Chapter II

159 21 17
                                    

***

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

***

Umaalingawngaw sa kaniyang tenga ang ang pinaghalo-halong kaingayan ng mga tao sa kaniyang paligid. Nababagot na sinipat niya ang kaniyang kanang kamay upang tignan ang oras sa kaniyang relo, habang ang kaliwa inaalalayan ang kaniyang nakapatong na ulo.

Hindi maipinta ang kaniyang mukha sa pagkairita. Matapos ay naiinis ipinagpatuloy ang mabilis na pagtipa ng kaniyang hintuturo sa plastik na mesang kadikit ng kaniyang upuan. Hindi na mabilang pa ni Navi sa kaniyang mga daliri kung ilang minuto na silang naghihitay para sa VIP nilang kaklase.

Nang hindi makuntento ay malakas niyang pinalo ang desk, dahilan para matigil ang lahat sa kani-kaniyang ginagawa. Naramdaman niya ang mga mata ng kaklaseng nakatutok sa kaniya, inaantay ang kaniyang paliwanag sa paggambala sa mga ito. But she was not in the mood to give a damn. She was tired from decorating the room for a person she doesn't even know. And for a reason she wouldn't even want to hear, that VIP classmate of them was late! "Ang tagal naman ng na baguhan na 'yan! Kanina pa tayo naghihintay, nakakainis na! Nagugu--"

Naputol ang pagdadrama niya dahil sa biglang pagsigaw ng mga kababaihan at mga nangangarap maging babae. Napapikit siya at naikuyon ang mga palad dahil sa lakas ng boses ng mga ito. Hindi man niya makita ang mukha niya ay sigurado siyang daig pa niya ang kumain ng bagong pitas na kalamansi.

"Uy! Anong itsura ko? Do I look good?" narinig niyang sabi ng isa sa mga kaklase matapos ang nakaririnding sigawan.

"Maayos ka pa naman, basta ako maganda ako!" sagot naman ng isa.

"Maganda ka nga, papansinin ka ba?" Iminulat niya ang kaniyang mga mata nang marinig ang kumento ni Charm. Sa kabila ng pagkainis sa paghihintay kanina ay napangiti pa rin siya sa direktang tanong nito.

"Kesa naman sa papansin na nga pangit pa!" singit din niya bago padabog na naupo. Muli siyang napairap dahil sa ingay. Kagatin ko sila e! bulong niya sa sarili. Ay, Wag na pala, nakakabobo raw kasi ang pagkagat sa malandi at nakakabaho ng hininga ang pagkain ng mga pangit, bawi niya sa naunang sinabi.

Navi didn't bother looking at the door. Her irritation was too great to be curious about the new student. She just wants to get this over with as so she could leave already. She had better plans to do than wasting her time on this nonsense. She placed her head on her arms that were resting on the armchair and closed her eyes.

"Settle down, people. You were informed by your president that you will have a new classmate. Now is the time for you, guys, to meet him. Mr. Lagdameo, you may now enter the room and introduce yourself to the class."

Navi gritted her teeth when feminine noise once again aggravated her eardrums. Sino ba 'yang hudyong baguhan na yan para kabaliwan ng mga babae? Bwisit a! She cleched her fists then held her head up. Ganun na ba-- Biglang natigilan ang utak niya sa pag-iisip nang magsalubong ang kanilang mga tingin ng lalaking nakatayo sa podium. Para bang ginawang yelo ng asul na mga mata nito ang lahat ng kaniyang dapat sabihin.

Soulmate, Dream guy, or Knight in shining armor (Tag-Lish)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα