Chapter 17

3.5K 168 37
                                    

JADE

My god, 2:00am na, wala pa ding Althea na dumadating sa bahay, maski si Kuya Paul wala pa, nasan ba yun dalawang yon? Magkasama ba sila?

Worried ako dahil sabi nga nila asawa ko daw si Althea, at pag may nangyare di maganda kay Althea ako ang lagot.

Calling Althea ...

Walang sagot.

!peeeep!peeeep

Busina ng sasakyan yun ni kuya Paul aa, agad ako bumaba sa main door, para pagbuksan sila ng pintuan.

Pagkarating nila sa main door, agad ko sila hinarang.

"Saan kayo galing?" Tanong ko ng pataray.

"Sa party" masayang sabi ni Althea, na halatang lasing.

"Magkasama kayong dalawa?" Tanong ko ule.

"Pwede ba lil sis, papasukin mo muna kami, nakakahilo kaya magdrive pag may tama" nagpintig yun tenga ko sa narinig ko.

"Sino nagsabe sayo kuya Paul na magdrive ka habang may tama ka? Paano na lang pag naaksidente kayo?" Galit kong sabi.

"Alam mo lil sis bukas na natin to pag-usapan,matutulog na ako, si Althea ang asikasuhin mo" cold na sabi ni Kuya Paul, at agad na itong umakyat papunta sa kwarto niya.

"Wag mo ko ha-hawakan hik. K-kaya ko sarili ko" sabi ni Althea, gano ba karami nainom nito? Dahil sa kalasingan niya di na siya nakapalag ng alalayan ko siya sa paglalakad papunta sa kwarto.

Nang makarating kami sa kwarto namin, agad ko siya hiniga sa kama, kumuha na ako ng isang mallit na planggana at bimpo tapos nilagyan ko ng malamig na tubig para mag ease yun init niya.

"Hmmmmm" panay gnyan lang si Althea. Kawawa naman tong batang to.

"Jade? Jade? Alam mo bang namimiss na kita. Balik ka na kasi, please? Subukan mong alalahanin ang lahat" naluluhang sabi ni Althea.

Hindi ako nagsasalita, pinagpatuloy ko lang yun ginagawa ko sakaniya na pagpunas.

"Alam mo bang sobrang sakit, sa dinami-dami ng taong pwede mong makalimutan, bakit ako pa?" Jade mahal na mahal kita" patuloy pa din sa pag-iyak si Althea, animo'y isang bata.

"Sssssh tahan na, matulog ka na lang" pagpapatahan ko sakaniya.

Kumuha ako ng damit na pamalit ni Althea sa wardrobe,at sa di inaasahang pagkakataon, may nakita akong mga set of albums at may isang flashdrive na nakalagay sa wardrobe niya. Inuna ko muna palitan siya ng damit, saka ko binalikan yung mga nakita kong album sa wardrobe niya.

First Album :: First meeting,First Date, First in everything.

Ayan ang title nun album, pagbukas ko agad ko nakita ang isang picture ng dalawang babae, at laking gulat ko ng marealize ko na ako at si Althea ang nasa picture.

Di ko maintindihan yung nararamdaman ko, dahil ang bilis ng tibok ng puso ko, pero bakit tuwa ang nararamdam ng puso ko? At aaminin ko familiar lahat ng nakita ko sa picture.

Sinubukan ko tingnan yun laman ng flashdrive, may isang video dun, sinubukan ko panuorin, inayos ko ang laptop ko, sa terrace ng kwarto ako pumwesto, nagheadset ako para di magising si Althea.

Gosh anu to? Marami pa pala kaming pictures na magkasama?

Hanggang sa dumating yun part ng wedding. The exchange of vows. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, naluluha ako sa mga nakikita at naririnig ko, sobrang mahal ko pala yun taong to, bakit nga ba kase siya pa yun nakalimutan ko, nakaka konsensya, naguguluhan ako.

Halos five o'clock in the morning na ako natapos sa pag browse ng mga pictures.

Nagstay na lang ako dito sa terrace, nagmuni-muni.

ALTHEA

Maaga ako nagising, kinapa ko yun kabilang side ng kama wala akong Jade na naramdaman, kaya napabalikwas ako at agad hinanap si Jade, humangin ng malakas, at dun ko lang napansin na bukas ang terrace, agad ko yun tinungo. At dun ko nakita si Jade nakaupo habang natutulog, okay lang naman kung ayaw niya ako makatabe sa pagtulog pero yun dito siya matulog aba ibang usapan na yon. Inalis ko yun laptop sa lap niya, napansin kong may nakasalpak sa laptop niya na flashdrive, at laking tuwa ko ng malamang flashdrive yun ng compilation namin.

Dahan-dahan ko binuhat si Jade at dahan-dahan ko ding inilapag sa kama.

"Althea?" Narinig kong sabi niya.

"Ssssssh, sleep ka muna" then tinap ko yung balikat niya.

"Althea, dito ka muna,tabihan mo ko, like we used to be" tama ba yun narinig ko? Can somebody pinch me? I tried to pinch my cheeks pero hinde eh. Totoo nga.

"Are you sure Jade?" Tanong ko.

"Oo, bilis na, pinuyat mo ko kagabe" reklamo neto, nangiti naman ako sa sinabe niya. Agad ako tumabi sakaniya. Nag-unan siya sa chest ko. Gosh I missed this, what happen Jade? Hindi naman na ako nakatulog, kaya inilibot ko na lang yun paningin ko sa kwarto, napansin ko may mga nakapatong na parang libro sa upuan na malapit sa wardrobe.

Nakita ni Jade yun mga album? Oo album nga. Anong nakain mo Jade? May nasabe ba ako kagabe sa sobrang kalasingan ko? Ang tindi naman kase ni Ashley magpainom eh. Black label pa,mahina ako sa ganung inumin eh.

"Althea? Okay lang ba samahan mo ko sa neurologist? Magpapacheck up lang ako regarding sa sakit ko"

"Yeah sure, basta para sayo Lablab ko" did I just say lablab? Napapikit na lang ako sa takot baka umalis siya sa pagkakayakap sakin. Pero kabaliktaran ang nangyare, lalo niya ako niyakap ng mahigpit.

"Help me, help me to remember everything" mahinang sabi ni Jade.

"Sure I will" sagot ko.

Yun ngiti ko di mawala wala,  salamat sa mga compilations na ginawa ko. Pero yun video si Jade ang gumawa nun.

Mahal na mahal kita Jade, gagawin ko ang lahat, maalala mo lang ako uli. Akala ko wala ng pag-asa muntik na ako sumuko. Salamat na lang talaga at marunong makisama ang tadhana.

=============================

A/N :: HERE'S THE ANOTHER, UD FOR YOU MY BELOVED READERS. ENJOY READING :)))

Be with youWhere stories live. Discover now