Chapter 28

67.2K 1.1K 122
                                    

Jillian Fuentes




Napangiti ako paggising ko dahil okay na lahat, naayos ko kagabi. At mamaya pagkatapos ng klase namin ay su-surpresahin ko ang babe ko.

Habang nagre-ready ako para sa pagpasok sa school ay nakatanggap ako ng message mula kay Anne.

["Sa school na lang tayo magkita."]

Maaga atang pumasok ang babe ko. Nang makabihis ako ay nagpunta na ako sa kotse saka ako nagbyahe papuntang school hanggang sa makarating ako. Kasabay kong dumating yong dalawa, si Jean at saka si Jo.

"Happy monthsary, babe." bati ni Jean sa akin. Natatawa tuloy ako.

"Goodluck mamaya, sa date niyo." si Jo saka niya ako inakbayan, niyakap ko naman siya.

"Thanks sa inyong dalawa."

Pumasok na kami dito sa classroom. Nakita ko agad ang babe ko.

"Goodmorning babe, happy monthsary." bulong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin saka siya ngumiti.

"Ganon din sayo, Jillian."

"Babe, umiyak ka ba?" Parang namamaga yong mga mata niya.

"Hindi." sagot niya saka siya umiwas ng tingin.

Pumasok na yong Prof namin kaya hindi ko na siya nakausap masiyado. Habang nagdidiscuss yong Prof nag-i-imagine naman ako. Excited na ako para sa date namin mamaya.

"Babe, mamaya may dinner tayo ipapasundo kita mamayang gabi ng 6 o' clock." sabi ko nong tumayo na kaming lahat dahil natapos na lahat ng klase.

"Okay." sabi niya saka siya ngumiti.

Yes!

Pero mukhang malungkot ang babe ko, di bale pasasayahin ko siya mamaya. Hinatid ko muna siya sa apartment niya saka ako umuwi para magbihis, direcho sana ako ng yacht pero mas komportable ako kung sa bahay na lang ako magbibihis.

Pagdating ko ng bahay ay naligo na ako saka sinuot yong kulay green na dress. Naglagay ng konting perfume saka lipstick. Ready na ako! Lumabas na ako ng bahay saka pumasok ng kotse. Ilang minutes lang ang biyahe ko papuntang Manila Bay.

Isa sa mga nagmamay-ari ng pinakamalaking yacht club dito sa bansa ay ang pamilya ni Jean. Swerte ko dahil bagong yacht ang pinareserved niya para sa date namin ni Anne. Sabagay usapan talaga namin yon kasi tinulungan ko siya na itakas si Abby, yong isang girlfriend niya.

Pagdating ko ng Manila bay ay umakyat na ako ng yacht. Isang crew ang sumalubong sa akin saka ako ginuide papuntang Master cabin. May malaking kama at kumpleto sa gamit. May ref at TV.

Paglapit ko dito sa bed ay may nakapatong na bouquet ng red rose. Bilib na ako sa dalawa. Idea nilang lahat 'to. Pumunta ako dito sa cockpit area. Dapat mga 6:30PM nandito na si Anne. Pinasundo ko na lang siya kay Mang Tony yong driver namin.

Umupo na ako. May redwine at mukhang may manghaharana pa.

"Goodevening, Mam Jill." sabi ng isang may hawak ng saxophone saka niya sinimulang tugtugin yong How do I live without you.

Napangiti tuloy ako.

Napatingin ako sa relo ko 6:35 na wala pa rin sila. Sinubukan kong tawagan si Anne pero unattended. Bigla na lang akong kinabahan. Sinubukan kong tawaga si Mang Tony. Ayon nagriring ang phone niya!

["Hello, Mam Jill."]

"Manong nasan na po kayo?"

["Mam, andito pa rin ako sa tapat ng apartment ni Miss Anne kaso walang tao, eh. Hinihintay ko lang baka lumabas lang saglit."]

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now