"Guys uwi na ako, ayusin ko lang yun problema namin ni Jade" paalam ko sakanila. At agad ako pumunta sa parking lot. Pagdating ko sa pwesto kung saan naka park yun kotse ko may nakita akong note dun sa windshield.

Althea,

Kukunin ko ang dapat sakin!

-D.L

D.L? As in Demnver Lastimosa? Hindi pa ako pwede mag akusa hangga't wala akong sapat na proweba. Kinuha ko yun papel na nasa kotse at itinago.

Agad ako nagdrive pauwi ng bahay.

JADE

Hindi matigil yun iyak ko. Mabuti at wala sila Dada kung hindi lagot na naman ako nito. Ang sakit kase nung ginawa ni Althea sakin kanina eh. Bakit ganun kainit yun ulo niya.

Baka naman may problema lang sa kompanya.

Kung may problema sa company sana wag niya ako idamay. Nakakainis. Hindi ko siya papansinin, hindi ko siya kakausapin. Althea, sabi ko tulungan mo ko bumalik yun alala ko pero ano ginawa mo? Naging workaholic ka na.

Nakahiga lang ako dito sa bed. Kanina ko pa sinusubukan matulog pero hindi ko magawa. Sa twing pipikit ako, nakikita ko yun mukha niyang galit na galit. Hindi siya yon eh.

Anong oras na ba? Hindi ako makaramdam ng gutom.

3:15pm na pala. Ipinikit ko yun mga mata ko. Baka sakali makatulog ako.

DEMNVER'S POV

Time for Revenge.

"Siguro naman isusuko na ni Althea Guevarra si Jade?" Tanong ni Papa habang umiinom ng in can beer.

"Hindi pa yan. Sa personality ni Althea, hindi siya madaling sumuko. Sisimutin ko lang yung pera ng kumpanya niya. Hanggang sa isuko niya si Jade" natatawang sabi ko.

"Bakit di mo pa sagarin?" Tanong ni papa.

"Chill lang pa, masyado kang atat, pahirapan muna natin si Althea" oo gusto ko pahirapan si Althea. Kung hindi dahil sakaniya baka nasakin si Jade ngayon.

"Kadikit niya ang Tanchingko pano mo masisimot ang pera ni Althea?" Tanong uli ni Papa.

"Bakit papa, iniisip mo hihingi ng pera si Althea kay Oscar Tanchingko pag walang wala na? Hindi yon gagawin ni Althea. Alam ko na yun mga mangyayare. Sa kaso nila Jade at Althea isang kahihiyan sa pamilya nila yung ganung relasyon at para hindi lang sila ikahiya kailangan ni Althea ayusin ang business niya para maipagmalaki pa din siya ni Oscar. Mapride si Althea at hindi niya yon hahayaan na matapakan ng byenan niya" paliwanag ko.

"Magaling anak. Yan ang gusto ko sayo eh" masayang sabi ni Papa habang tinatap niya ang balikat ko.

!Kriiiiiiiing! Kriiiiiiing!

Anton's Calling ...

"Excuse muna papa, sagutin ko lang tong tawag" pagkasabi ko nun agad ako umalis sa tabi ni papa, nagpunta ako sa office ko. May office akong maliit dito sa bahay.

"Hellooo!"
(Sir, hindi ko mapasok ang database ngayon ng bangko)
"Ano? Bakit?"
(Sir, may nagharang po. Tinaasaan amg security level ng database at ng firewall)
"Sino naman kaya ang gagawa non?"
(Basta gawin mo lahat ng pwede mong gawin! Kailangan masimot na ang pera nila)
"Opo sir, gagawin ko po lahat"

*tooooooot* *toooooot*

Hmmm sino naman kaya ang gumawa non? Kung sino man isa kang malaking epal. Kung kelan kailangan ko na, saka ka pa umepal! Bwiset!

!Kriiiiiiiing! Kriiiiiing!

Ashley's Calling ...

Napatawag ata to.
"Helloo Ashley!"
(Hi Demnver, can we meet tonight?)
"Sure, wala naman akong gawa ngayon"
(May gusto lang ako pag-usapan natin)
"Tungkol saan?"
(Mamaya na lang)
"Sige sunduin na lang kita jan sainyo, see you later"

*tooooooot* *toooooot*

Alam ko tong si Ashley, may lihim na pagtingin kay Althea. I can make her a bait para makuha si Jade.

Another evil plan? No kukunin ko lang ang dapat sakin. At walang iba kundi si Jade yon!

!Knock! Knock!

"Sino yan?"

"Sir, may bisita po kayo" sagot ng kasambahay namin. Hmmm sino naman kaya? Wala naman ako ineexpect na bisita ngayon.

Agad ako lumabas ng opisina ko upang harapin yun bisita ko.

ALTHEA

Nakarating ako dito sa bahay ng 4:00pm na dahil sa traffic. Pagkapark ko ng kotse ko agad ako umakyat sa kwarto namin. Naabutan ko dun si Jade na nakahiga. Agad ko siya nilapitan. Kahit nakapikit mahahalata mo dito na umiyak dahil sa magang talukap ng mata.

Umupo ako sa gilid ng kama kung saan siya nakaharap. Kiniss ko yun forehead niya. Dahilan para kumilos siya patalikod sakin.

"Andito ka na pala. Diba sabi mo marami ka pang gagawin" cold na sabi ni Jade.

"Isinantabi ko muna yung mga gagawin ko. Mas mahalaga yun asawa ko" sagot ko dito.

"Oh? Pero kanina hindi mo pinakita na mahalaga ako sayo! Hinayaan mo kong makita yung other side mo" naluluhang sabi niya. Tinabihan ko na siya sa higaan, pumwesto ako kung saan siya nakaharap sabay talikod naman sakin.

"Sorry Lablab, hindi ko po sinasadya yun kanina. Sorry lablab ko, may problema lang sa company kaya ganun po" paliwanag ko.

"Althea ipakita mo naman na worth it yung ginawa kong pag urong sa annulment. Hindu porket mahal na kita eh gaganyanin mo na ako!" Say ni Jade. Nagbackhug naman ako sakaniya.

"Ano gusto mo gawin ko? Para mawala na yang inis mo sakin?" Tanong ko.

"Ang gagawin mo lang ipakita mo sakin na dapat kitang maalala" say ni Jade

"Okay sige this weekend, babalikan natin yun mga lugar kung saan tayo unang nagkita lahat ng memorable na lugar" kiniss ko siya sa batok. Dahilan para mag moan si Jade. Ang cute talaga niya mag moan.

"Sure yan ha?" Paninigurado ni Jade.

"Opo sure yon, harap kana sakin Lablab" then humarap naman siya sakin. I give her a soft and passionate kiss.

"Lablab ikaw ha! Namumuro ka na" sita ni Jade sakin.

"Nag-eenjoy ka naman eh" then kiniss ko uli siya.

"Kain tayo, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom, simula nun pinalayas mo ko sa opisina mo kanina di pa ako kumakain" sarcastic nitong sabi.

"Tara sa baba, yang mata mo kawawa naman" say ko.

"Ikaw kasi, pinaiyak mo ko. Pag pinaiyak mo ko ule. Babalik ako kay Demnver" yun mood ko nag-iba nung narinig ko ang pangalan ni Demnver.

"Lablab may problema ba?" Tanong ni Jade.

"Wala po, tara na" pinilit ko ngumiti sa harap ni Jade. Ayoko maapektuhan siya issue ng company.

KATHLEEN

(Okay na po ma'am, nataasan ko na po yun security level ng database ng system ng bangko)
"Magaling. Ge kita tayo bukas para mabigay ko sayo yung bayad"
(Sige po)
"Teka kaya mo ba itrack kung sino kumuha nun loss sa pera namin? At kung saang acct napunta yun pera?"
(Yun lang pala eh, madali lang yon basta ang bayad)
"Oo ako na bahala don, mga loko kayong mga hacker kayo"
(Ganun talaga, pera pera lang yan)
"Basta gawin mo yun pinagagawa ko sayo"
(Sige po)

*tooooooot* *tooooooot*

Buti naman naisalba pa yung 50million na pondo ng kumpanya.

==============================

A/N :: HI HELLO !! LIKE I SAID NGAYONG GABI ANG UD :) ITO NA PO :)
HINDI MAN AKO KASING GALING NG IBANG AUTHOR, PERO MASAYA NA AKO DAHIL MAY NAGBABASA NG STORY KO :)

Be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon