Chapter 21

99.1K 1.4K 211
                                    




Jillian Fuentes



Hindi ko mapigil ang ngiti ko habang naglalakad ako papuntang school dahil kami na ng babe ko. Hindi ko akalaing sasabihin din niya ang salitang I love you sa akin at hanggang ngayon kinikilig ako.

Kailangan ko nang bilisan maglakad baka malate ako. May one hour practice kami this morning dahil malapit na ang semi-finals.

Hindi nawawala ang ngiti ko, inspired talaga ako.

"Jean, Jo!" tawag ko sa dalawa nang makita ko silang naglalakad papuntang gymnasium. Huminto sila at lumingon sa akin. Tumakbo na ako palapit sa kanila.

"Ang aga niyo, ah." sabi ko saka ako humalik sa mga pisngi nila.

"Walangya ka, hindi ka man lang tumawag. Nag-aalala kami kay Anne." saad ni Jean.

"Musta si Anne?" tanong naman ni Jo na halatang nag-aalala rin.

"Sinong Anne? Yong babe ko o yong girlfriend ko?"

Literal na napanganga sila.

"Kayo na?!" hindi makapaniwalang tanong ni Jean, sabay hampas sa akin ng bag niya.

Natatawa tuloy ako. Halatang hindi sila makapaghintay sa sagot ko.

"Uhm...." nakangiti akong tumango. Halatang natutuwa rin sila. Kulang na lang masubsob kaming tatlo dahil niyakap nila ako sabay angkas ni Jo sa likod ko.

Ang kukulit naming tatlo, eh.

"Uy tama na! Mamaya after ng practice i-kwento ko kung paano kami nagkaaminan. Malilate na tayo. Tara!"

Tumakbo na kami papunta sa gymnasium at nagsimulang magpractice.

Lumipas ang isang oras, natapos na ang practice namin at nagpalit na rin kami ng mga suot na damit dahil basa ng pawis. Umupo muna kami rito sa bench na malapit sa classroom. Habang nagpapahinga ay nakwento ko sa kanila kung paano naging kami ni Anne. Nalaman ko rin sa kanila na halos magwala si Tiffany dahil iniwan ko siya at pinili kong habulin si Anne, buti na lang daw naawat siya nila Arvie.

After ng kwemtuhan ay tumayo na kami at nagpunta na sa classroom. Makikita ko na girlfriend ko.

"Parang baliw na naman tong isa ngiti nang ngiti!" si Jo habang iiling-iling.

"Jo, ganyan talaga kapag in love. Palibhasa hindi ka pa nai-in love." pagtatanggol sa akin ni Jean. Akala mo naman na-in love na siya ng totoo, eh isa siyang babaero.

Sumilip kami rito sa classroom pero wala pa yong Prof namin pumasok na yong dalawa at umupo na, ako naman dahan-dahan akong naglakad hinihintay ko siyang tumingin sa akin. Nakayuko lang siya habang nagsusulat.

Sino?

Syempre yong girlfriend ko.

Humakbang pa ako ng isa at ayon tumingin siya sa akin. Napangiti ako at nakangiti rin siya sa akin. Grabe ngiti palang niya tunaw na tunaw na ako. Umupo na ako rito sa tabi niya.

"Hi, babe." bulong ko sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya habang nakadikit yong dulo ng ballpen sa gilid ng lips niya. Ang cute!

"Nagextend kasi kami ng 30 minutes sa practice."

Tumango siya.

"I love you." sabi ko pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Hindi siya sumagot basta ngumiti lang siya. Ang sweet ng ngiti niya kita ko na naman yong mga dimples niya.

Dumating na rin yong Prof. namin at nagsimula na ang nakakaantok na discussions. After ng morning class diretso na kami ng babe ko sa canteen.

"Babe, anong gusto mong lunch?"

Forbidden Flower | Jillian Fuentes Book 1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now