Chapter V

121 20 10
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Kilala niyo ba? Ako rin. Hindi ko rin kilala, e!

Sipain ko na ba siya? Sapakin? Sakalin? Anong gagawin ko? Paano kung mas malala pala siya sa tatlong iyon kaya hindi na sila umangal? Paano kung siya pala ang boss nila? Paano kung gangster din siya? Paano kung, pano kung, isa siyang rapist o killer?

O monster galing sa Tartarus na ipinadala ni Gaia para ipakidnap ako?

O kaya naman... Isa siyang dark wizard na kakampi ni Voldemort at narito siya dahil gusto niyang kumampi ako sa kanila para akitin si Harry Potter?

O isa siyang tauhan ng WICKED at isa ako sa mga immune na kaylangan nilang i-test at dal'hin sa maze ng gladers para sa cure ng sunflare?

O isa pala siyang alien ng isang undiscovered planet na ineenvade ang Earth at na-sense na ako ang reincarnation ng kanilang dating Reyna?

O di kaya... Isang sundalo ng Dauntless na nakontrol ng Erudite at nalaman na isa akong Divergent?

O isang Lower Element Police officer na i-ma-mind swipe ako dahil sa pagkakasangkot kay Artemis Fowl?

O kaya isang pirata na nanunungkulan kay Davy Jones at hahatulan ako ng isandaan-taong paninilbihan sa kaniyang Flying Dutchman dahil kay Jack Sparrow, my love?

O isa pala siyang aswang kagaya ng mga kalaban ni Abraham Lincon na gumagala sa aming bayan at ako ang kaniyang biktima?

O kaya kauri siya ni Edward na isang bampira na mahilig mambiktima ng magaganda?

Choz! Maganda! Choosy pa ang peg ng pucha! At ang pinaka sa lahat. Pano kung isa siyang tao na na-infect ng T-virus dahil sa Umbrella Corporation kaya naging Zombie?

Plants! Save me! What am I gonna do?

No'ng wala na iyong tatlo, tinanggal na niya ang pagkakaakbay niya sa'kin, "Are you okay, miss?" tanong niya. Huh? Tama ba ang dinig ko? I was confused so I looked at him. And...

Wow! Ang pogi niya, 'te! Gravity much! Mas pogi pa siya kaysa sa boses niya! Ibalik mo iyong pagkakaakbay mo sa'kin kanina, kuya! Dali! Isa... Malandi lang? Sorry na a. At dahil cute ako, napatunganga ako sa kaniya.

Medyo malaking and singkit niyang mga mata na tila itinatago ng suot niyang salamin, matangos ang ilong, pang-modelo ang tangkad at pangangatawan, at mala-tsokolate ang buhok na bumagay sa maputing balat.

Muli akong napakurap. Paanong nangyaring may ganitong klase ng tao? Mukha siyang... mukha siyang anime na hinugot mula sa screen at namuhay sa lupa. "Hey, miss, are you alright?" pag-uulit niya.

"Huh? Ah, yeah, thanks," sagot ko. Umi-English ang bata-- nosebleed! Pasimple kong kinapa ang baba ko, baka may tumulong laway, e.

"Next time 'wag ka nang malalakad mag-isa sa gabi, miss, madami nang loko-loko ngayon."

Soulmate, Dream guy, or Knight in shining armor (Tag-Lish)Where stories live. Discover now