Chapter VI, Part I: September Blu's

428 6 0
                                    

Lumipas pa ang mga araw pagkatapos ng gabing yun. Simula nung gabing iyon, ang gabi kung saan nalampasan nila ang unang hangganan ng umuusbong nilang relasyon, ay mas lumalim pa ang pagmamahal nina Angelo at Agatha sa isa't-isa. 

Syempre, pagkatapos noon, ay tila lalo pa nilang minahal ang isa't-isa. Mas dumalas ang pagkikita nilang dalawa sa isang linggo. At syempre, mas dumalas din ang maiinit na gabi nilang dalawa sa isa't-isa. 

Di narin nagtagal at napapansin ito ng kanilang mga kaibigan at syempre; masaya sila para sa kanilang dalawa.

Long break nina Agatha at Melissa ng bandang hapon at naisipan nila na mag-chill muna sa mall malapit sa kanila. Napili nilang kumain ng donut at doon narin uminom ng kape. 

Habang nakaupo na sila at si Agatha naman ay nakatingin lang sa kanyang binabasang report at kumakain ng donut, ay nakatingin lang sa kanya ang kaibigan niyang si Melissa. Tahimik lang silang pareho. Nakangiti lang si Agatha noon habang binabasa ang report.

"So kumusta kagabe Agatha?" tanong bigla ni Melissa.

Napatigil siya sa pag-nguya at mabagal na tumingin si Agatha sa kanyang kaibigan. Nag blush ng kaunti si Agatha at pilit na pinipigilan ang paglabas ng ngiti niya at tumungo muli sa kanyang report.

Napanganga naman si Melissa at sumagot; "OMG Agatha grabe kayo! Thursday na ngayon ah. Non-stop lang?"

"Non-stop ka diyan? Ano kaba. Love lang namin ang isa't-isa." sagot ni Agatha na may ngiti sa mukha niya, malaking ngiti.

Binato ni Melissa ng rolled up tissue si Agatha, "Love ka diyan, love at may halong libog yan! Grabe ah! Araw-araw na yan!" tapos uminom siya ng juice niya, "so kwento ka naman tungkol sa mga escapade niyo." tapos taas-baba ang kilay niya ng napatingin sa kanya si Agatha na kunot ang noo. 

"Uie Agatha ang daya mo naman mag-kwento ka naman! So ano kumusta naman siya? Magaling ba?" tapos kagat labi na si Melissa.

"Melissa ano kaba, baka may makarinig, mahiya ka nga." nahihiyang sinabi ni Agatha habang nakangiti.

"Ay wala ako pakialam sa kanila. Sinabi nga sakin ni Josh na hindi a sila makapunta sa apartment ni Angelo dahil nga daw lagi kayo naroon eh. Ano yun Agatha?"

"Wala nga, ano kaba. Nanunuod lang kami ng.... uhmmm movies. Oo tama! Nanunuod kami ng movies!" excuse ni Agatha.

Napataas kilay naman si Melissa habang nakatingin sa kaibigan, "Ikaw Agatha ah, ang daya-daya mo, bestfriend mo ako tapos di ka mag-kukwento. Kwento mo na kasi." pagpipilit ni Melissa. 

Sa pangungulit ng kaibigan niya ay tumayo si Agatha at tumabi sa kanya at doon sinimulan niyang i-kwento ang gabi nila ni Angelo.

~~~~~~~~~~

Kakadating lang nilang dalawa sa apartment ni Angelo. As usual hindi nila mapag-hiwalay ang kanilang mga sarili sa isa't-isa at binitawan nalang nila ang mga gamit nila sa sahig. Halik dito, halik doon; kung saan-saan nalang napupunta ang mga maiinit na halik ng dalawa. 

Sa labi, sa tenga, sa leeg, habang hawak ang isa't-isa. Maya-maya pa ay nakarating na sila ng kwarto ni Angelo at agad nilang binato ang mga sarili sa kama.

"Teka lang." sabi ni Agatha habang humihinga ng malalim at nakatingin lang naman si Angelo na humihinga rin ng malalim. "Meron kabang uhmm--" tapos tumingin siya sa bandang baba ni Angelo.

Napatingin nalang si Angelo sa direksyon na yun at agad niyang na gets to at bumangon, "Meron teka lang. Ligo narin ako, ayos lang ba?" sambit niya, napatungo nalang si Agatha at hinabol ang pag-hinga niya. Inayos narin niya ang sarili. Chineck ang hininga niya kung ayos ba ito.

Napa-iling siya dahil hindi niya nagustuhan at dali-dali siyang bumangon habang hinubad niya ang kanyang pantalon, papunta ng bag niya para kunin ang listerin niya. Agad niya itong nakita at nagmumog agad siya pagkatapos ay tumakbo pabalik sa kwarto. 

Habang hinihintay niya si Angelo ay hindi niya alam ang gagawin. Sinubukan niya ang ilang mga sexy pose na pinakita sa kanya ni Melissa pero wala siyang nagustuhan dito hanggang sa marinig niya na bumukas ang pinto ng banyo; at hinikit na lamang niya ang kumot para takpan ang sarili hanggang dibdib, habang nakaupo.

Nakangiti naman si Angelo habang may tapis na tawalya sa kanya at sinabi, "Uhm, kaw ba Agatha gusto mo ba muna maligo?" tanong niya.

Nagpalinga-linga si Agatha bago siya sumagot, "Uhm ok. Sige ligo muna ako para fresh ako para sayo." sagot naman niya na may ngiti at tila natigilan ang dalawa. Lalo na si Agatha na nagulat din sa sinabi niya. 

"Uhm ok. Hintayin kita rito." sabi ni Angelo at doon inabutan niya ng towel si Agatha habang siya naman ay nagkumahog na tumayo at nag-dali-daling pumunta ng banyo. 

Pagkapasok niya ng banyo ay tila nahiya siya sa sinabi niya at nagpanic doon. Tiningnan niya ang sarili sa salamin.

"Agatha, kaya mo to. Dapat masanay kana. Fourth night niyo na to. Masasanay rin naman ako, kailangan ko lang--" tapos napahinga siya ng malalim, "--mag-sink in sa bagong dynamic ng relationship namin." 

Tapos napangiti siya sa sinabi niya habang pinapalakas niya ang loob niya, "Oo tama. Bagong dynamic ng relationship namin to." tapos nakangiti siya sa sarili at doon sinimulan na niyang maligo.

Lumipas ang ilang minuto, habang naghihintay si Angelo ay inaasikaso muna niya ang isang picture sa computer niya na narinig niyang matapos si Agatha. Agad niyang pinatay ang monitor dahil ayaw niyang makita ni Agatha ang naturang picture. Humarap siya at nasurpresa kay Agatha.

Napanganga nalang siya, kahit pang-apat na beses na to ay tila nahihiwagaan parin siya sa girlfriend niya.

"W-wag mo ako titigan, tara na." nahihiyang sabi ni Agatha. Pagkatapos noon ay mabagal na nilapitan ni Angelo si Agatha, hinawakan sa kanyang pisngi.

"Ang ganda mo talaga." sabi niya. Napatingin nalang si Agatha at doon, ay naghalikan na sila at sinimulan ang gabi nila.

~~~~~~~~~~

"Grabe ka naman mag kwento Agatha! Nakakabitin ka naman eh, papunta palang sa good part!" katwiran ni Melissa.

"Ano ka? Di ko kukwento yun noh! Sakin nalang yun!" sabi niya na may malaking ngiti sa kanyang mukha habang umiinom.

"Andaya talaga."

"Nako, tama na yan Melissa. Tara na at bumalik na tayo sa opisina." sambit ni Agatha ng tumayo na to. 

Agad din namang sumunod si Melissa, "Kahit size lang oh!" sabi niya.

Tumingin sa kanya si Agatha na may ngiti sa mukha, "Size 11 ang paa niya." tapos lumabas na siya ng shop.

Napanganga nalang si Melissa at agad na sumunod sa kaibigan niya, "OMG Agatha! Tapusin mo na yung kwento mo!"

When I Saw YouWhere stories live. Discover now