Chapter 1

7.8K 176 9
                                    

ALTHEA'S POV

August 14,20**

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Jade. Kabado pero masaya ako, dahil ngayon yung araw na sisimulan na namin magtayo ng pamilya na pinapangarap namin.

Magka-iba kami ng kwarto ni Jade, para daw surprise sabi ni Mrs. Tanchingko ay Mama na nga pala daw itawag ko sakaniya.

!knock! Knock!

"Sino yan?" Tanong ko.

"Althea, hija" si Dada pala.

"Pasok po Dada" say ko.

"Can i talk to you privately?" Tanong ni Dada then sinenyesan ko yung mga nag-aayos sakin na lumabas muna.

"Magiging Daughter in-law na kita Althea, gusto ko alagaan mo si Jade, wag na wag mo siya sasaktan. Nung una nakalusot ka, di ako nagsalita nun niloko mo ang anak ko. Pero sa oras na malaman ko na sinasaktan mo ang anak ko o may di magandang nangyare sakaniya, di ako magdadalawang-isip na paghiwalayin kayo" seryosong sabi ni Dada.

"Opo dada, you have my words na di ko pababayaan si Jade no matter what happen." Sagot ko naman kay Dada. Ayoko magkahiwalay kami kaya gagawin ko ang dapat.

"Sige na, best wishes anak" nakangiting sabi ni Dada.

Nag smile back na lang ako kay Dada. Then bumalik naman na sa loob ng room yun mga nag-aayos sakin.

"Hi anak" si Mama Riza. Pagkalabas ni Dada si Mama naman. Ano na naman kaya sasabihin nito.

"Hello ma.. Ma ganito ba yun feeling ng ikakasal? Kabado?" Tanong ko. Then hinawakan ni Mama yun kamay ko.

"Ang lamig ng kamay mo ha. Oo ganyan talaga pero after naman neto. Magiging okay na din ang lahat" masayang sabi ni Mama.

"Masaya ako para sainyo hija. Sa wakas nagkaroon din ako ng anak na dumaan muna sa kasal bago magka-anak" dagdag pa neto.

"Ma, salamat sa support po ha? Napakaswerte ko sainyo ni Papa" masayang sabi ko.

"Nako, wag na madrama dahil baka masira ang make up, ooh siya asikasuhin ko muna yun mga bisita sa labas" then umalis na si Mama.

Dati ako yun nag-oorganize ng mga kasal. Ngayon ito na ako. Di ko maiwasan ng di mapangiti.

!Knock! Knock!

"Pasok" utos ko.
Si Batchi pala.

"Tol, okay ka na? Para maset up na kita dun sa place, marami na ding bisita kailangan mo na sila harapin" si Batchi. Sila ni Kathleen ang nag organize ng kasal namin.

"Sige, lalabas na din ako" sagot ko.

**************

Nandito na ako sa event, i'm wearing a jesebel's cut design na gown. Same kami ni Jade, yun kay Jade nga lang may vail. Yung sakin wala.

"Tol, ang ganda mo ngayon" si Batchi.

"Ngayon lang?" Tanong ko na medyo sarcastic.

"Oo ngayon lang!" Sabay tawa na naman siya ng nakakaloko.

"Maging pormal ka nga Batchi. Daming tao ooh" sita ko kay Batchi.

"Hi! Ikaw ba si Althea?" Tanong sakin nang isang butch ata to. Bilis maka-amoy diba?

"Aa yes" nakangiti kong sabi.

"Ako nga pala si Stephanie, Steph na lang. Welcome sa pamilya ng Tanchingko" masayang sabi nun Stephanie. Sabi na eh Butch nga siya.

"Thanks" tipid kong sabi. Honestly speaking di ko pa nameet lahat ng kamag-anak ni Jade.

Marami pa akong nameet na mga pinsan ni Jade at kamag-anak, ang dami nilang kamag-anak.

"The ceremony is about to start" narinig kong sabi ni Kathleen.

Naging pormal na lahat ng bisita, bumalik na sila sa mga designated seats nila. Yun heartbeat ko ang bilis. Excited na kabado.

Lalo ako kinabahan nung dumating na yun bridal car. Yes kasama yun sa props.

"This is it" narinig kong bulong ni Papa sa likod ko.

Nang bumaba si Jade galing sa bridal car. Yung heartbeat ko lalong bumilis. Yun tipong para akong hinahabol ako ng kabayo. Ang ganda ni Jade sa gown niya. Para sa araw na to. Siya ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa. At kahit naman noon pa, si Jade na yun pinakamagandang babae sa buhay ko.

Habang naglalakad si Jade, nakatingin lang siya sakin. Ganun din siya sakin. Kinikilig ako. Anu ba???? Sana laging ganito. At pangako ko sarili ko hindi magbabago ang pagmamahal ko kay Jade.

Hanggang sa makarating si Jade kung saan ako nakatayo yun heart beat ko eh consistent yun beat niya.

"Althea, ito na si Jade, umpisa na nang pagiging isa ninyo, alagaan mo siya, yun usapan natin" si Dada. Nag nod na lang ako kay Dada.

Kinuha ko na yun kamay ni Jade, ang lamig din. Halatang kabado din.

"Wag kang kabahan" bulong ko sakaniya.

"Ikaw kaya jan ang kabado, ang lamig ng kamay mo" bulong niya uli.

"Tse, sige na ayan na yun minister" bulong ko.

***********
"A moment where two hearts are joined with the help of their vows that will help them to become stronger in the near future" narinig naming sabi ng minister.

Si Jade ang mauunang magsabi ng vows. Hinawakan ni Jade yun kamay ko. Nanginginig pa. Till now kabado pa din. Pero nakangiti lang siya.

"Lablab, we're here na, sa pangarap natin na ikasal tayo. There are no words can define how happy I am to have you in my life. This is the moment that we've waited for a long time. Lablab, I solemnly swear that I will love you for the rest of my life. Aalagaan kita, nang dahil sayo, natutunan ko tingnan ang mundo sa ibang perspective. Im so thankful that God gave me a woman that will love me for who I am and not for what I am, Lablab for keeps na to, ito na yun simula ng for keeps natin. I love you and hindi yun magbabago. Till Death do us part" naluluhang sabi ni Lablab, hindi ko naman maitatanggi na naiyak din ako.

"Lablab, It's my turn. I never expect n dadating tayo sa ganitong point. Pero simula nung makilala kita, binago mo ko, ikaw yung nagbigay ng kulay s greyscale ko na buhay. Nag-ooverflow yun saya ko sa mga oras na to. Lablab, inspite of the challenges na hinarap natin before lalo tyo naginh strong, Lablab, I promise, na kahit ano mangyare sabay natin haharapin lahat ng pagsubok. Kung sakali man dumating yun panahon na makalimutan mo ko dahil sa katandaan, ipapaalala ko kung paano nagsimula yun pagmamahalan natin. Lablab Im so happy, dahil ikaw yun babaeng naiharap ko sa Diyos. Ikaw ang babaeng gusto ko makasama ng habang buhay. Lablab, gagawin ko ang lahat maibigay lang sayo ang lahat, makita lang kita na maging masaya. I will love you for the rest of my life, till death do us part" napaka-iyakin ko talaga.

Narinig naming nagpalakpakan ang crowd.

"Althea Guevarra, you may now kiss your bride, Jade Tanchingko" utos ng minister.

!tsup!

Gosh it feels like our first kiss.

"More!" Narinig naming sabi ng crowd.

"Isa pa daw Lablab" sabi ko.

"Edi pagbigyan" natatawa niyang sabi. We kissed for the second time around siguro tumagal yun ng mga 30 seconds.

"Ayun ooh, swak na swak" narinig lang namin galing sa crowd.

"By virtue of the authority vested in me by the Republic of the Philippines, I now pronounce you, spouses for life." Narinig naming sabi ng minister.

=================================

A/N :: SALAMAT SA GOOGLE, ANG HIRAP MAG-ISIP NG PAG PRONOUNCE NG SAME GENDER COUPLE. BUT ANYWAYS AYAN DAHIL HOPIA TAYO SA TRMD SA WEDDING THINGY. TINOTOTOO KO NA DITO. GOSH KILIG MATSSSS

ITO NA YUN CHAPTER 1 PO HA.

P.S VOTE @ COMMENT.

Be with youWhere stories live. Discover now