"Tuturuan ka ba ni dad na mag drive niyan?" Tanong niya sa akin.

Marunong ako ng automatic pero hindi ng manual. Dad told me that he'll teach me. Sabi niya pa ay, mas maganda na marunong din ako mag manual. If you know manual then you'll be good to go.

Ako naman ang gumuhit sa palad niya gamit ang daliri ko.

Humagikgik ako at gumuhit ng ekis.

"He's busy. Don't worry. I'll teach you." Aniya. I'm older than him but sometimes.. I feel like he's older.

"Wag na kaya tayo pumayag?"

Nakuha ni Jerem ang atensyon ko. Tinaasan ko ang kilay ko. Jerem was looking at me so I was bothered. Napatingin ako kay Ate Pin na ang sama ng tingin kay Jerem. Nag kibit balikat nalang ako.

"Scared Jerem? Don't worry akong bahala"

Binatukan nanaman ni Ate Pin si Kuya Jos.

"Sige kuya" napa face palm ako sa sagot ni Jerem. How can they trust Kuya Jos? Kahit naman siya ang pinakamatanda ay siya naman ang nagunguna sa mga kabalastugan.

"Ate? Nasan na ba si Kuya Jayden?" Tanong ni Jess. Kinuha ko ang phone ko at tinext ang kapatid ko.

Pauwi na kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita ang mga lalaking 'yon. Since last period ay hindi ko na sila nakita.

Mabilis naman itong nagreply sakin at napabuntong hininga ako.

"Nasa practice daw. Jess favor, puntahan mo nga sa gym at dalhin mo dito. Uuwi na tayo at kailangan kasabay siya dahil ineexpect tayo ni mommy. Pingutin kung kailangan." Naiinis kong sabi.

"Ayoko ate, ang layo. Let's just leave them." Natawa naman ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Stop that Jess. We can't leave them alone. Walang iwanan diba?" sabi ko at nagbuntong hininga nalang siya. Tumalikod siya at pumasok muli sa loob.

Nasa labas na ako ng school. Hinihintay nalang namin si Mang Kiko, driver namin.

"Need a ride?" Mabilis kong binalingan ang nagsalita. May kotse sa harap ko at sakay nito si Dylan.

No wonder lahat ng taong dumadaan ay napapatigil.

"No I don't" sabi ko at umiwas ng tingin.

Napakagat ako sa labi ko nung bumaba siya sa sasakyan niya. Lumapit siya sakin at hindi ko mapigilang mamangha. How can he be this handsome?

Sanay akong makakita ng good looking men dahil sa mga pinsan ko pero iba siya. It's like he has this charisma that I can't see with other guys.

Maybe I am crazy.

"Loving the view?" this is what I hate about him.

"Hating actually" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

His eyes.. these are my problem. Pag tumitingin siya ay parang laging malalim. It will make you feel na ikaw lang ang nakikita nito but of course I doubt it.

"Manunuod ka ng game bukas?" Tanong niya sakin. Wow, a normal conversation.

"I don't know" sabi ko at ngumisi siya.

"Watch so you'll see how we bounce back and beat your cousin's team" sinamaan ko siya ng tingin. Nakaka sira ng poise at composure itong lalaking to.

Nasisira ang pagkamangha ko sakanya tuwing nagyayabang na siya. Alam naman ng lahat ang kakayahan niya bakit hindi siya magpaka-humble?

Gwapo siya pero ayokong minamaliit niya ang mga pinsan at kaibigan ko.

"Like how they beat you yesterday, Wong?" Nakangisi kong tanong. Nag iba ang expression niya at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. It's my time to smirk.

Sabi nga nila, I may look fragile at the outside pero tiger naman talaga. My sentiments will always be a big deal.

"Pinsan mo nga si Morgan. I hate your guts and I want to do something about that" nag roll eyes ako.

Lumapit siya sakin at pinantayan ang mukha ko. Lumapit pa siya kaya nanlaki ang mga mata ko. Linapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

I can feel his breath in my neck.

"Masyado kang maraming body guard. Mas lalo tuloy akong na cha-challenge." Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

Challenge saan? Sinong body guard ko?

"Jas!" Napalingon ako at nakita ko si Kuya Joseph kasama ang iba pa na palapit.

Sila ang body guard na tinutukoy niya?

Tumalikod siya at nagpamulsa.

"See you soon Jasmine" binigyang daan niya ang pangalan ko. Tumuloy na siya sa kotse niya at mabilis na pinaharurot iyon.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"What did he tell you?" Wala akong masagot sa tanong ni Kuya Jos.

Tinapik ako ni Jayden.

"Ate sinaktan kaba?" Umiling ako. Damn! Bakit ba sila tanong ng tanong?

"Hindi pa" mahina kong sabi. "I mean hindi" sabi ko at ngumiti.

"Ano ba ang sinabi?" Tanong sakin ni Joshua.

"I don't know. I don't actually understand what he is telling me" kung alam niyo lang na masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"Don't go near him again Jas" sabi ni Kuya Jos kaya tumango ako.

Hindi naman ako ang lumalapit. It's just lagi akong natitigilan kaya hindi ako nakakaiwas.

"I know kuya" sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Jayden, Jess let's go. Mauna na kami! Ingat!" Sabi ko nung makita si Mang Kiko na pinarada ang sasakyan namin sa harap.

Nagmadali akong pumasok ng kotse.

"Ate nuod kang game bukas" sabi ni Jayden sakin nung makapasok na siya sa kotse.

"Pati ikaw Jess. Manuod ka" sabi niya kaya tumango si Jessica.

"Of course! Ayusin mo Kuya! Cute pa naman yung mga kalaban niyo pero sainyo pa din ako don't worry." Natatawang sabi ni Jess at nag earphones na.

"Hindi ako" sabi ko.

Hindi ko siya pwede makita. Ayoko siyang makita.

"What? Why? Dahil ba kay Wong?" Napakagat ako sa labi ko at umiling.

Ayokong isipin nila na na-aapektuhan ako ng sobra sobra dahil lang sakanya. Kaka-kilala ko palang sakanya pero sobra na ang epekto niya sa akin.

Hindi ito nakakabuti.

"May sinabi siya sayo no. Ano iyon? Tinakot kaba?" Umiling ako ay ngumiti.

Kita ko na nag-aalala na ang kapatid ko but he don't need to worry.

"Okay I'll watch. For you, I will watch. Wag ka na mag alala okay?" Mukhang namang naniwala na siya sa sinabi ko.

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon