Chapter 15

2.9K 103 20
                                    


UNKNOWN'S POV

"Ano? di mo pa ba nakukuha? Ang tagal naman, luging-lugi na yun kompanya natin!"

"Chill ka lang Pa, magagawan ko yun ng paraan, hindi ako papayag na mauuwi lang sa wala yun mga pinaghirapan natin", pangungumbinsi ko kay Papa. Masyadong mainipin, simula nung nagkaroon ng recession ang corporation, unti-unti nag-babackout ang mga Investor dahil sa hindi na kumikita ang kanilang shares at ang tanging solusyon dito ay ang mag merge ang kompanya namin at ang mga Tanchingko, nagsara na ang mga kompanya namin sa ibang bansa at naka media-blocked ang mga yon mahirap na, at ang tanging paraan ay pakasalan ang anak nilang babae. Pero paano? Kasal na siya sa isang Sikat at Kilalang Event Coordinator dito sa Pilipinas.

"Magpa-party ka, imbitahan mo lahat ng mayayaman na tao at may mga business na malalaki, sa party na yon malamang doon mo makikita si Jade, tutal magkakilala naman na kayo" Ano ba naman to si Papa, masyadong ano eh. Alam naman niyang kasal na si Jade. Oo aaminin ko mahal ko pa rin si Jade, kaso may iba na siyang mahal at iyon ay si Althea. Naguguluhan ako, isang kasalanan ang sumira ng isang relasyon. Pero paano na lang yung mga napundar namin. Launching ng branch ng business namin dito sa Pilipinas. Kakasara lang ng branch namin sa Japan at Korea, ang natitira na lang eh yung sa Madrid at Europe, dahilan kaya nakakasurvive pa kami.

"Ooh Siya, aalis muna ako, magpapawala lang ako ng stress" at umalis na ng tuluyan si Papa, naiwan ako dito sa CEO Office ng company namin. Iniisip ko kung ano ba dapat ang gawin. At isa pa kaya ako nagpursige dahil gusto ko mahigitan yung yaman ng mga Tanchingko.

FLASHBACK

"Demnver!" tawag sakin ni Mr.Tanchingko, kasalukuyang nasa school ground ako. Kaka-alis lang ni Jade,saktong dumating tong tatay ni Jade.

"Good Afternoon Sir", magalang na bati ko.

"Walang maganda sa hapon pag nakikita kita, maigi pa layuan mo ang anak ko, oo matalino ka, mabaet ka, pero wala kang dugong chinese, kaya hindi nababagay sayo ang anak ko, isa pa ano na lang ipapakain mo sa anak ko eh di hamak na mas mayaman kami at kayo? Isang hama-"

"Dada!" Napalingon naman ako sa nag-salita, si Jade. Grabe buti dumating siya, feeling ko wala akong tuhod sa mga oras na'to dahil sa nanglalambot ako.

"Okay ka lang ba Demnver?" Tanong sakin ni Jade. My Angel.

"Tara na Jade! Hindi ka naba-"

"Tama na Dada, hindi ka na nahiya sa school ground ka pa namamahiya ng studyante, hindi mo man lang isinaalan-alang yun pangalan ng pamilya natin!" galit na sabi ni Jade, ang tapang talaga ni Jade.

"Sino ka para magsalita ng ganyan?!"Narinig kong sabi ni Mr.Tanchingko.

"Bakit Dada? wala na ba ako karapatan magsabi ng mga gusto ko sabihin?" inis na sagot ni Jade, naramdaman ko na lang lumuwag yun kapit ni Jade sa'kin yun pala bitbit na siya ng Dada niya.

"Jade!" Tawag ko sakaniya.

"Wala kang lugar Demnver sa pamilya namin." Narinig

Be with youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt