"Hello, Dad?"

(Taejoon, dumeretso ka sa airport. Sunduin mo si Jaehee.)

"WHAT?! Dad?!"

(*toot* *toot* *toot*)

"Dad?! Hello? Dad!"


Ang hilig talagang magbaba ng phone. Sasabihin lang ang gustong sabihin. Nakakainis!

>.<

"Seungri, sa airport."

***

"Sinong sususunduin natin?" tanong ni Seungri.

"Si Jaehee."

"Sino yun?" tanong ulit niya.

"Aish! Wag mo muna akong kausapin, Seungri."

"Eh tatanungin ko lang naman sana kung anong itsura niya eh. Para naman alam ko kung sino yang hinihintay natin, malay natin, dumaan na pala dito."

"Seungri!"

"Hehehe."


15 minutes passed at wala pa ring Jaehee na dumadating.

Ang itsura niya?

Hmm... maganda, maputi, mahaba ang buhok at cute manamit. Basta pag nakakita ako ng ganun, sigurado akong siya na yun!

"Wala ka man lang bang picture niya?"


Kulit talaga. Nilabas ko ang pitaka ko at kinuha ang picture ni Jaehee.

"Ayan!" sabay abot.

"Aba. Ang ganda naman pala! Girlfriend mo?" tanong niya na naman.

"Pwede ba, tumahimik ka muna?"

Ibinalik ko ang wallet ko sa pocket ko at daldal nang daldal si Seungri.

"Ito bang Jaehee na ito eh may kakambal na lalaki?"

"Ha?"

"Sabi ko, may kakambal ba siya? Kasi tingnan mo yang lalaking papalapit sa atin! Kamuk-"

"Ano bang pinagsasab-" Napahinto ako sa pagsasalita.

"Kang Taejoon!" sabi ng lalaking tinutukoy ni Seungri kanina.

TIningnan ko mula ulo hanggang paa.

Maputi.

Boy cut ang buhok.

Naka-damit panglalaki.

Pero cute. >///<

"G-Goo Jaehee?" nauutal kong tanong.

"Correction. It's no longer Jaehee. It's Jay, Jay Dawson." Tapos ngumiti siya.

Kahit ganun yung itsura niya. Pareho pa rin yung ngiti niya. Yung ngiti niyang nagpaibig sa akin.

Anong nangyari sa kanya?

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now