Chapter 20-The Photos

Comenzar desde el principio
                                    

"Ka-chat?" Napakunot ang noo niya pagkatapos ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

Uh-oh!

Bakit ba kasi 'yan pa ang lumabas sa mga labi ko?Hindi 'yan sana ang itanong ko eh.

"I mean,narinig mo ba ang usapan namin ni Attorney Crawford?" Halata namang ang layo ng tanong ko ngayon kaysa kanina.

"Hindi." Maiksing sagot niya at ibinalik ang paningin sa laptop.

Nakakainis naman ang taong ito!

Sa inis ko,tumayo ako at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

"Mr.Aragon,I'm talking to you." Sabi ko habang naglalakad pa. "Hindi porket mahal kita,ay hindi mo na ako papakinggan sa mga tinatanong ko sa 'yo.I'm still your boss honey." Dugtong ko pa.Nakalapit na ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran kahit nakaupo pa siya.

Mali yata ang ang move na ginawa ko dahil napasinghap na lamang ako ng maamoy ko ang mabango niyang pabango.

"Sino ba kasi ang ka-chat mo diyan?" Tanong ko kasabay ng pagsulyap sa screen ng laptop niya.

"Wala hon." Ramdam ko rin na napasinghap siya.Apektado din yata dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya. "Anong ka-chat ang mga pinagsasabi mo diyan?" Tiningala niya ako at ngumiti ng matamis. "Maghahanap pa ba ako ng ka-chat kong nandito na sa harapan ko ang gusto kong makausap at makasama?At higit sa lahat,ang nagmamay-ari nito." Sabi niya kasabay ng pagkuha niya ng kanang kamay ko at dinala sa kaliwang dibdib niya.

"Eh..." Ngumuso ako. "....bakit ang busy mo diyan?" malambing ngunit may himig tampo kong tanong sa kanya.Hindi naman talaga kasi siya nakikipag-chat kasi ng sulyapan ko ang screen ng laptop niya ay naglalaro lang siya ng clash of clans o ang tinatawag nilang COC.Ang adik din pala nito sa larong ito.

"Jealous hon?" Ngumiti siya ng nakakaloko.Inikot niya ang swivel chair na inuupuan niya at humarap sa akin.Pagkatapos ay hinapit niya ako sa baywang at hinila upang makaupo sa kandungan niya. "So?"

"Anong so?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatitig lang sa mga mata niya.Ang mga mata niyang nakaka-akit.Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko.Nagiging abnormal na naman ito.

"Na selos ka?Nagseselos ang Violet ko." Pilyo siyang ngumiti at saka hinalikan ako sa leeg.

"Of course, I'm not jealous." Tanggi ko habang nilalayo ang leeg sa kanyang mga labi. "Mico..." Saway ko pa dito.Pero parang 'di naman magpapa-awat.

"Wala kang dapat ipagselos Violet.Mahal kita,mahal na mahal na kahit ano ay kaya kong gawin,maging maligaya ka lang." Pahayag niya matapos ang panghahalik na ginagawa niya sa akin.

Hinalikan niya ako saglit sa mga labi at pagkatapos ay humiwalay naman kaagad.Aaminin ko,nabitin ako sa ginawa niyang paghalik.

Niyakap na niya ako ng mahigpit.

"Nakakatawa ka Mico." Palatak ko ng mapansin ang screen ng kanyang laptop.Hindi ko akalain na naglalaro siya nito.Akala ko kasi baril lang ang gusto niya.Palagi ko kasi siyang nakikitang nililinis ang baril.

"Nakakatawa saan?" Kunot-noo niyang tanong.Kaya inginuso ko ang mga labi sa COC. "Past time lang hon." Paliwanag niya. "Boring eh." Dugtong pa niya.Kaya hinampas ko siya.

"Naglalaro ka?Boring?Pero hindi ka man lang nakinig sa usapan namin ni Attorney." Sumbat ko sa kanya ng maalala iyon.

"Its all about in your business and wealth Violet.Hindi naman yata maganda na makisali at makinig ako sa inyo ni Attorney." Sagot niya kaagad sa akin.At dahil sa inis ko ay tumayo ako mula sa kanyang kandungan.

"Ah gan'on?Pero kung sa ibang usapan nakikisali ka kahit hindi naman dapat.At ngayong,mahalaga ito,wala ka ng pakialam?" Inis kong sabi kasabay ng pagsuklay ko sa buhok ko sa pamamagitan ng mga daliri ko.

Tinalikuran ko siya kaagad.Nakakainis eh.

"H-hon..."

"Stop there Mico." Pigil ko sa kanya ng papalapit na siya sa akin. "'Wag mo 'ko kausapin!" Ibinalik ko na ang atensiyon sa computer ko.

"I'm sorry hon.I didn't meant to said those words." Paliwanag niya.

"May alam ka ba sa F & A na company?" Hindi ko pinansin ang paliwanag niya.Bagkus tinanong ko siya about sa F & A ng maalala ko na galing pala siya doon.

"Nah.Employee lang ako nila.Why hon?" Nakapamulsa na ito habang nasa kinatatayuan pa niya ito.

Employee?

Hindi ko maiwasan ang mapaisip ng may biglang sumagi sa isipan ko.

Alam kong mayaman si Mico.Hindi kaya ay isa siya sa may-ari nito?

"Mico,sigurado ka ba na wala kang alam dito?" Tinitigan ko siya at siya namang pag-iwas niya ng paningin sa akin.

"Wala Violet." Kibit balikat niyang sagot sa akin.Hindi na ako umimik pa.

Nakauwi kami ng bahay na walang kibuan.Alam kong hindi naman aamin si Mico sa akin kung ano man ang sekreto niya.Kaya ako na ang kusang gagawa nito.

Pumasok ako sa kwarto niya.Alam kong nasa baba pa siya.Kaya ito na ang pagkakataon ko.

Agad kong hinanap ang laptop niya.

Hindi na akong nagdalawang isip pa.Binuksan ko ang documents dito.Pero nagulat ako ng mga larawan ang lumabas sa isang binuksan ko.

Family pictures ang mga ito.Mayroong lumang-luma na photo kasama ng yaya niya.At iyon ay ang tinatawag niyang nanay.

In-scroll ko pa ang iba.Family picture nga ito na luma at bata pa siya dito.Sigurado akong si Mico ito.Masayang pamilya ang nakasaad sa larawan na ito.At may isa pang photo na birthday party yata ito.Pero family picture din ito.May cake pang nakalagay sa harapan nila at may nakasulat na 'Happy 7th birthday Mico Luis'.

Doon naagaw ang pansin ko sa pangalan niya.Kung gan'on,si Mico Luis ang totoo niyang pangalan.Kaya pala Luis ang tawag ng tinatawag niyang nanay sa kanya.

Halatang mayaman sila dahil sa mga kagamitan sa loob ng bahay.Sosyal at bongga ang mga nasa picture.Ang daddy niya ay foreigner.At kung 'di ako nagkamali ay Spanish din ito.

In-scroll ko na naman muli ang mga larawan.Napakunot ang noo ko dahil sa bagong picture na nakita ko.I think recently lang ang larawan na ito.Siguro two years ago or three years.

Tinitigan ko ang larawan.Isang buong pamilya na naman ito.Pero this time binata na si Mico dito.Nakasimangot siya sa larawan na para bang napipilitan lang siya.

Binasa ko ang naka-indicate na words dito.

Photoshoot with my stepfather

Kung gan'on,ay namatay ang totoong daddy ni Mico?At pangalawang asawa na ng mom niya ang lalaking ito?

Ibinaling ko ang tingin sa stepfather niya.At napatampal ako sa mga bibig ko ng makilala ko ito.

"Tito Diosdado!"

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora