Ch. IX, Prt. IV: Between the lines

510 4 0
                                    

Araw ng sabado, bago ang event na i-ccover nila sa kanilang magazine at pinaghahandaan ito ng husto ng magazine company nina Angelo, Josh, at Simon. Extra effort ang laha sa opisina noon dahil yun nga naman ang tila crowning jewel ng company nila. At lahat ng laman ng issue sa susunod na buwan ay dapat lahat tungkol doon.

"Ok, so tapos na tayo sa usual briefing sa event. Napagusapan narin natin yung changes sa event. May mga questions ba tungkol sa changes?" sabi ni Mindy. Nagkatinginan naman ang lahat ng tao sa loob, tila lahat naghihintay kung may magtatanong. Ng makita ni Mindy na wala ay tinuloy na niya ang last briefing, "Ok. Since everyone got it. Let's move on." sambit ni Mindy at ng pupunta na siya sa next slide ay tinaas ni Angelo ang kamay niya.

Napatingin naman sina Josh at Simon doon, habang si Mindy ay ganun din, "Oh Angelo, ano yun?" tanong ni Mindy.

"Actually Mindy Nag-file ako ng leave doon sa HR a month ago. Kaya hindi ako makakasama bukas." nagulat naman sina Josh noon, ganun din si Mindy. "Kaya kung pwede hanap nalang ako sa ibang photographer sa dito kung sino gusto pumalit muna sakin." dagdag nito.

Nakatingin lang sa kanya si Mindy at tila naglaro ang kanyang mga daliri dahil hindi niya alam ang gagawin. Bumaling naman ang kanyang tingin kay Josh noon at tinanong ito. "Josh, alam mo ba ang tungkol dito?"

"Hindi nga ma'am eh. Nagulat rin ako." sagot ni Josh at halatang nainis siya dahil hindi siya sinabihan ni Angelo.

"Ok, I'll leave it to you kung ano ang gagawin mo diyan." tumungo naman si Josh noon at pumunta na ang tingin ni Mindy kay Angelo, "At ikaw naman Angelo. Bakit ngayon mo lang sinabi yan kung kailan last minute na? I don't like what you just did. Bukas na ang event oh. Nagiisip kaba?" sambit nito kay Angelo.

"Sorry na ma'am. Nawala lang sa isip ko."

"That is not a good excuse." tapos napa-buntong hininga nalang siya. "Anyway, si Josh na ang bahala sayo. Let's move on with the final briefing." pagkatapos noon ay tinuloy na ni Mindy ang briefing.

Lumipas pa ang ilang minuto at natapos na ang briefing. Agad na nagsibalikan sa kanya-kanyang trabaho ang iba pang staff roon, kasama na si Angelo at Simon at ang natira lang sa loob ay ang mga group leader.

Agad rin na sinimulan ni Angelo ang trabaho niya. Di rin nagtagal ay lumabas na ang mga leader ng biglang tawagin ni Josh si Angelo, "Angelo halika, sumunod ka sakin." sabi nito habang naglakad ito palampas sa kanya. Napatingin naman agad si Angelo at huminga ng malalim bago sumunod.

Sa may balcony ng office naghihintay si Josh at ng maramdaman niyang naroon narin si Angelo ay nagsimula na itong magsalita, "What the hell Angelo. Bakit di mo sinabi sakin na nagfile ka pala ng leave para sa araw na yon? Ok lang sana eh, pero wala karin sinabi kay Simon. Sumagot ka." galit na tanong in Josh.

"Katulad nga ng sinabi ko kanina, nawala lang sa isip ko. Sorry na." sagot ni Angelo.

"Eh bakit ka nga nag-file ng leave?" pagulit ni Josh.

"Eh kasi may gagawin ako bukas. Tsaka di ko feel na i-shoot muna yung event na yun?" sagot niya. Iniiwasan niyang magkaroon sila ni Josh ng Eye contact. Natawa naman doon si Josh. Natawa na nainis. Dahil tila alam niya ang dahilan kung bakit bigla itong nag file ng leave.

"Dahil to kay Agatha na no?" bigla niyang sinabi at napatingin doon si Angelo.

"Anak ng-- Tang ina naman Angelo. Ang tagal na non! Dadamay mo pa tong trabaho naten!" sigaw ni Josh. "Dahil lang sa isang babae iiwasan mo na yung event kung saan nagkakita kayo? Bullshit Angelo."

"Pre, intindihin mo naman ako--"

"Ay nako, hinde. Intindihin?" pag-singit ni Josh, "6 months ka naming inintindi ni Simon Angelo! 6-freaking-months! Pagod na kame! Muntik ka ng mawalan ng trabaho dahil dyan sa inaasal mo. Kung hindi dahil samin ni Simon, wala ka ng trabaho ngayon. Di mo ba naiintindihan yon? Utang na loob naman Angelo umayos ka! Bumitaw kana!"

"Sinusubukan ko!" sigaw naman pabalik ni Angelo. Nagulat doon si Josh, at maging ang mga officemates nila na nakakarinig sa nangyayari. "Mahirap, masyado kong chinerish yung tao. At sinusubukan ko ng mag-let go. At isa doon ay ang kalimutan ang mga bagay na link sa kanya. Maging ang event kung saan ko siya nakilala. Kaya hindi ako pupunta bukas!"

"Para kang bata Angelo. Paghiwalayin mo ang personal life mo at ang professional life mo! Sinasabi ko sayo, pupunta ka bukas!"

"Nag-file na ako ng leave, wala ka ng magagawa Josh!" tapos aalis na siya.

"Hindi ako pumapayag! idedeny ko sa HR yang request mo." natigilan si Angelo sa sinabi niya.

"Ano? Josh naman! Ano ba!"

"Para sayo to! Ako na ang nag-sasabi sayo, makakabuti sayo to!"

"Pano makakabuti sakin bukas?! Sige nga, sabihin mo."

Naglakad papalapit kay Angelo si Josh, "Pumunta ka ng malaman mo. Mag-rereport ka bukas para sa cover ng event. At ipinapangako ko sayo. Makakabuti sayo" bulong niya. Pagkatapos ay umalis na siya at pumasok sa loob. Naiwan lang sa labas si Angelo at tila di mapakali kung ano ang sunod niyang gagawin.

Kilala niya si Josh. Alam niya kung bakit nagkakaganito siya. Ilang beses lang itong nangyari sa tala ng mahabang pagkakaibigan nila at lagi ngang may magandang nangyayari tuwing ganoon ang nagiging asta niya. Pero kahit hanggang ngayon, di parin niya mawari kung ano lagi ang ibig-sabihin nito, hanggang sa dumating na ang moment na tinutukoy ni Josh.

Sinundan ni Simon si Josh na noon ay papunta ng cafeteria, "Josh sinabi mo na?"

"Hindi pa, sinabi ko lang yung dapat niyang gawin."

"Pano kung di siya pumunta?"

Napatigil bigla si Josh doon sa hallway, huminga ng malalim bago sumagot kay Simon, "Desisyon niya yun." tapos tumuloy na siya sa cafeteria habang si Simon naman ay napakamot nalang sa ulo at sinabi sarili niya.

"Bakit naman kasi di mo nalang sabihin eh."


When I Saw YouWhere stories live. Discover now