Chapter 10

3.2K 116 6
                                    

ALTHEA

It's been a month simula nung naka-uwi na kami ng Pilipinas. Isang buwan na din halos hindi pa din nakaka-alala si Jade. Nandito ako ngayon sa pool side ng bahay.

"Althea? Anak?" Si Dada.

"Bakit po dada?" Tanong ko.

"Kumusta kayo ni Jade?" Tanong niya.

"Okay naman po, yun nga lang dahil di pa din niya ako naalala eh medyo masakit lang po" pigil luha kong sabi.

"Hayaan mo makaka-alala din yon, by the way be prepared tonight. May aatenan tayong formal party" Umalis na din agad si Dada.

Di pa ako nakakabalik sa trabaho ko. Andun naman sila Batchi at Sally saka si Kathleen as the acting CEO.

Nasaan nga pala si Jade? Haaaay ano ba yan. Kasama ko nga siya. Parang wala lang din dahil nga di niya ako kilala. Busy lage sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Ako di man lang magawa kausapin.

"Bakit niyo ba pinipilit na asawa ko si Althea?" Narinig kong sigaw ni Jade.

"Dahil yun ang totoo Jade! Kaya dapat ang inaasikaso mo yun asawa mo hindi yung kung sinu-sino kausap mo na para kang teenager. Tandaan mo Jade 28 years old ka na!" Narinig kong sabi ni Mama Amanda. Nagtungo naman ako sa lugar kung saan sila nagsisigawan.

"Mama naman eh. Hindi ko matandaan na may nakilala akong Althea. Nagising na nga lang ako na may Althea na akong kasama tapos asawa ko pa" inis nitong sabi.

"Althea?" Gulat na sabi ni Mama Amanda. Dahilan para pumihit paharap sakin si Jade. At halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Kanina ka pa ba jan?" Tanong ni Jade.

"Kakarating ko lang, sige po alis na din ako para makapagprepare sa formal party tonight" pinilit kong ngumiti sakanila para di obvious na masakit yun mga narinig ko.

"Ay shit ou nga pala may party pa tonight" usal ni Jade. Agad na umalis si Jade at umakyat papuntang kwarto.

"Pagpasensyahan mo na si Jade, makaka-alala din yon" sabay yakap sakin ni Mama Amanda.

"Mama, ang sakit na po kasi. Pinapanuod ko sakaniya yung video na ginawa niya. Kung pano kami nagkakilala. Walang epekto na nangyare. Walang bakas sakaniya na naalala niya." Naluluha kong sabi.

"Tahan na, anak. Wag ka sumuko ha? Ooh siya maiwan muna kita.. Aayusin ko lang yun damit ng dada mo para mamaya" paalam ni Mama Amanda.

Naiwan ako dito sa sala. Tulala sa mga narinig ko kanina.

Flashback

"Jade, may ipapanood ako sayo" masayang sabi ko, habang nakahiga dito sa kama. Naka-uwi na kami ng Pilipinas, mga one week na din ang nakakalipas.

"Ano na naman yan Althea?" Inis nitong sabi. Simula nung dumating kami sa Pinas, nagbago na ang pakikitungo sakin ni Jade. Hindi ko alam ang dahilan. Iniintindi ko na lang dahil baka epekto ng mga iniinom niyang gamot. Kaya nagkakaroon siya ng mood swings.

Inayos ko yun pwesto ng laptop. Agad naman siya umupo sa kabilang side ng bed, bali nasa gitna namin yun laptop habang naka -lean kami sa headboard ng kama.

"Ako yan aa" gulat niyang sabi.

"Oo ikaw yan Jade, saka ako. Nung una tayong nagkakilala" pigil luha kong sabi. Habang naka play yun video, di ko maiwasan na di mamiss yun mga pangyayare. Yun hindi pa nangyayare ang aksidente.

"Althea?" Tawag niya.

"Ang boring na. Punta muna ako kay kuya Paul" paalam niya. Sabay alis ng kwarto.

Hindi ko maintindihan yun sakit na nararamdaman ko. Di man lang niya tinapos yun video. Malapit na sa kasalan eh. Yun pinaka favorite part ko.

End of Flashback

"Althea? Panyo ooh" abot ni Paul ng panyo sakin.

"S-salamat" medyo basag yun boses ko dahil sa pag-iyak ko.

"Makakayanan mo yan Althea, fight lang. Kasi kahit kami nila mama, nahihirapan sainyo. Kahit ano sabihin namin kay Jade ayaw makinig eh" malungkot na sabi ni Paul.

"Hayaan na muna natin, maybe I have to distance myself to her. May tamang panahon para sa ganong bagay" pilit akong ngumiti kay Paul

"Wag mo na itago. Iiyak mo na yan" ayoko nga. Gusto ko pag-umiyak ako yun naliligo ako.

"Sige na, magprepare pa ako sa party tonight" paalam ko kay Paul.

"Alam mo na ba yun pupuntahan nating Party?" Tanong ni Paul.

"Hindi nga eh, kaninong party ba yon?" Tanong ko.

"Sa first love ni Jade, si Demnver Lastimosa, wala siyang dugong chinese at mas mayaman ang Dada kesa sa tatay ni Demnver kaya di pumayag si Dada na ma-arranged marriage si Jade at Demnver. Tapos ayun nabalitaan na lang namin business tycoon na din pala sila" paliwanag ni Paul. Demnver Lastimosa, ano laban ko sa first love?

"Go na, wag harrasin ang lil sis ko" sabay gulo sa buhok. Palibhasa six footer kaya kayang-kaya ako ganunin.

Umakyat na ako sa kwarto para makapag prepare. Pipihitin ko na sana yun door knob ng may narinig akong tawa na galing sa loob ng kwarto.

"Hahaha? Sige See you later, alam komg marami tayo dapat pag-usapan" masayang sabi ni Jade.
. . . . . . .
"I miss you more" narinig kong sagot niya dun sa kausap niya.

Parang dinudurog yun puso ko. Sino yun kausap ni Jade? Parang ang saya-saya pati niya na kausap yon.

Baka si Sally lang yon. Selos ng selos di muna alamin kung sino kausap.

Pumasok na ako sa kwarto.

"Jade, I heard you laughing a while ago, sino kausap mo?" Tanong ko.

"It's none of your business to know about it" inis nitong sabi.

"I have to know because Im your wife!" Galit kong sabi.

"Really? Then I'll call my attorney to settle this so-called-wedding of us. I will file an annulment" galit din niyang sabi. At agad na pumasok sa c.r

Di ko alam kung ano yun nga dapat ko sabihin. Para na naman akong naging tuod sa mga narinig ko. Ganun na ba? Mawawala na lang lahat ng pinaglaban namin noon? Lintik na amnesia yan! Tadhana? Bakit kame na naman yun napili mong paglaruan?

Napaupo na lang ako sa kama sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Yun taong mahal na mahal ko. Unti-unti nang nawawala sakin.

Inayos ko na lang yung bag na gagamitin niya. Alam ko na din naman ang laman ng bag niya.

===================================
A/N :: TAPOS NA YUN KINABABALIWAN NATING TRMD.  ITO NA PO AG UD NA INAANTAY NIYO . PASENSYA NA PO MEDYO MATAGAL, MEDYO BUSY DIN PO KASI.

#LOVEWINS

Be with youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora