Liar 15: Confusion

Magsimula sa umpisa
                                    

Isa sa mga iyon ay ang pag-babantay ko nang palihim kay Cassidee dahil hindi naman ito magiging Yobbo Heiress nang basta basta lamang. Alam ni Incess ang mga risk nang pagbalik niya dito sa Pilipinas, at isa na nga ang Empire doon.

Habang nasa unit ako ng condominium ko, palakad palakad ako. Kinakabahan kasi ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko nga din alam kung bakit ako lamang ang kinokontak ni Incess sa amin. Masyado kasing magulo ang lahat.

Para medyo mapakalma ko ang sarili ko, umalis muna ako at pumunta sa katapat na café ng condo. Bumili muna ako ng hot chocolate, para naman medyo kumalma ako. Nanatili muna ako doon, pagkatapos bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Noong una nag-takha ako dahil unregistered number ang nakita ko sa screen.

Subalit parang bigla akong pinasadahan nang matinding kaba dahil bigla kong napag-tanto na maaring si Incess ito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng minuto at sinagot ang tawag. "H-Hello?" Kinakabahang pambungad ko.

"Annicka." Para kusang kumilos ang katawan ko at napatayo na lamang ako. Muntik na din matapon ang hot chocolate na iniinom ko dahil sa nakakatakot na boses na iyon. Hindi lamang iyon... Nagulat din ako kung bakit siya tumawag sa akin.

"N-Nate..." Bakit? Anong meron? Akala ko ba galit siya sa amin? Akala ko ba kinamumuhian niya kami? Mas nakadagdag sa kaba ko ang hindi niya agad pag-sasalita sa kabilang linya at tanging paghinga lamang niya ang naririnig ko.

"B-Bakit? Anong mayroon? A—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko noong putulin niya ito. "Listen carefully." Ang tapang noong boses niya, na para bang kahit labag sa loob mo susunod at susunod ka sa sasabihin niya dahil sa takot.

"Save her no matter what. Save her." Napuno ng pagkalito ang utak ko dahil sa sinabi niya. Gustuhin ko mang mag-salita, tila walang lumalabas na boses sa bibig ko dahil hindi ko alam kung anong iisipin ko at idagdag mo pa ang mabilis na tibok ng puso ko.

Magtatanong na sana ako, naka-awang na ang mga labi ko upang mag-salita subalit bigla ko na lamang narinig ang end tone. I was in daze, I was not bale to move a bit. Punong puno ako nagpagtataka sa ilang minuto at makalipas ang ilang sandali, marahan na lamang ulit akong napa-upo sa kinauupuan ko kanina.

Hindi ko man alam ang pinatutungkulan niya sa binanggit o inutos niya kanina, nakasisigurado akong seryoso ito. "Save her no matter what. Save her." His firm voice lingered inside my head.

I tried to contact him again using the unregistered number he used, but it was no use. Lagi na lamang isang tinig ng babae ang naririnig ko doon at sinasabi nito na hindi naman nag-e-exist ang number na tinatawagan ko. Tila ba sa isang iglap nawala ang kahit anong marka noong number na iyon.

Matapos ang pangyayaring iyon. Nakatulala at wala sa sarili akong naglakad pabalik sa condominium. Hindi ko alam pero noong mga sandali talagang iyon, isang panganib na nalalapit ang naramdaman ko.

Mas natakot din ako kay Nate. Simula kasi noon napakatahimik lamang niya na tila walang paki-alam sa nangyayari sa paligid niya at nakakulong lamang siya sa madilim na lugar. Subalit, sa simpleng tawag na ginawa niya kanina... Sumagi sa isip na para siyang si Incess, hindi mo kakikitaan ng kahit anong galaw, subalit nag-sisimula na pala siya sa mapapanganib na atake.

If Incess is mysterious, he's way more than that. Sa ngayon nga, pakiramdam ko may mga matang nakasunod sa akin, at parang kay Nate galing iyon, ngunit wala naman. Dala lamang siguro nang sobrang pag-iisip ko.

Nakaramdam ako hampas ng hangin kaya't napayakap ako sa sarili ko dahil malamig ito. Pinag-masdan ko din ang kalangitan na may kadiliman dahil natatakpan ng ulap ang liwanag ng buwan at walang ganoong bituin.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad noong bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag at sinagot na lamang ito, umaasang si Nate muli iyon. Ngunit... Agad akong napatigil sa paglalakad noong marinig ko ang boses na nagsalita.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon