Kabanata XII

Mulai dari awal
                                    

Kahit sabihin niyang, walang magbabago sa amin. Meron at meron talaga..

Time will come at kaibigan niya nalang kami. We're not cousins anymore or she's not my little sister anymore. Mawawala na unti-unti ang karapatan namin sakanya.

Ngumiti sa akin si Jade kaya ngumiti din ako. Hinintay namin bumalik si Jess at hindi naman siya nag tagal.

"Pinayagan ako kaya lang kailangan kasama si Kuya Dylan, David and Dexiter" sabi ni Jess. Nagtinginan kami at ngumiti.

Sa munting pagbanggit ng pangalan niya ay parang lumundag na ang puso ko.

"Sure" sabi ni Ate Pin at napasigaw si Jess kaya tumawa kami.

"Mag papack palang naman diba? Just text me where we will meet and susunod nalang kami." sabi ni Jess at tumango naman ako. Nag lakad na kami palabas.

"Ate can you come with me?" tanong ni Jess sa akin. Napaawang naman ang labi ko.

"Huh? How will I pack kung sasama ako sayo?" tanong ko sakanya. Mukhang nag iisip naman siya ng paraan.

"Uhh, okay just ride with us mamaya. Pag pumunta na kami sa meeting place lipat ka ng kotse. I want to spend time with you. Sama mo na si Jade." napangiti naman ako sa sinabi niya at inakbayan siya.

"Okay sister" sabi ko at tumawa.

Atleast.. namimiss niya kami. That's enough.

Umuwi na kami at nag pack na ako. Tinulungan ko pa si Jayden. Pinuntahan namin si mom and dad sa kwarto nila at nag paalam. Masayang masaya si mommy na kasama si Jess.

Sinundo kami ni Jasper. Dalawang kotse ulit ang gagamitin namin. Kotse ni Josh at Jasper naman ngayon.

Nung makarating kami sa meeting place ay nakita kong nandon na ang van nila Dylan.

"Jade, nakiusap si Jess kung pwede tayong sumakay sa van nila" sabi ko kay Jade habang nag aayos ng gamit sa likod ng kotse.

"Oh sure" sabi niya at ngumiti. Tumango naman ako.

"ATE!" natawa ako nung yakapin niya ako.

"Hey!" sabay sabay na sabi ng mga pinsan namin at nakiyakap din. Tawa lang ako ng tawa, pinipitpit nila ako.

"I missed you guys!" sabi niya kaya lalo nila kaming pinitpit. I felt like crying pero sobrang saya namin na ayaw kong sirain ito.

Parang nung dati lang.. ngumiti nalang ako at tumawa. Napalingon ako sa kaliwa habang nakayakap sila sa akin. Jerem was really funny, sinusubukan niyang buhatin si Jade at Jess para makasiksik sa yakap.

Nakita ko si Josh na nakasandal sa kotse niya.

"JOSH!" sigaw ko at ngumisi naman siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit siya sa amin at nakiyakap na din.

Tumawa ako lalo at yinakap sila ng mahigpit.

"We're family." Bulong ko pero sapat na para marinig nila.

Bumitaw na din kami at sinara ang likod ng mga kotse.

"Let's go" sabi ni Jess samin at sumunod na kami ni Jade.

Pagkasakay ko sa van nila ay parang gusto ko bumaba ulit. Pinaandar na ang van at sumusunod ito kay Kuya Jos.

"Hey!" bati samin nung babaeng nakita ko kanina sa bar.

Tinignan ko si Dylan, siya ang nag dadrive at katabi niya ang babae. Hindi man niya ako tinapunan ng tingin. Si David ay kasama namin sa likod at katabi niya si Jade na katabi din sa kabila si Dexter.

Facing The Legacy (FS # 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang