una naming pagkikita, sinabe niya na asawa ko siya. Ang alam ko naka arranged marriage ako kay David.

Sinundan ko ng tingin si Althea, naka higa siya sa couch. Siguro napagod. Ang dami niya kase ginagawa dito. Pwede naman magpa room service dito. Masyado masipag si Althea.

ALTHEA

Konting tiis na lang Althea. Napahiga na lang ako dito sa couch. Hanggang kelan ako magtitiis na ganito. Bakit kase kailangan mangyare nito samin.

Everything has its own reason.

Eksena na naman tong konsensya ko. Pero tama siya. Baka para palakasin kami lalo sa relationship namin. Isa pa kasal na kami although mahirap pero kakayanin ko to. Maalala mo din ang lahat Jade. Hindi kita isusuko.

"Althea?" Narinig kong tawag ni Jade, agad naman ako napatayo kahit medyo masakit yun likod ko.

"Bakit Jade?" Tanong ko.

"Pwede mo ba ako samahan maglibot-libot?" Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam pero nagkaphobia ata ako.

"Okay lang naman kung di mo p--"

"Hindi... I mean o-okay lang na samahan kita, saan m-mo ba gusto pumunta?" Tanong ko. Flattered ako. Kasi naman fresh pa from accident.

"Kahit saan, taxi na lang tayo" naka-ngiti niyang sabi.

"S-sige, i'll fix up myself lang" sagot ko. Kala ko magdadrive na naman ako eh.

Papasok na sana ako sa kwarto..

"Jade?" Tawag ko sakaniya

"Yes?" Balik niyang tanong.

"Kaya mo na ba? Baka di mo pa kaya" nag-aalalang sabi ko.

"Don't worry kaya ko na" nakangiti pa niyang sabi.

Pumasok na ako sa kwarto para makapagpalit ng damit.

2pm pa lang naman kaso dahil London to. Di ramdam ang init.

Ang strong pa din ng personality ni Jade. Talagang memory niya lang niya ang nakalimot. Pero yun character and everything yun pa din. Pero di pa din maiwasan na di ako masaktan sa tuwing iniisip ko na nagkaroon siya ng memory loss.

"Althea? Matagal ka pa?" Narinig kong sabi niya.

"Just a minute" sagot ko.

Haaaaay naluluha na naman ako. Namimiss ko na yung dati naming sweetness yun tatawagin niya akong lablab. Miss ko na yung mag i love you siya sakin pag naiinis ako sa ginagawa niya. Miss ko na ng lahat yon. Kasama ko nga siya pero parang ang layo din kasi yun Jade na kasama ako, ay yun Jade na hindi ako kilala. Yun Jade na homophobic pagdating sa mga lesbians.

Tama na drama teh, si Jade nilalangaw na sa labas.

Ou nga pala aalis kami. Tama na siguro tong suot ko. Loose v-neck shirt then short na short then a pair of vans shoes. Then brush up.

=============================

A/N :: Ito na munaaaa ... Salamat sa mga nag-abang ... Mantatadtad ako ng UD ngayong week na to. Gumagana and imahinasyon eh.

Be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon