Chapter III, Part I: Signs

777 10 0
                                    

Hapon noon at naroon parin sila s starbucks. Nag-kukwentuhan lang sila. Sa pagkakataon na yun, si Angelo naman ang gustong makilala ni Agatha.

"What is there to say ba? Photographer ako para sa isang magazine company. Di pa ba enough yun?" sabi ni Angelo.

Nilalaro lang ni Agatha ang straw ng kape niya habang naka-ngisi kay Angelo, "Well gusto ko malaman kung hindi murderer ang date ko. Alam mo na, para safe." sabi ni Agatha, at napatawa nalang silang pareho.

"Nakakatuwa kung pano tumakbo ang isip mo Ms. Agatha," tapos nag-lean forward si Angelo ng kaunti, "we'll for your information po; I'm not a murderer."

"That's good to know. Haha!" tawa ni Agatha.

"I am an only child and sa Taguig ako ngayon nakatira."

"Ah, kaya pala natagalan ka." sabi ni Agatha.

"Sisihin mo EDSA. Haha!"

"Kasalanan ng EDSA! Haha!" pag-sang-ayon naman ni Agatha.

"Hehe, so ayun nga. Sa Taguig ako para malapit sa work ko. I'm 5'8" kung curious ka. Sagittarius ang sign ko." natawa ng kaunti si Agatha.

"Teka di ko naman tinatanong sign mo ah, naniniwala ka ba diyan?" Sabi niya.

"Hindi eh, nag-baka sakali lang sayo." sagot ni Angelo tapos marahan siyang  pinalo ni Agatha sa braso niya.

"Kaw ba ano sign mo?" biglang tanong ni Angelo. Sandaling napaisip si Agatha.

"Hindi ko alam eh. Teka check ko." sabi niya at nilabas niya phone niya para i-search agad sa Google.

"Oh ayan oh, Taurus daw ako..." tapos inabot niya kay Angelo ang phone para ipakita sa kanya.

"Oh compatible daw tayo."

"Ha?! Patingin nga at agad naman inagaw ni Agatha ang phone at tiningnan mabuti ang search result. Naka-ngiti lang noon si Angelo habang pinapanood si Agatha. Uminom siya ng kape niya ng nakita niya ang reaksyon ni Agatha.

"Nakakahiya," sabi niya, natawa nalang si Angelo noon. Nakita na kasi ni Agatha ang nakita niya.

"Pano ba yan? The stars are smiling at us. Hehe." sabi ni Angelo habang napatingin ang nahihiya paring si Agatha.

Nagtaas-baba naman ang kilay ni Angelo at pinalo ulit siya ni Agatha. Kung ano-ano pa ang napagusapan ng dalawa ng naisipan na nilang umalis at tumuloy sa date nila.

Habang nasa kotse ay napag-desisyunan nila na sa Trinoma nalang sila dumeretyo. Tutal malapit daw naman tsaka ng maiba daw naman ang pasyalan ni Agatha.

Narating na sila ng Trinoma at doon nglakad-lakad muna sila. Marami silang napagusapan sa mga oras na yun.

Nagsimula sa pagiging dog-person ng dalawa, hanggang sa kung ano ang pinaka-una nilang naiisip pag wala silang magawa.

"So Agatha, sa umaga, ano ang pinaka una mong ginagawa?" tanong ni Angelo na isa lang sa mga kung ano-anong napaguusapan nila.

"Uhmm, siguro ang magpagulong-gulong sa kama bago tuluyang bumangon. Yun lang." sagot naman niya. Natawa lang si Angelo at napangiti naman si Agatha, "bakit?" tanong niya.

"Bata lang? Haha!" Sabi naman ni Angelo

"Eh kasi parang ayaw pa ng katawan mong bumangon, nag-lalaban yung utak at katawan ko, 'bumangon kana' sabi ng utak ko, tapos yung katawan ko naman, 'ayoko! Masarap ang matulog!' Sabi naman ng katawan ko." sabi ni Agatha. Sa sandaling yun tawang-tawa na si Angelo.

"Eeehh, grabe ka naman makatawa, tinanong mo eh!" sabi ni Agatha na naka-pouty face.

"Eh kasi naman di ko inexpect na ganyan ang sasabihin mo eh! Haha!" sagot naman ni Angelo.  Natatawa lang si Angelo noon at ng tumigil na siya ay si Agatha naman ang nagtanong.

"Eh ikaw,  ano ba una mong ginagawo pagkagising mo?"

Sandaling napaisip noon si Angelo habang naglalakad lang sila sa loob ng Trinoma ng makaisip na siya, "Dyu-mebs." tapos humarap siya kay Agatha na agad namang napatawa sa sagot niya, "Oh bakit ka nagtatawa?" sabi niya ng may ngiti sa mukha niya.

"Kadiri ka Angelo, eww! Hahaha!" sabi ni Agatha habang malakas ang tawa niya.

"Bakit? Lahat naman ng tao karaniwan, sa umaga yun ang ginagawa ah!" katwiran ni Angelo.

"Hahaha! Hindi dahilan yun! Hahaha!"

"Bakit, hindi mo ba ginagawa sa umaga yun?" sabi naman ni Angelo.

"Ewan ko sayo Angelo, ew!" sabay palo sa balikat ni Angelo, "hindi naman kasi yun yung tinutukoy ko."

"Ah eh, ano ba yun?"

"I mean yung parang routine mo sa umaga. Yung pinaka-una mong ginagawa." sabi ni Agatha. Sandali naman silang natahimik noon habang nagiisip. Paakyat na sila ng 4th floor noon sa Trinoma.

"Maliban dun, siguro maghanda ng breakfast, kumain ng breakfast, i-handa yung mga gagamitin ko, tapos yun. Yun lang." at nakarating na sila.

"Ah, simple ka palang tao."

"Syempre, may trabaho eh, tapos mahal ko pa trabaho ko." sagot ni Angelo. 

"Oh sya, taong mahal na mahal ang trabaho niya. Saan tayo? Movie ba muna oh laro?" sabi agad ni Agatha. Tumingin siya kay Angelo at nakita niya na may ngisi ito sa mukha niya. Tumingin siya sa paligid ng bigla siyang hilayin ni Angelo para maglaro muna sa Timezone. 

Di na sila parehong nagsalita pa at sinimulan agad nila ang pag-sasaya. Malalaki na sila pero sino ba naman ang makakatanggi sa Timezone? Sinimulan nila ang pagikot nila sa Claw Machine. Natagalan sila roon, ilang beses sumubok si Angelo na i-kuha si Agatha ng stuff toy pero sa pang-anim na ulit niya, wala parin siya nakuha. Hinila na siya ni Agatha papalayo sa Claw Machine at sumunod naman sila sa Racing hanggang sa natapos nila ang oras nila sa Timezone sa shooters game.

Lumabas sila doon na may Stuff Toy si Agatha na yakap-yakap. "Thank you sa teddy bear na white and fluffy!" sambit ni Agatha habang niyayakap niya ito ng mahigpit habang naglalakad na sila papalabas. 

Si Angelo naman, kahit na bigo sa Claw Machine, ay taas noong nakangiti dahil tagumpay siyang ikuha ng stuff toy si Agatha, "Heh, ako pa. Galing ko ata sa games." pagyayabang niya.

"Weh? Eh bakit ganun yung nangyari sa Claw Machine?" sabi ni Agatha. Natigilan naman si Angelo doon at nawala ang lakas ng loob na pinapakita niya kani-kanina lang at napatungo nalang siya sa sahig. 

Natawa nalang si Agatha rito at agad niyng kinapitan si Angelo sa braso niya, "Ano kaba, ayos lang, wag na ma-down. May stuff toy ka nabigay sakin oh." tapos tila ini-hahalik niya ang snout ng teddy bear kay Angelo na napangiti naman niya. "Wag na sumimangot, ha? Kain nalang muna tayo ng donuts bago tayo manood ng sine.

Napatungo nalang si Angelo noon at dumeretyo na sila ng donut shop. Hindi na siya nakapag-salita dahil nagulat siya na kinapitan siya ng ganun ni Agatha. Natuwa siya, dahil nagiging malapit na sila sa isa't-isa. 

Hiniling nalang niya sa sarili na magbunga rin ang paglabas nila sa sinehan mamaya.

When I Saw YouWhere stories live. Discover now