Tinuro ko kung saan ako nakapwesto na sinundan niya ng tingin.

"Ay, wala ng bakante sa pwesto mo," disapointed na sabi niya. Then, may tinuro siya na sinundan ko ng tingin. "Doon ka na lang, paalis na 'yung nasa tabi ko. Para magkatabi tayong makakain." Pinaalis niya ako sa pila at pinagtulakan. "Dali. Ilipat mo 'yung bag mo."

Sumunod na lang ako at kinuha ko iyong bag ko at inilagay sa katabing upuang pinagpatungan ng gamit ni Michael. Marami pa ang paparating at baka maagawan ako ng pwesto.

Napakagat ako sa labi ko. Tuwang-tuwa ang damdamin ko. Magkakasabay kaming kumain. Parang date. Magandang bonding ito para sa amin upang mas ma-develop ang ugnayang mayroon kami.

Bago pa ako makaalis sa pwesto ko ay dumating si Michael na may dalang dalawang platong laman ang asado rice. Naku naman. Naabala pa siya.

"Kain na tayo," aniya.

"Ay, bayaran ko na, baka makalimutan ko," sabi ko at dumukot sa bulsa ko.

"Hindi, 'wag na," tanggi niya. "Ilibre ko na 'to sa 'yo. Kain na tayo."

Tila kumislot na naman ang puso. Sa bawat kabutihang ginagawa niya para sa akin ay hindi ko maiwasang bigyang kahulugan at mag-asam. Nangangamba ako na kapag nagpatuloy itong samahan namin maaaring patuloy akong mahuhulog sa kanya nang walang hanggan dahil hindi ko tiyak kung sasaluhin ba niya ako.

"AMI!!!" SUMUGOD ng yakap sa akin si Hina pagkasalubong niya sa akin nang papalabas na ako ng gate.

Patay. Mahirap na naman siyang takasan. Magulo na naman ang buhay ko. Pero kataka-taka. Bakit kaya? Ang hyper niya ngayon. Ano'ng nakain niya? Dahil ba sa... Dahil according to research, nagbibigay energy raw ang... Never mind.

"I've been searching for you," saad niya pagkaalis niya sa akin ng yakap.

"O, talaga? Bakit?" I tried my best not to sound sarcastic. Pero, alam naman niya yata na sadyang sarcastic ako all the time, so sanay na siya.

"Marami akong ikukwento sa 'yo. Ayyieehhh!"

Napataas ang kilay ko. Sabi ko na nga ba, eh. Kukwentuhan lang ako nito tungkol sa kasuklam-suklam niyang sex life. "Alam ko na 'yan. About kay Spencer."

"Yeah. Pero, there 's an additional story. Kumbaga, another chapter between me and Spencer."

"Oh, really?" Itiktik mo na lang kaya 'yan. May nalalaman ka pang chapter-chapter.

"Yes. But I want to talk about it privately."

"Privately?"

"I know you have an hour. So we could discuss it in our house. Don't worry, hindi naman gano'n kalayo ang house namin."

Hindi nga ganoon kalayo sa bahay nila, pero traffic naman sa dinaanan namin kaya natagalan din kami sa pagbiyahe papunta sa kanila sakay ng car niya. Siya ang nagmamaneho.

Pagkababa namin ng kotse ay namangha ako sa laki ng bahay nila. No. Sa manyon nila. Yayamanin talaga niya. Grabe, pangarap ko ang makatira sa ganito. Ang swerte ni Hina.

Agad kaming pumasok at sumalubong sa amin ang mga kasambahay nila na magalang pang bumati kay Hina. Nahiya naman ako. Napakakinis niyong sahig at pakiramdam ko'y nababahiran ko ng pagiging hampas-lupa ko iyong bahay nila.

Umupo kami sa sofa. Nakaka-enjoy naman. Ang sarap umupo rito. Gusto kong lundagan. Ang lambot niyong couch.

"You know, you're my bestfriend," panimula ni Hina pagkaalis ng maid matapos i-serve ang juice. Kaming dalawa lang ang nasa area. She really needs privacy nga para sa sasabihin niya. "You're the only one I trust. You're the only one I'd like to share my story with who's willing to listen to me."

Actually, ayaw ko talagang makinig sa mga kwento niya. Hindi kasi ako nakaka-relate. Pero na-appreciate ko ang pagpapahalaga niya sa friendship na namagitan sa amin. Na pinagkakatiwalaan niya ako. "Kahit ma-giraffe lang ako?"

"It doesn't matter. You know, I have friends na rich but they are bitches. They betrayed me! They want to steal my guys from me."

Napataas ang isang kilay ko. "Uhh... Si Spencer."

"Oh, he's one of them."

Napahinga ako ng malalim upang pahabain ang pasensya ko. Oo nga pala. Guys. Alam ko naman kung gaano kalandi ang babaeng ito. Minsan, hindi ko matanggap. "'Yan na ba ang kwento mo about kay Spencer?"

"Oh, no. Iba 'to. Actually, me and Spencer—"

"Ano ba?!!!"

Napapitlag kami ni Hina sa sumigaw na babae mula sa itaas.

"I want to go outside! Bakit mo ba ako laging pinakikialaman? Can't you just mind your own business? Itutulak kita sa hagdan kapag hindi mo 'ko tinigilan."

Napatayo si Hina.

Namataan ko ang isang matandang babae at isa pang may edad na babae na pababa ng hagdan na mukhang mag-ina. Lola't mommy yata ni Hina pero obviously, mukhang mga donya at glamorosa.

"Hindi nga pwede, anak. Bumalik ka na sa kwarto mo,"  pakiusap niyong lola.

"Lola, what's happening here?" sabat ni Hina.

Lumapit ang matanda sa kanya at humawak ito sa braso niya. May bakas ng pangamba sa mukha nito. "Gusto kasi na naman lumabas ng mommy mo, eh." Parang mangiyak-ngiyak ito.

"Mommy," tila saway pero mahinahong sambit ni Hina sa isang ginang.

"Oh, baby ko." Mabilis nagbago ang mood niyong babae at biglang naging malambing pagkakita sa anak. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "How's my baby?"

"I'm always okay, mommy."

"I always miss you, baby."

"I know, mom. I also do. But why do you want to go outside? You must be in your room."

"Nababagot na kasi ako roon sa room. Bakit ba hindi ako pwedeng lumabas? Gusto lang naman kitang hanapin. Hindi naman kasi kita nakakasama palagi rito sa bahay."

"I'm sorry, mom. I promise, babawi ako."

"Give me a kiss." Ngumuso ang ginang.

Humalik si Hina sa magkabilang pisngi ng mommy niya. Nakaka-touch ang mag-ina, pero... parang something's weird.

Hinatid niya ang nanay niya papanhik kasama ang lola niya. Pagbalik niya ay nag-apologize siya sa akin.

"I 'm sorry for what you have seen a while ago," sabi ni Hina saka siya tumabi sa akin. "I think, saka na lang tayo ulit magkwentuhan."

Hindi ko na mapigilan ang curiosity ko. Hindi ko alam kung paano ko itatanong pero may gusto akong malaman. "Ano nga bang nangyari? Bakit inaaway ng mommy mo ang lola mo?"

"It's not that. Ahmm... 'Di ba, psychology student ka. I know you'll understand."

Tumango lang ako bilang simpatya.

"Si mommy kasi, may bipolar disorder."

ExhibitionWhere stories live. Discover now