Chapter 14

20.5K 67 0
                                    

Chapter 14

“Hay!!!” sabay na sumalampak sila Elmo at Julie sa malaking red couch at kumportableng sinandal ang ulo dito habang nakapikit sila.

“Elmo eto na lang kamo” habang nakapikit pa rin na sabi ni Julie.

Ngumiti si Elmo “Sige sige pilitin natin. Tapos lagi tayo tambay dun. Haha”

Nagpasama kasi si Julie kay Elmo sa mall para mamili ng ilang gamit para sa unit nya. Nabanggit naman ni Elmo na lilipat na rin ng unit si Maxx, so naisipan nilang tumingin na rin ng mga gamit for Maxx’s condo. Sobrang naaaliw sila sa pagtingin ng mga gamit dun.

“Huy! Ano ba?! Umalis ka nga dyan” sabay hampas kay Elmo ni Julie na umunan sa lap nya.

“Tsk! Teka lang teka lang” nakapikit pa rin si Elmo at kumportableng nakahiga sa couch habang nakaunan kay Julie.

“Ano ba? Huy!” inuuga na nya si Elmo, pero Moekong talaga to, walang pakialam, gusto yatang matulog dito. “Elmo!” pinalo ang isang braso ng binata. “Tsk! Tumayo ka na dyan! Huy! Ano ba?!” inis na si Julie at panay uga at palo kay Elmo. Di naman siya makatayo dahil nagpapabigat si Elmo.

‘Hahaha! Inis nanaman to, sarap lang asarin. Pero mas masarap humiga sa lap nya’ natatawang isip ni Elmo.

“Moe” pabulong na sabi ni Julie. Nagtaka naman si loko at nagmulat ng mata.

‘O,wow!’ yun lang ang reaksyon ni Elmo ng makitang halos lahat ng tao sa shop na yun ay pinapanuod sila. Tapos nakangiti pa. May iba pa nga kinukuhanan sila ng pictures or maybe video. Malay nila basta nakaharap sa kanila yung camera.

Agad bangon naman ni Elmo, tinignan si Julie, parang hiyang hiya to at nakatingin sa ibaba. Kaya naman agad hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie at biglang tumakbo papalayo sa shop na yun.

Magkahawak kamay silang tumatakbo sa loob ng mall. Lalo lang dumami yung tumitingin sa kanila dahil sobrang agaw atensyon sila. Hanggang sa pagbaba ng stairs tumatakbo sila. Huminto lang sila sa mismong exit na ng mall.

Hingal na hingal ang dalawa. Kung kanina asar si Julie kay Elmo, ngayon ewan nya ba kung bakit natatawa sya.

“Hahahaha!” parehas silang natatawa sa kalokohan nila. Magtakbuhan ba naman sa loob ng mall at holding hands pa. Buti na lang pogi at maganda sila kundi siguradong magkakamalan silang magnanakaw.

“Adik ka. Hahaha!” Julie

“Grabe, pwede pa lang mag exercise sa loob ng mall. Haha”

“Napagod ako dun ah! Hooooh!” sabay punas ng nuo

“Tara. Kain na tayo” at kinuha na naman ng kamay ni Julie.

.

Sa Sbarro nila naisip kumain since nake-crave si Julie ngayon sa pizza.

“Antakaw mo lang. Buti hindi ka tumataba” puna ni Elmo kay Julie.

“Duh?! Ginutom mo ko. Hindi ako sanay na tumatakbo” palusot naman nito.

Sasagot na uli si Elmo ng…..

“Ahh. Excuse me?” sabi ng isang babae, tinignan nmn sya ng dalawa “You’re Elmo right?” tanong nito. Tumango lang si Elmo at ngumiti “Wow, I’m a big fan of your band. Hi I’m Mika” pakilala nito at naglahad pa ng kamay.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon