Chapter 19

3.4K 165 16
                                    

JADE

"Let's start the partyyyyy" rinig kong sabi ng DJ habang naglalakad kami papuntang VIP.

Sabay na naghiyawan ang mga tao. Madilim ang paligid, tanging ilaw na iba-iba ang kulay lang ang nagsisilbing liwanag, at ang disco ball. Isa nga itong LGBT party. May mga lalaking akala mo straight dahil sa angkin nitong kagwapuhan at matiponong pangangatawan. Honestly, first time ko pumunta sa ganitong party. Andito kami sa isang VIP room na may malaking transparent na salamin. Kaya kita namin yun nangyayare sa labas.

"Jade, want to have some drink?" Si Batchi.

"Wag niyo ayain si Jade uminom" sita ni Althea sabay akbay sakin. Napaka sweet talaga nitong babaeng to. Kaya siguro kahit may amnesia ako at di ko maalalang minahal ko to at mahal ko to eh mapapamahal talaga ako sa taong to.

"Napaka over protective mo naman sa asawa mo" si Batchi.

"Naman, mahirap na, this is not just a simple party tsong" seryosong sabi ni Althea.

"Look who's here... Ashley" masayang sabi ni Sally. Napataas naman yun isang kilay ko nung makita ko yun babaeng to. Di ko siya feel.

"Hi guys, buti nakarating kayo" masayang sabi nung Ashley.

"Naman, kami pa ba?" Si Althea. Napansin ko naman yun ngiti ni Althea. At laking gulat ko ng alisin niya yun pagkaka-akbay niya sakin.

"Hmmmm di mo man lang ako papakilala sa kasama mo, though kilala ko na siya" in her angelic voice. But I guess it is just her coat.

"Aa yeah, by the way Jade this is Ashley, and Ashley this is Jade" yun lang yon? Sa isip ko nang gagalaiti na ako sa inis. Bwiset ka Althea! Parang may kung ano na kumukurot sa puso ko.

"Jade this is Ashley, my new friend" nakangiting sabi ni Althea. So may balak talaga siyang paiyakin ako ngayon? Bakit si Ashley, may title? Bakit sakin wala? Aba matindi ka Althea. Ashley held her hand for a shakehands, may ilang seconds pa ang lumipas bago ako magresponse sakaniya.

"Mga tsong dun muna kami ni Sally sa dance floor" paalam ni Batchi. At lumabas na muna sila ng VIP room, kaming tatlo na lang ang naiwan dito, si Kuya Paul? Malay ko kung saan yon nagsuot, nanglalake na naman.

"Hi Jade? Ang tahimik mo" si Ashley, di tayo close wag mo ko kausapin.

"Can I excuse myself? Natawag si Dada eh" dahilan ko. Para lang makalabas. Pero ang totoo nasasaktan talaga ako. Oo nasasaktan. Nakakainis, hindi ko maalala na minahal ko si Althea pero nasasaktan ako sa ginawa niya.

Nandito ako sa balcony ng venue. Haaaaay ang ganda ng view, daming ilaw.

"Uy bestfriend? Ano drama mo dito?"

"Ay palaka!" Lintik tong si Sally, bigla-bigla na lang sumusulpot.

"My goodness bestfriend yun beauty kong to napagkamalan mong palaka?" Pataray nitong sabi.

"Nagulat ako eh. Bwiset ka, si Batchi nasan?" Tanong ko.

"I'm here and I brought some drinks" masayang sabi ni Batchi.
Inabutan niya ako ng tanduay ice.

"Bakit solo ka dito?" Tanong ni Sally.

"Tignan mo sila sa loob ng VIP room" sabi ko. Mula kase dito sa balcony kita yung VIP room.

Masaya silang nagkukwentuhan ni Ashley, yun tawa ni Althea na wagas, bakit sa harap ni Ashley, nagagawa niya yon? Bakit sa harap ko hindi?

"Girl panyo ooh, punasan mo yang luha mo" si Sally.

"Salamat" umiiyak na pala ako, di ko namalayan.

"Yaan mo na Jade, siguro naiilang lang din si Althea sayo dahil baka mailang ka din sakaniya" may point naman si Batchi. Kaso asawa na niya ako kaya kahit ano pwede na niya gawin sakin except sa saktan ako.

"Yow guys" andito na si Althea, ako naman humarap uli sa view na natatanaw ko dito sa balcony.

"I think you two need to talk" narinig kong sabi ni Sally.

Ako naman tinungga ko yun t.ice. di naman to nakakalasing. Masabing umiinom lang.

"Lablab?" Sabay nagbackhug sakin si Althea.

"What?" Cold kong sabi.

"Bakit ganyan ka? Diba nga,kaya tayo pumunta sa party, para makipag socialize" paliwanag niya.

"Wala naman problema dun Althea, kaso... Nevermind na lang, it doesn't make sense na din naman" naiiyak kong sabi.

"Lablab naman, ano ba yun? Sabihin mo kasi" pag pipilit ni Althea.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.

"You know what Althea, alam mo dapat ang nararamdaman ko ngayon. Uuwi na ako, akin na susi ng kotse, sumabay ka na lang kay Kuya Paul" pigil luha kong sabi.

"Di ako manghuhula Jade para malaman agad yang nararamdaman mo!" Galit na sabi ni Althea.

"Oh? Diba mahal mo ko? Dapat sensitive ka sa feelings ko! Hindi yun ganyan! Nasasaktan ako Althea! Fuck this life, hindi ko maalala na mahal kita pero nasasaktan ako dahil sayo! And I regret it na inurong ko mag file ng annulment" galit ko ding sabi. Mabuti at malakas ang tugtugan kaya di kami masyado naririnig.

"I'm so--"

"Oh andito lang pala kayo" si Ashley.

"Althea I have to go. Excuse me Ashley" paalam ko. Pumunta muna akong VIP room para kunin yun bag ko dun, nasakin nga pala yun susi.

Bago pa lumabas ako ng VIP room natanaw ko naman si Ashley at si Althea na nasa dance floor sumasayaw. Todo bigay yun sayaw ni Althea at ni Ashley, ang seductive ng sayaw ni Ashley, inaakit niya si Althea. This can't be.

Payag ka? Papakin ang asawa mo ng iba.

Ou nga asawa ko si Althea.
Nagpunta akong dance floor hindi para sumayaw. Kundi para kunin yun asawa ko.

"Ooooow!" Rinig kong sabi ng mga tao sa paligid.

"Hey Jade? Can't you see we're still dancing?" Inis na sabi ni Ashley

"Oh? I dont care. You've been so seductive to my wife. Baka nakakalimutan mong asawa ko to? At may asawa na yung nilalandi mo!" Sa galit ko di ko mapigilan yun sarili ko

"Tama na Jade, tara na umuwi na tayo" agad ako hinila ni Althea palabas ng venue.

Sa parking lot, mainit pa din ang bawat isa.

"Ano ba problema mo Jade?" Tanong ni Althea.

"Cant you see it? Im jealous, the hell Althea ang manhid mo! Nakuha mo pang lumandi sa harapan ko pa" galit na sabi ko.

"Bakit? Nung sumayaw kayo ni Demnver sa party niya, may narinig ka bang kahit ano sakin?" Tanong niya. So gumaganti siya. Feeling ko nawalan ako ng lakas.

Muntik na akong matumba, mabuti nasalo agad ako ni Althea.

"Im sorry lablab, its not what i meant, baka isipin mong nagrerevenge ako, of course not, coincidence lang" sabi ni Althea habang nakayakap pa sakin.

"I want to take a rest na" yan lang nasabi ko.

Habang nasa sasakyan, tahimik lang kami. Ipinikit ko na lang yung mata ko, wala din naman magsasalita eh. Si Althea na ang nagdrive.

Ang sakit naman. Mahal ko na nga si Althea kahit di ko maalalang mahal ko siya pero yun puso ko, yun yung nakakaramdam eh. Nakalimutan man ng isip ko si Althea, pero puso ko siya ang nagnotify sakin na si Althea lang ang mahal ko.

=============================

A/N :: NAMOVE NA NAMAN YUN DEFENSE KAYA NAKAPAG UD NA NAMAN AKO. HIHIHI SALAMAT PO READERS NG AKING STORY :) SALAMAT PO SA PAGTITIWALA NIYO SA MGA GAWA KO ^___^

Be with youМесто, где живут истории. Откройте их для себя