Chapter 23

98.5K 1.3K 139
                                    



Jillian Fuentes




Dumiretso na kami rito sa school pagkagaling ng resort. Napahikab at napapapikit ako habang naglalakad papuntang classroom. Kahit si Anne ay mukhang inaantok din.

Si Jean nasa sasakyan pa. Sina Jo at si Ms. Jack naman nauna na sa amin. Mukha tuloy kaming zombies sa itsura namin.

"Babe?"

Kinalabit ko ang balikat niya.

"Hmm?"

"Pwede mo ba akong buhatin papuntang room? Inaantok talaga ako, eh"

"Hmp! Gumapang ka na lang."

Sungit pa rin! Pero yong mata niya halatang napapapikit. Binilisan kong maglakad, naiwan tuloy siya.

"Jillian, wait mo ko!"

Napangiti ako dahil binilisan din niyang maglakad. Akalain mo hahabulin din niya ako.

".....gusto ko pa talaga matulog." sabi niya nong maabutan niya ako saka siya humawak sa damit ko.

"Tara babe absent na lang tayo?"

"Baliw may quiz tayo ngayon."

Ay Oo nga pala! Patay hindi ako nakareview. Paano kapag na-zero ako? Di bale madalas ko naman natsatsambahan yong mga tamang sagot.

Pumasok na kami ng classroom saka umupo. Nagstart na rin ang klase namin. Si Ms. Jack ang teacher namin dito sa first subject. Yay! Di halatang pagod, siguro dahil todo ang make-up niya.

Nilingon ko yong dalawa.

Si Jean bangenge, si Jo naman nakatingin lang sa pinakamamahal niyang teacher. Napapailing ako kapag naalala ko yong ginawa nila sa kwarto kahit andon din kami ni Anne. Mukhang iiyak talaga ang babe ko nong hindi siya makaihi sa banyo dahil doon gumagawa ng milagro si teacher at si Jo.

Hindi kaya maging pervert na tong kaibigan ko? tsk tsk!

Ako kaya, kelan kaya ako pagbibigyan ng babe ko? Kamot na lang ako sa gilid ng kilay ko. Parang ayaw naman niya akong pagbiyan. Asar!

Saglit! May Naalala ko.

Napatingin ako sa babe ko. Tumingin din siya sa akin saka siya nagtaas ng kilay.

Napalunok ako.

Sabi niya hindi raw niya pinagbigyan yong mga naging BF niya noon. Napangiti ako at nakagat ang lower lip ko.

Ibig sabihin, ayieee! Virgin pa siya!

Well hindi naman yon mahalaga sa akin. Virgin man o hindi basta mahal ko siya. Pero iba sa pakiramdam nang malaman ko na wala pang nakaka-una sa kanya.

Para tuloy akong naka-jackpot nito.

Natapos ang mga quizzes at klase namin buong maghapon kaya sa wakas uuwi na kami at matutulog na. Yehey!

"Jillian, uwi na tayo."

"Hmm?" bakit ngiting-ngiti ang babe ko? Naglakad na kami papuntang kotse habang nagte-text siya.

"Nasa apartment si Nanay." sabi niya saka binulsa yong phone niya.

"Oh? Sige bilisan natin!" kaya pala ngiting ngiti siya.

Sumakay kami ng kotse, at dito sa tabi ng kalsada na katapat ng apartment niya ay iniwan ko itong sasakyan.

"Nay!" halos tumalon sa tuwa ang babe ko saka siya nagmano.

"Aba Jillian?" bati ng Nanay namin nong makita ako.

"Magandang hapon po, Nay" bati ko sa kanya saka ako nagmano.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα