prologue

156 7 0
                                    

"anak!? gising na,unang araw mo ngayon sa eskwela.bumangon ka na riyan at baka malate ka!"
boses ng ina ni Caszil na nagpagising rito na nakahilata pa sa kanyang higaan...

nabigla si Caszil dahil matagal ng yumAo ang kanyang butihing ina,inisip nito na marahil ay nanaginip lamang siya kaya muli ay humiga...
at ng mapagtanto nito na hindi siya nanaginip ay muling idinilat ang kanyang mga mata...
at ginalugad ng tingin ang kabuoan ng maliit na silid...

"teka nasaan ako?"
sambit tanong ni Caszil sa sarili...
pamilyar sa kanya ang naturang silid...
dali-dali siyang bumangon sa higaan at pagkuwan ay nabigla ng mapansin na maiikli lamang ang kanyang mga biyas...
agad nito na tinungo ang isang salamin at napasigaw ng makita ang kanyang repleksyon....
kinusot nito ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay...
at ng muling tumingin sa sarili ay muli itong napasigaw...
"bakit? bumalik ako sa pagiging bata ko.?"
kinurot nito ang kanyang pisngi at tinigil ng makaramdam ng sakit...

bigla naman bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang kanyang ina...

humahangos itong nagwika...
"anak anong nangyari sayo? bakit ka sumigaw?"

"Ma???"
hindi makapaniwala na tanong ni Caszil sa ina

"anak ano bang nangyari sa iyo? bakit ka sumigaw?
muling tanong ng kanyang ina.
halata rito ang pag-aalala...

tumitig si Caszil sa ina at kusang nagsipagdaloy ang kanyang mga luha...
at mahigpit na niyakap ang ina...

nabigla man ay niyakap nalang din siya ng ina....

"Mama"
umiiyak na sambit ni Caszil habang nakayakap parin sa ina....

Dream of the PastKde žijí příběhy. Začni objevovat