Ch. VII, Prt. III: Dream of misty rooves

442 6 0
                                    

Kinahapunan ng araw na yun. Pumunta si Angelo sa bahay nina Agatha para kausapin ito at ayusin kung ano man ang nasira dahil sa picture. Umaasa sya na naroon sya at kakausapin siya ni Agatha. Dahil sa pagkakakilala niya rito, hindi naman siya yung tipo ng tao na ma-gagalit ng matagal. 

Pumarada siya sa harapan ng bahay nila. Agad na nagtungo sa pinto at doon ay kumatok na siya. Huminga siya ng malalim ng mga ilang ulit bago siya pinagbuksan ng nanay ni Agatha.

"Ahh, magandang hapon po. Andyan po ba si Agatha?" pagbati ni Angelo.

"Wala siya Hijo, agad din siyang sumama sa kaibigan niya matapos syang makauwi kanina lang." sambit ng nanay ni Agatha.

"Ah ganun ho ba." tapos napatingin sya sa paligid, tila hindi mapakali, "Pasabi nalang ho na dumaan ako. Gusto ko po kasing humingi ng tawad. Kasi Ho--"

"Alam ko ang dahilan ng away niyo Hijo." biglang sabi ni Minerva na kinagulat naman ni Angelo, "halika pumasok ka." dagdag nito. Pumasok na si Angelo sa bahay. Medyo tila nahihiya sya dahil ngayon lang sya nakapasok ng bahay nila. 

"Umupo ka. Paghain lang kita ng meryenda."

"Naku hindi na ho. Di napo kailangan." sagot ni Angelo, pero tila hindi na ito narinig pa ng ina ni Agatha. Wala ng nagawa si Angelo kundi ang umupo at maghintay. 

Lumipas ang ilang minuto at bumalik na ang nanay ni Agatha dala ang juice at cookies sa plato. Umupo ito pagkatapos hayinan si Angelo at doon, umupo sya sa tapat nito. Di sila nagkibuan. Tahimik lang sila. Lumipas ang bawat segundo na laman lamang ay pawang katahimikan at tunog ng rilos sa dingding.

"Nagtataka ka siguro kung bakit hindi niya nabanggit ang tungkol kay Andrea." biglang sinabi ni Minerva na medyo kinagulat ni Angelo. Napatungo nalang siya at hindi na sumagot. 

Napahinga naman ng malalim si Minerva bago muling magsalita. "Alam mo ba nung bago ka niya pinakilala samin, binilinan niya kami na huwag ngang banggitin si Andrea. Pumayag naman kami ng asawa ko dahil alam ko na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng kakambal niya."

Nakikinig lang si Angelo habang uminom naman ng juice ang ginang na nasa tapat niya, "Kasalanan ko narin siguro kung bakit ganun ang iniisip niya."

"B-b-bakit naman ho?" tanong bigla ni Angelo. Napangitin sa kanya si Minerva na may ngiti, habang napansin niya na may maliit na butil ng luha ang tumulo mula sa mata nito.

Napahinga ng malalim ang ginang bago magsalita.

~~~~~ June 2014 ~~~~~

"So Ma, mid June lilipad kami sa US para nga dun sa regalo samin ng Agency namin. Sa Redwood National and State Parks sa California, mga isang linggo rin kami dun!" sabi ni Andrea habang nasa hapag-kainan sila.

"Eh di pag-hahanda ko na kayo ni Agatha ng mga dadalin niyo." sambit naman ng nanay niya. 

Nagkatinginan silang dalawa ni Agatha bago siya muli nagsalita, "Eh kasi Ma, ano; ako lang makakapunta dun. Isa lang kasi per division eh. Tapos nagkataon pa na ako yung head ng division namin kaya ako yung luluwas para dun." 

"Ah ganun ba. Eh di sige. Paghahanda nalang kita ng mga dadalin mo." sabi ni Minerva at doon, natapos na ang usapan nila. 

Ng natapos na silang kumain ay agad namang umakyat sa kanilang kwarto ang magkapatid. Nasa may harap ng dresser lang si Agatha habang sinusuklay niya ang buhok niya, habang si Andrea naman ay nakahiga lang sa kama.

"Agatha ayos lang ba talaga sayo?" bigla nitong nasabi.

Napalingon sa kanya ang kanyang kapatid at napatanong, "Ha? Ano yun?"

"Na ako yung pupunta sa Redwoods." sambit ni Andrea.

"Ha? Ayos lang yun Ate, ano kaba. Buti nga makakapunta ka eh." sabi naman ni Agatha habang tinuloy niya ang kanyang pagsusuklay sa buhok.

Umayos naman si Andrea ng higa para makaharap at makausap niya ng maayos ang kapatid niya, "Hay nako, Agatha!" sigaw ni Andrea.

"Ano!?" sigaw ni Agatha pabalik ng may ngiti. 

"Diba dream mo yun? Ang makita ang redwoods?"

"Oo, dream ko siya. Pero hindi pa siguro tama na makita ko sila ngayon." sagot naman ni Agatha habang tuloy sa pag-aayos ng kanyang buhok.

"Hay nako Agatha! Yan ang hirap sayo eh, sobrang giving at bait mo! Dapat matuto kang kunin ang gusto mo! Abutin mo!"

Napakunot naman ang noo ni Agatha at tumingin sa kapatid niya mula sa salamin, "Pano naman yan? Eh yung Bureau na yung nag-decide na ikaw pupunta diba. Ayos lang yun Ate." tapos humarap siya dito para ipakita ang resulta ng pag-aayos niya.

"Eh di bibili tayo ng ticket mo!" sabi ni Andrea.

"Hay nako Ate, pano yung accomodation? Di naman ako pwede mag-stay sa kwarto mo noh."

"Naku pwede yan! Si Melissa din lang naman kasama ko eh, so pwedeng-pwede!"

"Hmmm, eh pano yung work ko, di ko naman pwedeng iwan yun? Magagalit sila."

"Eh di mag-file ka ng leave of absence!"

"Ikaw talaga Ate, sige ka ng sige eh, di na pwede, huli na! Hahaha!" sagot ni Agatha at napatawa silang pareho.

Pagkatapos ng tawanan nila ay tumayo ito, lumapit kay Agatha para ayusan niya ito ng buhok. "Tandaan mo Agatha. Basta't nandito ako, magagawan natin yan ng paraan ok? Kaya mag-relax ka lang dyan. Iisip tayo ng way." sabi ng Ate niya. 

"Diba, gusto mo maranasan ang misty rooves ng Redwoods?" dagdag nito.

Napatingin naman si Agatha kay Andrea. Napangiti nalang siya noon at hinyaan niyang ayusan siya ng kapatid niya. Matagal din siyang inayusan noon, mag-kasing haba lang naman kasi sila ng buhok. Ng naisip yun ni Andrea ay napatigil siya sa ginagawa niya. Nakita ni Agatha sa mukha ng kanyang Ate na may pumasok ngang kakaibang ideya sa kokote ng Ate niya.

"Agatha may naisip nako!"

"Oo nga eh, nakita ko. Ano ba yun?" sabi ni Agatha at doon ay binulong na ni Andrea ang plano niya. Ng matapos ito ay nagulat si Agatha sa gustong gawin ng kapatid niya at napatingin ito sa kanya. 

Doon nakita niya, ang kapatid niyang si Andrea, na may malaking ngiti sa mukha niya dahil sigurado siyang, mag-wwork ang plano niya. 


When I Saw YouWhere stories live. Discover now