Chapter 13

19.9K 71 0
                                    

“Next na daw sila” si Saab habang papalapit sa table nila Maxx sa bar.

“Ayun oh, first time ko sila maririnig. Hahaha” sabi naman ni Maxx

“Huh? Ano yun?” kunot noong tanong ni Julie sa dalawa.

“Oh, we haven’t told you. Tutugtog yung band ni Moe” nakangiting sabi ni Saab.

Bigla namang kinabahan si Julie, after that incident kasi sa unit nya hindi na nya uli nakita si Elmo. Pero sa totoo iniwasan nya si Elmo hindi dahil nung gabing yun, kundi sa nalaman nya kinabukasan.

“Talaga? Wow naman makikita na namin si Elmo” ngiting nakakalokong sabi ni Maqui habang nakatingin kay Julie.

“Oh yes!” at nag apir naman sila Ynna at Diva, sabay tingin din kay Julie.

Pinakilala na ni Julie ang mga kaibigan kila Maxx at Saab at madalas na rin silang lumabas.

“So you guys haven’t met Moe?” takang tanong ni Maxx. “Bakit?”

“Eh kasi magte 3 weeks ng hindi pinapa………” biglang sinipa ni Julie ang paa ni Maqui sa ibaba ng table at pinangdilatan.

“Ano yun Maq?” tanong uli ni Maxx.

“3 weeks nang busy si Julie” sabay ngiti ni Maqui kay Julie.

“Sayang busy si Lo” sabi ni Saab sa kanila. “Si Lauren, beshie ko na girlfriend ni Elmo” patuloy nya ng tinignan sya nila Julie na parang nagtatanong.

Tinignan naman nila Ynna, Diva at Maqui si Julie. Lagi kasi nyang sinisingit sa kahit anong usapan si Elmo, kaya naman tinutukso sya ng 3 na may gusto dito. Lalo pa syang inasar nung nalaman na iniwasan nya si Elmo dahil nalamang may GF na pala to.

Ilang saglit lang pinakilala na ang next band to perform. Ang banda na nga ni Elmo. Pagtapak pa lang ni Elmo sa stage agad nang tinignan ni Julie ang binata. Hindi nya alam kung matutuwa o maiinis. ‘Hay. Elmo, I miss you’ isip ni Julie.’Pero bakit para syang malungkot’

Tinignan ni Elmo ang table nila Maxx at nagtama ang mga mata nila Julie at Elmo. Bumilis naman ang tibog ng puso ng dalaga. Nginitian sya ni Elmo, yung ngiting nakakatunaw. Her hearts skip a beat, parang napatigil ang paghinga nya. Pero nginitian nya rin si Elmo afterward.

“Ang cute naman pala eh” bulong ni Diva kay Julie.

‘Syempre naman. Ano ko yan eh’ sabi ni Julie sa sarili. ‘Ano ko nga ba?’

“Uy, bakit nakangiti ka?” bulong naman ni Ynna.

Tinignan lang sya ni Julie, nakangiti pa rin. Hindi nya na kayang itago eh.

“Aysus! Hindi na sya in denial” asar naman ni Maq dito, pero mahina lang. Baka marinig sila ni Saab at bangasan pa sila.

.

“Wooohoooh” sigawan at palakpakan ng mga tao ng matapos sila Elmo. Agad namang pinuntahan ni Elmo ang table nila Julie.

“You’re here!” sabi ni Elmo

“I am” sagot ni Julie.

Pinakilala sila Ynna, Diva at Maqui at Elmo. Sumingit naman si Elmo sa tabi ni Julie, napailing na lang si Maqui sa ginawa nito.Nagpaalam na ang bandmate ni Elmo sa lahat. Si Elmo naman nag order ng maraming snacks dahil gutom na daw sya.

“Tagal mong hindi nagparamdam ah” habang kumakain ng nacho’s

“Miss mo ko?” tanong din ni Julie

“Pwede na. Kaw hindi mo ko na miss?”  ngayon naman fries ang nilalantakan

“Pwede na rin”

“Wooh! Kung alam mong may gig kami ngayon di ka naman sasama kila ate eh”

“Buti nga hindi ko alam eh. Di sana miss mo pa rin ako.”

“Miss pa rin naman kita ah” tinaasan lng sya ng kilay ni Julie “Hahaha! Kasi naman, 3 weeks yun. Di man lang sagutin ang tawag at text” kain uli ng nacho “Sorry ah”

“Huh?”

“Kasi….yung ….black out.” Buntong hininga “Sorry talaga, alam ko namang yun ang dahilan kung bakit ka umiwas eh.”

“Tsk! Alam mo pala eh” biro ni Julie.

“Kasi naman ikaw. Inakit mo ko” sabay hampas ni Julie sa braso ni Elmo “Haha. Joke lang.”

“Manyak ka kasi. Manyak” irap kay Elmo sabay subo ng fries.

“Pero sorry talaga. Promise…..di na mauulit” nagtaas pa ng kanang kamay as promise sign.

‘What? Hala. Hindi naman ako galit eh, I mean, hindi naman dahil dun eh. Huhuhu’ isip ni Julie. ‘Teka! So gusto ko maulit yun?’ tanong sa sarili.

“Dapat lang” sabi ni Julie para naman di sya halata.

“Di na mauulit promise” ulit uli ni Elmo “Kasi….Next time matutuloy na. hahaha” sabay tawa. Pinagpapalo at pinagkukurot naman sya ni Julie.

“Araya ray Julie. Hahaha! Joke lang. Haha! To naman ngayon na lang uli nag kita nananakit pa”

“Eh bwisit ka eh. Manyak. Bastos.” At pinagpapalo at pinagkukurot uli ni Julie si Elmo.

Sinusubukang saluhin ni Elmo ang kamay ni Julie. “Ka kasi kung makapagdamit. Haha. Aray”

Tuloy ang sa pananakit si Julie kay Elmo “Ano? Ano? Ako pa? Bwisit ka!” gigil na sabi ni Julie.

“Haha! Aray…Wag na magsuot ng sexy next time. Aray. I assume pag nag suot ka nun…..”

“Isa….” Banta ni Julie

At ng masalo na nya ang mga ay nginitian nya lang to. “Aray ko. Pisikal ka” binaba ang mga kamay at pinakawalan tapos biglang yakap kay Julie “Pero na miss ko rin yan sayo. Haha! I miss you” habang nakayakap.

Di na rin napigilan ni Julie na mapangiti at yumakap rin sa binata “I miss you too, Moe” bulong nya dito habang inaamoy amoy nya to ‘Bango bango, kahit amoy yosi at alak dito sa bar. Hmmmm. Sarap lang amuyin’ isip ni Julie.

Naramdaman naman ni Elmo ang ginagawa ni Julie at lihim na natuwa. Dahil maging sya ay lihim na inaamoy ang dalaga.

Nakatingin na yung 5 sa kanila. Kanina pa kasi sila may sariling mundo. Hindi na pinapansin yung mga kasama. Mabuti malakas ang music kaya sila lang nagkakarinigan.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon