Chapter 24

102K 1.2K 109
                                    

Jillian Fuentes



Mabilis lumipas ang weekend. Natutuwa ako dahil pareho kong nakasama si Dad at si Anne. Pero bumalik na si Dad sa America hindi na niya ako masasamahan sa balak ko na puntahan yong half-sister ko. Ganon pa man masaya ako kahit ilang days lang siya rito sa Pilipinas pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako at lalo na tanggap niya ang pagkatao ko at si Anne tanggap din niya.

"Jill, tara na!" si Jo. May laro kami ngayon. Isa-isa na kaming lumabas papuntang court. Grabe ang daming tao rito sa Sports Arena. Hinanap ko agad si Anne, ayon nasa 2nd row siya.

Nakatingin siya sa akin kaya kinawayan ko siya. Tinaas ko ang kamay ko para makita niya ako kaso lahat ng katabi niya ay nagsitayuan at kumaway sa akin. Akala ata nila sila ang kinakawayan ko. Hindi nila alam na katabi nila yong girlfriend ko. Ayiiiee!

"Hoy, Jill!"

Biglang naputol yong pagiisip ko. Tinatawag na pala ako ng mga teammates ko. Dali-dali akong tumakbo papuntang side court kung asan sila nakapwesto.

Bago magsimula yong game warm-up muna kami. Habang pinapatalbog ko itong bola ay biglang naghiyawan ang mga audience. Akala ko may celebrity na commentator dahil semi-finals na, pero mali ako ng akala dahil sa akin pala nakatutok ang camera. Napangiti tuloy ako. Sana pinapanood ako ng babe ko.

"Hoy Jill, baliw!" si Jean. Pansin siguro niya na ngumingiti ako magisa. Nakakatuwa dahil pinayagan na siyang makapaglaro ngayong semis pagkatapos ng incident ng pananaksak sa kanya. Madalas kasama namin siya sa meeting at practice pero hinay-hinay lang siya noon pero ngayon ay kaya na niya.

"Oh, bakit?"

"Ngumingiti ka magisa hagip na hagip ka ng camera baka mamaya sabihin nilang may baliw sa team." natatawa niyang saad.

"Inggit ka lang kasi walang nagpapangiti sayo."

"Ano ka ba, seryoso na ako ngayon. Si Hanna na lang talaga ang mamahalin ko at siya ang nagpapangiti sa akin."

"Hanna?"

Tumango tango siya. Sino naman si Hanna? Akala ko si Chloe ang GF niya at may Abby pa siya. Para naman siyang mauubusan ng babae.

Bumalik na kami sa side-court at tumayo na kaming lahat. Tatawagin na ang 1st six. Siguradong matinding laban 'to pero hindi naman ako kinakabahan dahil malaki ang kompiyansa ko na mananalo kami ngayon. Naunang tinawag ang 1st six ng kabilang team bago kami. At nagsimula na ang game, natalo kami sa first set. Parang nawawala kasi ang concentration ko. Palo ako ng palo ng bola kaso lagi nilang nasasalo.

Ayokong biguin yong mga supporters namin kaya 2nd set hanggang 4th set ay ginalingan na namin. Natapos ang 1st game at nanalo kami.

Syempre ayokong mapahiya sa babe ko.

Tatakbo na sana ako palabas ng Arena kaso may interview pa pala ako dahil sabi nila ako ang best player.

Ihahatid ko pa ang babe ko, eh.

Binilisan ko na lang ang sumagot at magsalita nong iniinterview na ako. Halatang nagmamadali tuloy ako. After ng interview kinuha ko na yong body bag ko at pinalitan ko lang ang pantaas na uniform ko. Nag-Tshirt lang ako saka jacket. Nagmamadali ako kasi ayokong maghintay ng matagal ang babe ko sa labas.

Paglabas ko ng Arena hinanap ko siya agad.

"Congrats!"

Napangiti ako sabay harap sa bumati sa akin. Boses pa lang niya ay parang kinikiliti na yong ano ko. Hala, ang bastos ko!

"Sorry pinaghintay kita ng matagal."

"Hindi naman." sabi niya sabay ngiti. Swerte ko talaga ang ganda ng girlfriend ko.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now