Chapter 21

3.4K 160 18
                                    

ALTHEA

"Tsong masyado kang mainit ngayon aa" si Batchi.

Naka-upo ako ngayon dito sa manager's chair habang hinihimas yun sintido ko.

"Pati si Jade nasigawan mo, kung nakita mo lang yun pamumutla niya kanina baka pagsisihan mong ginawa mo yun sakaniya" napa-angat ako ng ulo sa sinabe ni Sally.

"Ano? Hindi mo alam dahil dalang-dala ka jan sa init ng ulo mo" cold na sabe ni Sally.

"Ano ba nangyare sa meeting?" Tanong ni Batchi.

"Nasaan ka ba kasi, ikaw ang manager hindi ka umaattend ng meeting" inis na sabi ko.

"Chill lang Althea, diba sabi mo asikasuhin ko yung isang event. Ayun nga ginagawa ko" sagot ni Batchi. Oo nga pala.

"Nasaan si Kathleen?" Tanong ko.

"Andito na! Ang init na sa labas pati ba naman ikaw mainit din ulo mo? Let me guess nakita mo na yun status ng company?" Tanong ni Kathleen.

"Oo! At kelan pa yon Kathleen? Bakit hindi mo agad sinabe?" Tanong ko.

"Ngayon lang yon nangyare yon. Namantain namin yung status ng company mo nung nasa bakasyon ka" sagot ni Kathleen.

"Paanong nangyare na okay naman yun record natin sa accounting pero nung chineck ko yun pera ng company bakit hindi tugma yun nakasulat sa papers at yun pera na nasa bangko?" Inis na sabi ko.

"At isa pa, imposibleng makuhaan tayo ng pera eh laging cheque ang binibigay ng mga nagbabayad satin. Yun iba hinuhulog na lang sa account number ng company" si Batchi.

"Hindi ito pwede, dahil saan na tayo kukuha ng pampasahod sa mga tao?" Nag-aalalang sabi ko.

"Kay Jade" plain na sagot ni Kathleen.

"Hindi pwede, hindi porket asawa ko na si Jade pwede na ako humingi sakaniya ng pera pag nashort ang company. Ano na lang ang sasabihin ni Mr.Tanchingko?" Paliwanag ko.

May isang tao akong pwedeng gumawa neto. Demnver Lastimosa. Dahil sa threat na ginawa mo sakin kahapon, ikaw tuloy una kong naisip.

"Kathleen?" Tawag ko.

"Yes?" Sagot naman niya habang may tinitingnan sa table niya.

"Maghire ka ng private investigator, ipa imbestiga mo yun nangyare as soon as possible" kaya ko pa naman magbayad ng ganon. Kaya go lang.

"Okay, pero bakit parang may natapon na kape dito sa table ko?" Tanong ni Kath.

"Pano nag-away yun dalawang chix ng ate mo kaya ayan may natapon na kape jan" si Batchi sabay tingin sakin na pang-asar.

"Nako Althea Guevarra pwede ba bawasan mo yang pagiging lapitin mo sa babae pati gamit ko nadadamay" inis na sabi ni Kathleen.

"Gawin mo muna yun pinagagawa ko!" Inis kong sabi.

"Ate, maghahanap ka pa ng ganon, pwede naman ako" sagot nito.

"Alam niyo mag snack muna tayo. Masyadong mainit kayo eh"

Oo nga 3:00pm na din pala. Di ko namalayan yun oras dahil sa tensyon na meron ako.

"Bahala ka Kathleen, basta ikaw na bahala dun, pag di mo nagawa yan lagot ka sakin, magtatrabaho ka ng walang sahod!" Totoo yun dahil syempre uunahin ko yun ibang empleyado ko kesa sakaniya. Bakit? Siya kamag-anak ko pwede yan mabuhay kahit di nasahod. Eh yun empleyado ko hinde.

Si Jade.

Shit oo nga pala si Jade. Ano ba yan, nasigawan ko siya kanina. Althea bullshit ka talaga. Bakit mo ginanon yun asawa mo!

Be with youOnde as histórias ganham vida. Descobre agora