"Babe, kanina pa ako nagugutom. Hindi mo naman ako tinirhan ng ulam." Tinaas niya yong hawak niyang plastic.

"Eto binili na kita. Nag sandwich at juice lang kaming tatlo kanina kaya walang ulam." Kinuha ko yong hawak niya saka sinalin sa bowl. Adobong pork!

"Babe, halika upo ka rito sa tabi ko." Umupo naman siya. "...subuan kita."

"Ayoko busog pa ako." Sumimangot ako. Ayaw niyang magpasubo. "Jillian, mukha ka na namang bakulaw."

"Babe, kahit isa lang subuhan kita."

"Hay kulet sige na nga." payag na siya kaya sinubuan ko siya.  Dapat ako pala yong sinusubuan pero okay na din. Ang sarap sa pakiramdam kapag ganitong kasama mo ang mahal mo. "Bakit ka naman nakatitig sa akin? Kumain ka na nga."

Bigla akong natigil sa pagiisip ko. Tumango ako saka sumubo ulit. Pagkatapos kong kumain naghugas na ako ng plato. Si babe ko naman pumunta ulit sa likod ng bahay. Mukhang nakakasundo na niya yong magiging hipag niya. Napapangiti tuloy ako.

Paano kaya ako? Matatanggap din kaya ako ng pamilya niya? Umaasa ako, na sana matanggap din nila ako.

"Jill." Napalingon ako sa likuran ko habang nagsasabon ng plato.

"Oh, Wendz?" May dala siyang isang bungkos ng sitaw.

"Alam mo parehas kayong makulit nong Jean. Ang dami niyang tanong!" Asar talaga yong Jean na yon, oh. Malamang dumidiskarte yong bugok na yon dito sa sis ko!

"Huwag mo na lang siyang pansinin."

"Hay naku." Pinatong na niya yong sitaw sa mesa. Papasok na dapat siya sa sala.

"Wendz? Uhmm ayaw mo ba talagang sumama sa akin sa Manila para magkasama na tayo. Nalulungkot ako minsan dahil malayo ka sa akin." Kainis para akong maluluha.

"Jill, ganon din ako nalulungkot din ako kapag naiisip kong malayo ka. Pero ito ang nakasanayan ko na pamumuhay at masaya ako dito kahit mahirap." Sabagay nandito ang mga kamag-anak niya sa side ng mother niya. Nandito ang mga taong nagpapasaya sa kanya.

Itinuloy ko na lang ang paghuhugas ko.

"Pero huwag kang mag-alala. Malay mo balang araw maisipan kong sumama sayo."

"Wendz, maghihintay ako." Tumango siya saka siya pumasok sa sala. Kahit alam kong sinabi niya lang yon para sumaya ako okay lang. Basta hihintayin ko pa rin yong araw na magkasama na kaming dalawa.

.....

Natapos ang bakasiyon namin sa probinsya nila Wendy nang hindi man lang nakakapakitang gilas si Jean kaya natatawa ako. Masungit talaga ang kapatid ko. Buti na lang nakuha ko na yong loob niya at bago kami umalis yumakap muna ako sa kanya saka ako humalik sa pisngi niya. Akala ko nga yayakap din niya ako kaso pinitik lang niya 'tong ilong ko.

Naiinis ako mapa-babe ko o si Wendy ilong ko palagi ang pinanggigigilan nila!

"Jill, naiinis ako!" Si Jean habang nasa biyahe na kami pabalik ng Manila.

"Bakit ba? Ang ingay ingay mo!" Nasa tapat ko siya.

"Ang sungit ng kapatid mo. Hahanap na lang ako ng iba yong hindi masungit." Natawa ako sa sinabi niya. Suko agad? Pero mas okay na yon. Yumakap na lang ako dito sa babe ko na nakikinig ng music sa MP3 niya.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now