Ch. VII, Prt. IV: The Indistinguishable

382 6 0
                                    

Sinasalinan ni Minerva ng juice ang baso ni Angelo habang tinutuloy nya ang kwento. Tahimik parin noon si Angelo. Tila di alam kung paano mag-rereact sa impormasyon na ni lihim sa kanya ni Agatha.

"So ayun nga, may naisip nga itong anak kong si Andrea." tapos bigla siyang natawa, "Sa kanilang dalawa, sya na yata ang pinaka-mautak. Sya rin yung out-going. Basta, siya ang talagang kabaliktaran ni Agatha." tapos nakangiti lang sya habang uminom ng juice.

"Hindi ba ho, ganito si Agatha ng matagal na?" biglang sabi ni Angelo, napatingin naman ang ina ni Agatha rito, "I mean ho, dati pa; yung ugali niya ngayon. Hindi po ba siya ganun na dati pa?" pag-lilinaw niya.

Pero umiling lang si Minerva, "Naku, kelan lang yan naging ganyan. Gawa narin siguro ng Ate niya. Kasi naman Hijo, napaka-helpless ng batang yan noon. Lagi kailangan ng magtatanggol sa kanya. Hanggang sa nagkaroon na siya ng complex sa kapatid niya. Lumaki naman siya ng maayos, pero hindi katulad ngayon. Ngayon lang talaga siya naging ganyan. Naging independent."

~~~~~ June 2014 ~~~~~

"Ma, pwede ko ba kayo makausap ni Pa?" sabi ni Andrea kinahapunan. Nagkatinginan lang naman ang mag-asawa bago tumungo. Binaba agad ni Alfredo ang kanyang kape at umayos ng upo.

"Ano yun anak?" tanong nito.

Medyo nilalaro pa ni Andrea ang kanyang mga daliri at parang nag-aalangan pa na sabihin ang gusto niyang sabihin. "Ikaw talaga, pag si Agatha nahihiya, tahimik lang pero nakatungo, pero ikaw halatang-halata ka." sabi ni Alfredo na may ngiti sa kanyang mukha. Napatingin naman si Andrea sa kanyang tatay at napatawa nalang, "Ano yun? Sabihin mo na." dagdag nito.

"Eh kasi ano po. Diba dati po tanda niyo pa yung bukang bibig ni Agatha na napanood niya sa isang documentary?" sabi ni Andrea.

Nagkatinginan naman ang magulan nila at sandaling napaisip sa sinabi ni Andrea. "Ano naman yun? Yun ba yung tungkol sa puno ba yun?" sabi ni Minerva.

Napangiti naman si Andrea, "Opo Ma! Redwoods ang tawag dun. So ayun nga, alam ko naman na gusto niyang makita yung redwoods. Eh tamang-tama papunta ako dun. Sinuggest ko na na bumili nalang siya ng tickets tapos makitulog nalang saming accomodation. Pero ang prob niya is, may work siya."

"Bakit di siya mag file ng leave? Balita ko napaka-diligent niya sa work niya. Tapos ilang beses pa yan pumunta ng ilang probinsya para sa assignments. Baka naman payagan siya ng boss niyo." sabi ni Alfredo.

"Di na kasi yun aabot Pa. Malapit narin kasi luwas namin ng States para dun." sabi naman ni Andrea. Tila natahimik ang mag-asawa. Nag-iisip kung ano ang pwede nilang gawin ng biglang clinear ni Andrea ang kanyang throat, para kunin ang atensyon nila.

"Pero may naisip nako na paraan para mabigay ko yung dream ni Agatha." bigla niyang sinabi.

Napakunot naman ang noo ng dalawa at tila umayos pa ng upo para pakinggan ang sasabihin ng anak nila, "Well, alam niyo naman na identical twins kami diba?" 

Nagkatinginan naman ang mga magulang niya at tumungo sa kanya. "At wala kaming kahit anong birthmarks para ipag-diffirentiate sa isa't-isa. Tama ho ba?"

"San ka pupunta nito Andrea?" biglang singit ng Ama niya.

"Well, since sobrang perfect copy kami ng isa't-isa maliban sa aming magkaibang ugali; magpapalit kami ng lugar!" sabi ni Andrea. Napanganga naman ang nanay niya habang si Alfredo ay parang nabingi sa sinabi ng panganay niya.

"Teka? Yang gusto mo bang mangyari ay yung iniisip ko na gusto mong mangyari? Tama ba ako Andrea?" tanong niya. Nalito rin siya sa tanong niya pero nagets naman ni Andrea ang gusto niyang iparating at ngumiti sa kanyang Ama. "Nakung bata ka. Pano pag nahuli kayo? Ha? Ano gagawin niyo, sige nga." dagdag niyo.

Napatawa naman si Andrea, "Naku Pa, eh diba kakasabi ko lang? Di mo nga alam na si Agatha pala ako eh." bigla niyang sabi. Na windang agad ang dalawa sa sinabi niyang yun.

"A-A-Agatha anak, ikaw ba yan?" tanong ni Minerva.

"Hehehe, sorry na po. Pinilit lang ako ni Ate." sambit nito na medyo nanginginig pa, tila tapos na ang palabas nilang magkapatid.

"Ano ba't-- Andrea, asan ka? Lumabas ka nga!" pagtawag ng tatay nila. Agad naman lumabas ang totoong si Andrea at nagtatawa habang tumabi sa medyo di na mapakaling si Agatha. "Ikaw talaga kahit kelan, kung ano-anong tinuturo mo sa kapatid mo. Tapos pinagsinungaling mo pa samin!"

"Hehehe, sorry na Pa! Pero nag work naman diba? Di niyo nga agad napansin eh!" sambit ng totoong si Andrea habang chini-cheer up niya ang kapatid niya sa kanyang tabi.

Napahinga naman ng malalim si Alfredo at napahimas sa kanyang ulo, tila sumakit ito dahil sa kalokohan ng kanyang anak, "Agatha Hija, bakit naman di mo nalang sabihin samin. Kakausapin ko boss mo para makasama ka."

"Naku Pa, wag na. Nakakahiya tsaka ayos lang naman eh. Si Ate lang talaga tong mapilit." 

"Ano kaba Agatha! Masaya to! Isipin mo isang linggo kang magpapanggap na ako. Diba?!" tapos ilang beses niyang inalog ang kapatid niya.

"Andrea, wag mong ganyanin kapatid mo, pag yan nahilo." pag-awat ni Minerva sa anak.

"So Ano Pa? Papayag naba kayo sa gagawin ko?" biglang tanong ni Andrea.

Biglang tumayo ito at huminga ng malalim, "Kung ano ang desisyon ng Nanay niyo, papayag ako. Ok? Sige na akyat nako." sambit nito tapos hinalikan nito ang asawa niya sa noo at umalis. Sunod tingin ang dalawa ni Agatha at Andrea sa kanilang Ama bago bumaling sa kanilang ina, na may malalaking ngiti sa kanilang mukha.

"Ang daya niyo talaga. Alam niyo naman na ngiti niyo lang, papayag nako eh." mahinhin na sinabi ni Minverva at napayakap naman sa kanya si Andrea sa tuwa.

"Naku Ma! Hinding-hindi mo pagsisisihan to! Ako ang bahala! Thank you!" sambit ni Andrea bago niya hinila si Agatha para isama sa mahigipit niyang yakap.

~~~~~ Present Day ~~~~~

Tahimik lang ang dalawa ni Angelo at Minerva na uminom ng juice nila. Napahinga rin ng malalim si Minerva at di mapigilan na manghinayang.

"Ang anak ko talagang yun. Siya lang kasi yung parang walang problema, at kung meron man. Nakangiti parin. Kaya nga di ko naisip na, yung ginagawa niya palang yun ay may mas-malalim pang dahilan." sambit ni Minerva.

Di maiwasan ni Angelo na isipin, kung ano ang gumulo sa isip ni Andrea nung mga panahon na yun. Dahil sa pagkakatanda niya; na parang kahapon lang nangyari; na may luha sa mata nito nung nakuhaan niya ito ng picture.


When I Saw Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن