Chapter 67

15.6K 59 22
                                    

Nangangawit na ang pisnge ni Julie sa kakangiti. But she can’t do anything about that. Masyado syang masaya para hindi ngumiti. Huminga sya malalim, saya naglulumpasay nnmn sa kama. Kung kagabi naglulumpasay sya sa inis. Ngayon sa saya, at sa kilig, at sa excitement.

Masaya sya ‘coz finally bati nanaman sila ni Elmo. Nanuod pa nga sila ng movie after they ate. And after Elmo wash the dishes. Natatawa tuloy sya sa itsura ni Elmo nung pinaghugas nya pa ‘to ng mga plato. Nakakunot noo at naka-pout pa.

“Ako na nga nagluto, ako pa rin maghuhugas?” magkasalubong ang kilay, hindi pantay ang mga mata at nakatulis nguso. Cute na cute si Julie sa reaksyon ng mukha ni Elmo. Alam nya nmng nagkukunware lang inis yun. Pero sadyang ang sarap kurutin ng pisnge.

“O sige, ako na maghuhugas. Umuwi ka na pala, tsupe tsupe!!” pagtataboy nya dito. “Alam mo nmng wala kong alam na gawaing bahay” bulong kunware pero pinarinig talaga.

“Tutulungan naman kita syempre” malambing at nakangiting sabi ni Elmo.

“Talaga?”

Nag-nod habang nagpapacute si Elmo.

And he did help her. Actually si Elmo nga ang gumawa lahat. Kunware walang kaalam alam kahit pagsasabon at pagbabanlaw. Puro, ‘Moe pano to?’ Kaya ending, Elmo wash and dry all the dishes, habang nile-lecture-an si Julie kung pano yun gawin.

“Yehey! Tapos na” pumalakpak pa si Julie.

“Grabe ka, wala ka talagang ginawa” maawa effect voice and facial expression.

“Tsk. Alam mo nmn wala akong alam dyan” sabi ni Julie. “Hindi bale, may reward ka sa paghuhugas mo”

“Yes” kinumpas pa ang kamay na parang ‘katching’ “Ano yun?” nakangiting sabi nya.

Maya maya pumikit at nag-pout si Elmo. Nagpapakiss. Natawa na lang si Julie dito. Parang bata lang na may crush. Parang nagbalik prep school lang si Elmo. Parang walang nangyare kung makapag-act. Parang those two years of cold treatment to each other is like a lifetime away.

“Tenennn” masayang sabi ni Julie

“Aaahh” makaramdam ng malamig sa pisnge si Elmo. Pagmulat  “Ice cream” at natatawa nnmng si Julie sa reaskyon ng mukha ni Elmo. Parang naaasar, na nagtataka na na-disappoint.

Hanggang ngayon natatawa si Julie pagnaaalala nya yung facial expression ni Elmo dun. Kung pwede lng hindi na pauwiin si Elmo e. Kung hindi lang sya nahihiyang sabihin na ‘You can stay’ sa binata malamang nasa sala si Elmo ngayon. At sya eto nga, kinikilig ng malala. Ang problema, kung nasa sala si Elmo. She knows na gagawa at gagawa sya ng excuse para makasama ang binata.

“Ang tamis ng ngiti” biglang extra ni Maqui na nasa may pinto ng kwarto.

“Maq” nasayang sabi ni Julie.

Humiga din sa kama si Maqui “You’re happy. Anyare?”

Lumawak ang ngiti ni Julie at umiiling iling pa, yung kinikilig na ngiti at pag-iling habang nakapikit. “Maaaqq”

“Tsk! Talaga nmn, kinikilig pa syaaaa” kiniliti pa si Julie sa kagiliran. “Bati na kayo ni Elmo?”

Nakangiting kita ngipin na nag-nod. “Tnx Maq” at niyakap si Maqui habang nakahiga sila.

Masayang masaya nmn si Maqui para kay Julie. She can feel her happy vibes right now. “Welcome Jowley. I’m happy you’re happy” sabi nya dito. Pagtanggal ni Julie ng pagkakayakap, kita pa rin ni Maqui ang parang naka glue na smile ng kaibigan. “So……?”

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon