Chapter 65

15.8K 48 17
                                    

“Hey” nakangiting sabi ni Jas habang palapit sa binata.

“Jas” sabay na sabi nila Maxx at Saab. Halatang masaya, sabay din tumayo para salubungin ang dalaga. That made Julie tameme.

“How are you?” tanong ni Saab pagkatapos ng beso at yakap. “Miss you so much”

“Miss you to Ate” sagot ni Jas na halos di makagalaw sa dalawang magkapatid.

“So gorgeous. Tagal ka na nmin hindi nakikita” masayang sabi ni Maxx, checking Jas out. “Ganda, ganda mo talaga”

Napa face palm na lang si Julie. Who is this girl ba? Ang sakit na nga nung ngiti at ningning ng mata ni Elmo nung nakita sya, ngayon nmn kilala pa nila Maxx at Saab. Nakakainis lang isipin. Di kaya…….

“Jas” it was Frank. Pagtingin ni Julie dito…..Even Frank hug her. Even Frank is...”Glad you here” sabi nito. “Mom would be so happy to know na andito ka”

“And I bought pasalubong. Nasa salas na” tinignan pa ang direction ng salas.

‘Even Ms. P knows her’ isip ni Julie habang naka-kunot noo.

“Hey Jas, kelan ka pa andito?” tanong ni Sef.

‘Kahit si Sef kilala sya’ nagtatakang isip ni Julie. Umiiling iling na lang si Julie habang tinitignan ang nagaganap. The band knows her. Elmo’s family knows her. At mukhang close na close pa. Nag-hi five pa sya sa boys.

“Dito ka na” yaya ni Elmo sa tabi nyang upuan.

Ouch nmn kay Julie yun. Akala nya kanina that seat is for her. Medyo assuming, kasi nmn bakit may upuang vacant sa tabi ni Elmo?! Para nga pala kay Jas yun. Medyo masakit.

“Everyone Jas. Jas everyone” pakilala ni Elmo sa lahat ng hindi nakakakilala dito.

“Baliw ka talaga!” mahinang binatukan ni Jas si Elmo. Biglang sa iba tumingin si Julie at napabuntong hininga. She didn’t wanna see that.  “So lahat sila pangalan everyone. Hi everyone, paki abot nmn ng kanin” natatawang sabi nito. “May mag-aabot kaya sa’kin nun?” pambabara nya kay Elmo.

Nakatingin lang ng parang ewan si Elmo kay Jas. Like she’s laughing kahit walang nakakatawa. Maya maya unti-unting ngumingiti si Elmo. “You’re crazy. Nothing’s funny”

“Di mo kasi gets”

“Sige nga anung nakakatawa?”

“Wala na. Hindi na nakakatawa yun” natatawang pagkakasabi ni Jas. “May timing kasi ang pagpapatawa” malakas pang sabi sa mukha ni Elmo.

 And everyone’s laughing, except Julie na nakapa bitter. Kung pwede lang umalis na, kanina pa sya umalis. Better yet, kung pwede lang kaladkarin palayo kay Elmo si Jas, malamang nasa talahiban na ang dalaga.  They’re actually laughing sa kakulitan ni Jas, nothing’s really funny. It’s just, nakakadala ang tawa ni Jas. Si Elmo nmn nakangiti lang dito. Natatawa na rin. Kung anong kina-light and happy mood ng lahat ,baliktad nmn kay Julie. Ang bigat ng pakiramdam nya. Bitter, bitter at bitter sya.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon