Chapter 5

85K 1.5K 114
                                    


Jillian Fuentes

Pauwi na ako after ko ihatid si Anne sa apartment niya pero bakit kaya siya tumakbo kanina? Hinalikan ko lang naman yong pisngi niya, eh. Masama ba yon? Para sa akin normal lang kasi yon. Hindi kaya mas lalo niya akong iwasan? Huwag naman sana.

Andito na ako sa kuwarto ko. Manunood na lang ako ng movie.

Oops tumatawag si Jean! Sinagot ko ang call niya.

"Hello?"

["Jill, nasaan ka ngayon? Hindi mo sinasagot ang mga text ko."] Oo nga pala hindi ko pa binabasa ang mga text sa CP ko.

"Guess what Jean."

["What?"]

"Nagdate kami ni Anne, nagdinner kami kanina." Super ngiti talaga ako.

["Really? Alam ba niyang date yon?"]

"Uhm hindi, kinidnap ko lang siya para sumama sakin."

["Baliw!"] natatawang saad niya. Alam niyang nababaliw na naman ako sa isang babae.

"Nasaan ka ba? Bakit ka tumawag?"

["Uhm Oo nga pala bukas ng gabi labas tayo para magrelax Friday naman, eh. What do you think? Para maayos ko na ngayon."]

"Okay sasama ako. Uhm, pwede ba akong magsama?"

["Sure basta willing siyang sumama."]

Yes! kailangan kong mapilit si Anne.

["Thanks, Jean."]

Nagpaalam na ako sa kanya at ibinaba na ang call. Ipinagpatuloy ko ang panunood. Magpupuyat ako ngayon dahil Friday naman bukas. Pero hindi ako makapag-focus sa pinapanood ko. Iniisip ko kung paano ko kaya maisasama si Anne sa lakad namin bukas? Siguradong iirapan lang ako no'n.

Sumasakit na at naluluha na ang mga mata ko sa panunuod. Pagtingin ko sa orasan 2:04 am na kaya humiga na ako at hindi ko na namalayang nakatulog ako.

•••

NAGDA-DRIVE ako papuntang school. Inaantok pa talaga ako. Mukhang kailangan kong magkape.

Pag park ko palang ng kotse ko ang dami nang sumalubong na estudyante sa akin karamihan freshmen, alam ko dahil sa kulay ng I.D. lace nila. Magpapapicture at authograph ganon naman palagi. Halos araw araw ganito ang eksena. Natutuwa ako syempre kaya pinagbigyan ko na sila. Pagkatapos ay pumunta ako ng canteen para bumili ng kape, maaga pa kaya may oras pa na makapag relax ako.

"Hi Jill." palabas na ako ng canteen may hawak akong kape nong batiin ako ni Jeffrey, isa sa mga masugid na manliligaw ko kahit ilang beses ko nang binasted ayaw talaga akong tantanan. Senior student siya, nginitian ko lang after kong humigop ng kape.

"Jill ang ganda mo!" sigaw niya nong paalis na ko at kailangan ko nang pumunta ng room namin. Nilingon ko siya.

"Ikaw din Jeffrey! Ang ganda mo!" kinindatan ko siya saka ko siya nginitian. Natatawa ako sa sinabi ko sa kanya. Pagpasok ko ng classroom hinanap agad ng mga mata ko si Anne. Ayon siya!

Wala pang nakaupo sa tabi niya kaya pagkakataon ko na.

Uupo na dapat si Kenneth isa sa mga kaklase namin kaya hinagis ko agad yong bag ko sa upuan. Eksakto naman ang pagkahagis ko.

"Ako diyan Kenneth!" sabi ko kaya naghanap siya ng ibang mauupuan niya. Nakalimutan ko andon pala yong cp ko sa loob ng bag, baka nabasag na.

"Hi Anne." bati ko sa kanya.

"Hi Jillian."

Wow binati niya ako pero hindi siya tumingin sa akin. Okay lang. At least pinansin niya ako.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now