Chapter I

244 22 24
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi nang muling mapagmasdan ang kanilang paaralan. Ganoon pa rin ang mga pintura nitong mala-krema na sinamahan ng matingkad na kulay ng punong kahoy. Nagsisisayawan pa rin ang mga bulaklak na nakapalibot sa munting dutangan sa gitna ng matingkad na alpombre ng damo.

"Hi, Navi!" Naputol ang paghanga niya sa kaharap nang marinig ang pangalan. Pagkalingon niya ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kaniya.

"Hey, Gramps!" she greeted with a smile.

Ngumiti rin ito sa kaniya. "Bagong buhok, a! Kaya ka pala absent kahapon, e," natatawang kumento nito. Kahapon kasi ang unang araw ng pasukan nila. Lamang ay huwarang estudyante siya... kaya hindi siya pumasok.

"Hindi naman, iyong style lang," pambabara ni Navi sa matalik na kaibigan. Iyong style lang naman talaga ang pinalitan niya, mahaba na kasi masyado kaya pinagupitan na niya.

Sa harap niya ay ang kaniyang bestfriend na si Jaizen Clarence Manio, na kadalasan ay tinatawag niyang "Gramps"-- short for grandfather. Ginulo nito ang buhok niya sabay sabing, "Pagupit pa. Addict ka talaga!"

Ako pa ang addict? I don't do drugs, I am drugs! monologo ng kaniyang utak bago tinignan ito nang nakangisi. "Jarence, makapagsalita ka naman, akala mo matino ka. Baka nakakalimutan mong apo mo ako at lolo kita. Meaning, mana ako sayo!" nakapamaywang na saad niya rito.

"Whatever," nababagot na sagot ni Jarence.

"Uy, nga pala! Si Granny, o!" pang-aasar niya nang maalalang kasama pala niya si Charm, ang babaeng bestfriend niya. Oo, dalawa ang bestfriend niya at ito ang kaniyang "Granny"-- short for grandmother. Bigla niyang itinulak si Charm kay Jaizen. Mutikan tuloy nasubsob ang mga ito sa isa't isa. Automakitong nagpalitan ng matatalas na tingin ang dalawa. At nang maalala kung sino ang salarin ay dumako ang mga masasamang tingin sa kaniya.

Iwinaksi niya ang kaba at mapaglarong ngumiti sa mga ito. "Wow! Totoo ngang opposite attracts. Biro niyo iyon, nahila niyo ang isa't isa unconsciously?" palusot niya pa. Matagal na kasi niyang inili-link ang dalawa. E paano, si Charm, kung makasigaw para i-cheer si Jarence noong minsan na nakisali ang binata sa pageant, akala mo ay magugunaw na ang mundo! Namatay ang eardrums ko, te! Buti na lang nag-resurrect, sa isip niya nang maalala ang nangyari.

"Asa!" sabi ni Charm at pinaikot ang mga mata. Nag-make-a-face naman si Jarence na parang diring-diri sa konsepto.

"Sige, alis na ako, a! Nakakahiya kasi sa inyo, baka nakakaistorbo ako, e," natatawang sabi niya at nagmamadaling tumalikod. Nakakailang hakbang na siya nang marinig ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan niya.

Napalingon siya ngunit walang nakitang tao sa direksyong tinahak ng kaniyang paningin. "Huh? May tumatawag ba sa akin?" napapangiwing bulong niya.

"Ay, hindi wala, illusion lang ako," nakalolokong sabi ng parehong boses matapos ay may naramdaman siyang marahang pitik sa kaniyang noo.

Dinagdagan niya ang anggulo ng katawan upang makita ang nagsalita. Nasa kaliwa pala niya ito, taliwas sa direksyong inikutan niya kaya hindi niya ito napansin. Mukha kasi siyang pader, dagdag rason pa ng utak niya bago tinignan ang lalaki nang masama. "Makatapik ka naman-- child abuse. Idedemanda kita!"

Soulmate, Dream guy, or Knight in shining armor (Tag-Lish)Where stories live. Discover now