Chapter 12

66.5K 1.1K 36
                                    



Jillian Fuentes

Badtrip! Akala ko masaya na bigla namang litaw ng Rhen na 'to na bestfriend ni Anne. Tapos ako kaibigan lang?!

"Best okay lang ba dadalaw ako sa bahay niyo bukas?"

"Sure, best."

"Sige bukas na lang. Enjoy kayo."

"Okay, sige."

Kainis nagseselos ako. Lalaki ang bestfriend niya. Halata namang may gusto ito sa kanya.

"Jillian tara bili tayo ng bibingka."

Sumunod na lang ako at bumili kami ng bibingka saka kumain.

"Bakit parang  ang tahimik mo?" tanong niya habang kumakain kami.

"Hindi ah, ano pa ang gusto mong bilhin?"

"Hmm wala naman na, gusto mo ba maglakad-lakad muna tayo?"

"Okay."

"Bakit nakasimangot ka?"

Syete nahahalata talaga niya, hindi ko kasi maiwasang magselos sa bestfriend niya.

"Hindi naman ako nakasimangot."sagot ko saka pili akong ngumiti.

Madaling araw na kami nakauwi. Tuwang tuwa yong dalawang sis niya halos ayaw umuwi. Dumiretso na kami sa kwarto pagpasok namin dito sa bahay nila. Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis humiga na ako at nagtakip ng unan sa mukha.

"Jillian?"tawag niya sa akin saka niya inalis yong unan na nakatakip sa mukha ko.

"Bakit?"

"Ang tahimik mo."

"Masanay ka na."

"Ayoko."

"Ano pala ang gusto mo?"

"May problema ba?"

"Wala naman, ikaw may problema ka?"

"Pilosopo ka."

Humiga na rin siya. Ayokong umimik, hindi ako masaya na makita ang bestfriend niya tapos dadalaw pa raw dito sa bahay nila.

"Jillian?"

"Hmm?"

"Hindi mo ba ako yayakapin?"

"Ayoko baka pagsamantalahan mo ko."

"Kapal mo!"

"Miss mo ba ang yakap ko?" bulong ko sa kanya.

"Matutulog na ako."sabi niya at tumalikod na siya.

Hinawakan ko siya sa bewang saka ko siya hinila palapit sa akin.

"Kunyari ka pa, dali na yakapin kita, babe."

Hindi naman siya nagpakipot pa.  Magkayakap kaming natulog.

...

"Jillian gising na."

Alam kong boses ni Anne ang gumigising sa akin.

"Mmmm." Nag inat ako.

"Tumayo ka na."

Naramdaman ko siyang umupo rito sa tabi ko at niyugyog niya ang balikat ko.

"Anong oras na?"tanong ko.

"6:00 AM."

"Bakit ang aga?"

"Ganito dito sa probinsya.''

Sa totoo lang tamad na tamad akong bumangon.

Pero wala akong magawa dahil ang babe ko na ang gumigising sa akin. Pag bangon ko napansin ko medyo madilim pa. Three hours lang ata yong tulog namin. Ilang minuto pa bago ako tuluyan na tumayo at kasabay ko siya na nagtungo sa kusina.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now