Chapter 6

3.3K 110 5
                                    

ALTHEA

Ang sakit ng ulo ko. Ang lakas ng pagkakatama ko sa driving wheel ng sasakyan. Dahan-dahan ko minulat yung mata ko. Kaso di ko magawa, sobra ako nasilaw sa ilaw na nakita ko.

Sa pangalawang pagkakataon iminulat ko uli yun mata ko,naaninag ko naman na ng maayos yun mga bagay. May narinig akong mga nag-uusap sa paligid. Hindi ko malaman kung sino yun mga boses na yon. Inilibot ko yung paningin ko. Nasa isa akong kwarto sa kanan ko ay may tabing na kurtina. Baka nasa kabila si Lablab ko.

"Aaaah!" Napasigaw ako dahil pinilit ko ibangon yun katawan ko pero nabigo ako. Sobrang sakit ng likod ko.

"Althea, buti gising ka na" si Paul.

"Paul, k-kumusta si Jade?" Tanong ko habang pinipilit ko pa din ibangon yun likod ko.

"Wag ka muna kumilos girl, masyado kayong nagrabe, nayupi yun likod na part ng kotse eh" say ni Paul.

"Asaan si Jade?" Tanong ko.

"Nasa kabilang kurtina, alam mo bang 5 araw na kami dito. In short 5 araw kayong tulog, si Jade di pa gumigising" hindi ko alam kung ano yun magiging reaksyon ko sa narinig ko. Di pa din gumigising si Jade.

Ihinawi naman ni Paul yun kurtina, nakita ko dun sila Dada at Mama saka si Kuya Gab.

"Dada, I'm sorry" naluluha kong sabi kay Dada.

"No Althea, we found out that this is an accident, dont threaten yourself" malumanay na sabi ni Dada.

"Take a rest muna hija, di pa gumigising si Jade. Natawagan na din namin si Mareng Riza, bukas ng umaga nandito na din sila" si Mama then niyakap ako.

!knock!knock!

"Ako na po" si Paul. Binuksan naman ni Paul agad yun pinto.

"How's the patient? Are they both conscious now?" Tanong nun Doctor.

"Only Althea, but Jade is still not waking up" sagot naman ni Dada.

"I'm going to check Jade's status" say nun Doctor.

Chineck nun doctor yun heartbeat,pulse rate at bp ni Jade.

"Everything seems normal. There's nothing to worry about" masayang sabi nun Doctor

"But Doc is there any estimated time when my wife will woke up?" Tanong ko. Di ko na napigilan sarili ko.

"Don't worry ms. Guevarra may be next 24hrs." Sagot naman nun Doctor. Isang araw pa kami mag-hihintay? My goodness.

!kruuuuuk! Kruuuuk!

"Hahaha Althea kumain ka na yun tiyan mo kawawa namam" natatawang sabi ni Paul.

"Tse, sumbong kita kay Lablab pag nagising na siya" threat ko kay Paul. Paano hilig mang-asar.

"Oo na ito na ikukuha na lang kita ng pagkain" biglang baet, palibhasa takot kay Jade makarate.

"Paul, ikaw na muna bahala kay Althea habang wala pa sila Riza" narinig kong sabi ni Dada.

"Yes Dada" sagot naman ni Paul.

Nakatitig lang ako kay Lablab, gustong gusto ko siya yakapin. Gustong gusto ko siya lapitan, kaso di ko magawa dahil isa din akong di makatayo. Naiiyak na lang ako. Kung di ako nagplano na umalis nun araw na yon di naman kami magkakaganito. Basta ang alam ko lang may nakabangga sa likod ng sasakyan namin.

"Girl, matunaw ang lil sis ko. Saka baka bumaha ng luha mo sa kwartong to" panira moment talaga tong si Paul.

"Basag trip ka talaga noh?" Inis kong sabi kay Paul.

"Ooh ito na food mo, kumain ka na, teka kaya mo ba ibangon yang likod mo?" Tanong ni Paul sakin.

"Malamang hinde" sarcastic kong sabi.

"Paul, try mo pindutin yun recline" narinig kong sabi ni Ate Pearl.

"Ay oo nga pala. Sorry" tapos nagpeace sign si Paul. Baklang-bakla talaga e

Ayun naka-ayos din ako ng upo. Yun kama nila parang sa St.Luke narerecline, ang astig eh.

"Wag mo na ako subuan, kaya ko na sarili ko, di naman ako naputulan ng kamay" papilosopo kong sabi kay Paul.

"If you say so" tipid nitong sabi at bumalik na siya sa kinuupuan niya kanina.

Habang kumakain ako, di ko maiwasan na di mapatingin sa asawa ko. Jade gumising ka na please, miss na miss na kita. Gustong gusto na kita yakapin.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o sadyang nakita ko talaga gumalaw yun kamay niya. Napatingin ako kela Paul. Busy naman kase mag iPad eh.

"Paul!" Tawag ko sakaniya.

"Check mo nga yun kamay ni Jade, parang gumalaw eh" utos ko kay Paul. Tiningnan naman niya.

"Ano girl napapraning? Hindi naman gumalaw eh" sagot naman neto sakin.

Baka nga na malikmata lang ako, sa sobrang pag-aalala ko sakaniya ayan napapraning na ako.

"Wag ka mag-alala Althea pag nagising si Jade for sure ikaw ang una niyang hahanapin" nakangiting sabi ni Paul.

"Salamat sa assurance na yan" masayang sabi ko naman.

"Althea, if you don't mind anong process gagawin niyo ni Jade para magka-anak?" Nakakagulat naman yun tanong ni Ate Pearl.

"Artificial Insemination. Yung pagsasamahin yun eggcell naming dalawa then hanggang sa mafertile saka kami hahanap ng mag donor ng sperm" nakangiti kong sagot.

"Haaaay ganyan na lang din kaya gawin namin ni Gab" biglang lungkot yun mukha ni Ate Pearl.

"Bakit naman kase ganun ate Pearl, 5 years na kayo halos kasal wala pa ding baby?" Tanong ni Paul.

"Nako long story" sagot naman ni Ate Pearl.

"Hmmm baka nakakalimutan ako naging bridge mo papunta kay Kuya Gab" so matchmaker din pala tong si Paul.

"Paano kami magkakababy, dadating sa kwarto namin magbibihis lang siya ng pantulog, tapos maya-maya tulog na" kwento ni Ate Pearl.

"Loko talaga yun si Kuya, ayaw makalasap ng sa--"

"Ano pinag-uusapan niyo?" Si Kuya Gab. Salita pa Paul.

"Wala, wrong timing ka dumating e noh?" Inis na sabi ni Paul.

Nag-asaran na silang tatlo. Ang cute tignan eh. Siguro kung gising na si Lablab ko 5 kaming makukulit ngayon. Tapos si Paul single forever.

"Ano nginingiti-ngiti mo jan? Para kang baliw" ako na naman napansin ni Paul.

"Iniisip ko lang kung gising na si Jade, ang saya siguro natin tignan" naiiyak na nakangiti kong sabi.

"Ou nga eh, haaay sana gumising na si Jade, miss ko na yun mga pambabara niya sakin" naluluhang sabi ni Paul.

"Namimiss ko na yun mga lambing niya sakin" sagot ko naman.

"Althea, andito na ang Mama mo" si Dada, kaya pala sila umalis kanina dahil sinundo si Mama

==============================

A/N :: JADE GUMISING KA NA, WAG KA SUMABAY SA TRMD NA HIWALAY NA SILA. HOHOHOHO ANO NGA BA MANGYAYARE?

HAVE A HAPPY WEEKEND :)

P.S VOTE @ COMMENT

Be with youWhere stories live. Discover now