"Child abuse your face," said Leo as he chuckled. Si Leo iyong pader na tumapik sa noo niya. Parte rin siya ng barkada nila.

Inirapan naman niya ito kaya tumigil na sa pagtawa. "Ano bang kailangan mo?" tanong niya habang masama pa rin ang timpla ng mukha.

He smirked. "E, ikaw? Ba't ka ba tumatakbo? Parang may gusto namang humabol sayo!" natatawang pang-aasar pa nito. Isa si Leo sa mga hinahangaan ng mga babae sa kanilang paaralan. Matangkad kasi ito, maputi, at singkit ang mga matang natatakpan ng salamin. Sa lahat ng mga kaibigan niyang lalaki ay ito ang pinakamapang-asar at palakaibigan. Ngunit sa kabila ng makulit nitong personalidad ay isang seryoso at matalinong pag-iisip.

Binatukan niya ito. "Ako po kasi ang naunang nagtanong 'di ba?"

Sumeryoso na si Leo ng mukha. "Nakita mo ba nanay mo?"

Bigla siyang napangisi sa tanong nito. Tama kasi siya ng hinala, ang nililigawan nitong si Hazel ang sadya nito sa kaniya. Si Leo kasi ang tinatawag niyang "tatay" sa barkada nila at si Hazel naman ang kaniyang "nanay". Upang makabawi sa pang-aasar nito kanina ay sinagot niya ito nang pabalang. "Ay, nasa Manila si mommy, my inaasikaso. Bakit? Miss mo na siya? Wow naman! Feeling mo ikaw ang anak? Imbyerna, gano'n?" nang-aasar na sabi niya rito na ang tininutukoy ako ay ang tunay niyang ina.

Napakunot ang mga noo ni Leo nang maunawaan ang ibig niyang sabihin. "Ikinasaya mo naman iyon, anak?" sarkastikong tanong nito sa kaniya.

Nawala ang mga ngiti ni Navi. "Hindi pa, 'tay. Bakit ganoon? Ako na nga ang nagmahal ako pa ang nasaktan?" sumbong niya rito, hindi mawari kung saan nanggaling ang litanya.

Ito naman ang bumatok sa kaniya. "Umayos ka nga!" natatawang sabi ni Leo, hindi kasi sanay itong maringgan ng ganoon ang kaibigan.

Natawa na rin siya at nagpasiyang aayusin na ang susunod na sagot. Pangalawang pananakit na ni Leo iyon, baka makatatlo pa 'to. "Pero syempre joke ko lang iyon, Ama! Anyway, malay ko kung asan iyon. Survalance camera ba ako ng school? Tanungan ng mga nawawala? Ahah! Baka nanlalaki!"

She grinned when she saw his face darken. "Okdot. Wala kang kuwentang kausap," sabi pa nito saka tumalikod na at naglakad palayo. Umiiling siyang natawa sa reaksiyong nito. Hindi na siya nag-abalang habulin pa ito at magpaliwanag dahil alam niyang naintindihan na nito ang ibig niyang sabihin.

Naglakad na lamang siya patungo sa orihinal na destinasiyon. Pagdaan niya sa main bulletin board, napansin niyang nagkukumpulan ang mga estudyante roon. Whatever! I-a-anounce rin naman mamaya e. Kaya ba't ko pa titignan? sagot niya sa sariling kiyoryosidad habang patuloy na naglalakad nang nakatingin pa rin sa mga tao sa bulletin.

Bigla siyang napahinto at napahawak sa nananakit niyang noo nang may makabanggaan. Aray ko naman! Antigas naman ng katawan ng taong to! Monster ba ito? Bato? Simento? Bakal? Epal? Ang Kapal? Sakit sa ilong! pagda-drama pa sa sarili.

"OUCH! Will you look at your way?!" sabi ng nakabanggaan. Bigla siyang sinaniban ng inis sa narinig. Kung makapagsalita kasi ito ay parang ito lang ang nasaktan, na parang siya lang ang may kasalanan. "Hey! Hindi ka ba nakakaintindi ng English? Sabi ko tignan mo ang dinaraanan mo!" nang-iinsultong dagdag pa ng hinayupak.

Nagpintig ang mga taenga niya sa sinabi nito. Seriously, siya na nga itong nakabunggo sa akin siya pa ang may ganang magalit? E, kung i-umpog ko kaya siya sa balusters ng corridor para may patutunguhan ang galit niya? Inis na tumingin siya sa nakabanggaan. Ngunit napakalakas yata ng hatak ng gravity dahil pag-angat niya ng kaniyang mukha, ay sakto namang yumuko ito nang bahagya kaya naman nagkauntugan sila.

"Ano ba yan! Ang shonga mo naman!" naiiyak na daing niya rito, natabunan na ng sakit ang inis.

"Ako pa ngayon ang tanga? Ikaw kaya itong hindi tumitingin sa dinaraanan kanina," naiirita namang sagot nito.

Soulmate, Dream guy, or Knight in shining armor (Tag-Lish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon