chapter 49

15.3K 49 16
                                    

Saturday. Julie originally planned to spend her day off with herself. Minsan na lang kasi syang makapag off. Dapat nasa condo lang sya, maglilinis, magluluto, read books, relax lang.. and more importantly looking forward pa sya sa manunuod ng Eat Bulaga para sa concert ni Jose. At exclusice interview ng startalk sa DenLY, ang paborito nyang love team splash couple.

Pero hindi nasunod ang plano nya, instead she’s at the studio ng recording company ng band. Tatlong araw na kasi syang hindi pinapansin ni Elmo. Kahit ilang txt or tawag or tweet pa nya, waley sagot ang binata.

“Hello” nakangiti nyang bati nya kila Steven nang lumabas ng recording room. Tapos abot ng two family size pizza na pasalubong nya.

“Ayon oh” nangungunang lumapit si Sef na parang mauubusan.

“Tsk tsk. PG ka talaga” natatawang lumapit si Rocco. Napansin nitong matingin tingin ang dalaga sa likod nila. “Nako. Baka hindi ka labasin nyan” habang kumukuha ng sliced pizza.

“Huh?!” napatingin si Julie kay Rocco.

“Si Elmo kako, baka hindi lumabas sa recording room”

“Mukhang bad vibes e” pailing iling na singit ni Steven habang nilalagyan ng hot sauce ang pizza. “Tsss. Dinadamay pa tayo, hindi makakanta ng maayos” tapos tumingin kay Julie. “Anyare ba sa best friend mo?” sabay kagat ng pagkain.

Tumango tango si Sef, puno ng pagkain ang bibig “Hmmmm… Wala sa mood. Good thing andito ka, miss ka na yata e”

Napansin nmn ni Rocco yung malungkot na mukha ni Julie. “Pasukin mo na. Pwede nmn yan hindi pa nmn kami nag rerecording”

Ngumiti lang si Julie pero malungkot yung mata saka na pumasok sa mismong recording room. She knows na alam ni Elmo na pumasok na sya pero hindi man lang tumingin. Nakayuko pa rin, naglalaro ng games sa iphone5. She really feels guilty sa nang yare 3 nights ago.

“Moe” habang papalapit tinawag nya na ‘to. Pero nakayuko pa rin at naglalaro. Seryoso yung mukha pero parang wala nmn sa game yung isip. Pagkalapit nya tinabihan nya ‘tong umupo sa sahig. “Elmo” mahinang sabi nya dito.

Hindi alam ni Elmo ang mararamdaman that Julie is here. Kanina lang galit na galit sya dito, lalo na the night na inindian sya nito sa sariling condo. But now, seeing her, gusto nyang yakapin ang dalaga. Ang hirap lang i-resist nito. But he needs to.

Nakayakap sa sariling binti ang dalaga. Pinapanuod si Elmo, hindi talaga sya pinapansin. Of course she understands him. Pero hindi sya sanay sa ganito, kasi all the time si Elmo ang laging lumalambing sa kanya. Ngayon tatlong araw walang response. Tapos dati rin makita lang sya nito kahit nagtatampo okay na sila. Pero ngayon……….

“Elmo, I’m sorry” mahinang sabi nya dito. Hindi pa rin sya pinapansin “Hindi ko nmn alam na dadating sya e. I was about to leave when he suddenly came. Hindi ko nmn sya maiwan” nakita nyang natatalo na si Elmo, meaning he’s listening “Moe. I’m so sorry”

Wala pa ring response ang binata. Bumuntong hininga si Julie tsaka hinawakan ang dalawang kamay ni Elmo na may hawak na iphone. “Moe please sorry na. Pansinin mo na ko. Please nmn o” pagmamakaawa nya.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon