Chapter 3

86K 1.4K 22
                                    


Jillian Fuentes

Katatapos lang ng practice namin. Andito kami sa fast food restaurant, kasama ko si Jean at si Jo. Napapangiti ako kapag naaalala ko yong sinabi ni Anne

Kilala daw nya ako, kinikilig na agad ako.

"Woi!" si Jo.

"Hmm?" tumingin ako sa kanya sabay kagat sa burger.

"Baliw ka na." halos pabulong lang ang pagkasabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ang sarap ng buuur..ge..er"! halos magkandabulol ako sa pag salita. Paano naman kasi punong puno ang bibig ko.

Sabay pa silang tumawa ni Jean.

"Tinamaan ka ata ni kupido, ah." si Jean.

Kunyari hindi ko narinig yong sinabi niya. Subo lang ako ng subo, french fries naman. Hindi ko kasi maalis sa isip ko si Anne.

"Come on Jill we know you. Unang kita mo pa lang kay Anne laglag na yang panty mo." halos maibuga ko yong kinakain ko sa sinabi ni Jean. Lahat ng kilos ko nababasa nila, nakakatakot 'tong dalawang 'to!

Kahit sinungitan ako ni Anne okay lang happy pa rin ako. Hindi ako naniniwala sa Love at first sight, pero ewan ko ba ang lakas ng sex appeal niya. Sexy at ang ganda niya.

"Jean, nabuang na 'to. Tingnan mo naman nginingitian na niya yong french fries na hawak niya."si Jo.

"Hoy, Jill. In love ka ba o sira-ulo ka na? Para kang tanga, kakain lang ng french fries ngumingiti pa."

"Ano ba! Nag-e-enjoy lang ako sa kinakain ko. Parang ito na ang pinakamasarap na burger at french fries na nakain ko."

"Nasa Mc donalds lang tayo Jill, ano bang pinagsasabi mo."

"Hayaan na natin, Jo. First time ata makakita ng tao."

Hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko dahil crush ko si Anne.

Inubos ko na ang pagkain ko saka kami lumabas.

"Magkita kita na lang tayo bukas. Hoy, Jill. Matulog ka, ha. Baka mamaya may hinuhubaran ka na sa isip mo."

Natawa ako rito kay Jean.

"Sira! Mag-ingat kayo pag-uwi."paalam ko sa kanila.

Nagsiuwian na kaming tatlo.

Pagdating ko naman ng bahay mabilis akong naligo saka humiga after ko magpatuyo ng buhok. Ang sarap matulog lalo na kapag ganitong masaya ka.

Kinaumagahan nagising ako ng maaga.

Tumingin ako sa wall clock 5 AM na kaya bumangon na ako at magjo-jogging pa ako.
Ganito talaga ako pag masaya,nagjo-jogging!

Nagpapawis lang ako para naman mapanatili kong fit ang katawan ko.

Mabilis lumipas ang araw at ang nakakairita hindi man lang ako pinapansin ni Anne. Paano naman kapag alam nyang lalapit na ako ay lalayo naman siya. Isnabera talaga!

"Hoy Jill!" sigaw sakin ni Jo. "Uh!" Ngumuso siya. Nasa harapan ng classroom namin yong mga astigin na mga Women's basket ball players, mayayabang sila kasi sila din ang defending champion.

Di bale hindi naman sila kasing ganda namin, mukha silang mga maton! Kahit iisang University lang kami pinipilit nilang i-down kami dahil gusto nila sila lang ang sikat at magagaling. Well, sorry na lang sila dahil nandito pa ako.

"Hey,"ang sabi ng Captain nila. Tumaas ang isang kilay ko, sabi ko na nga ba't papasok tong mga ito dito sa loob ng classroom namin.

Hindi ko siya pinansin kunyari busy ako sa paggamit ng phone. Ayokong patulan ang mga 'to. Pero sinipa niya ang paa ko!

Forbidden Flower | Jillian Fuentes Book 1 (GXG) ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora