Ch. VIII, Prt. III: Thinning String

620 5 0
                                    

Nanlamig noon si Angelo sa sinabi ni Agatha. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa sinabi niyang yun. At lalong hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin niya matapos banggitin iyon ni Agatha. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Agatha sa suot niya. Nakita nalang niyang tumulo ang luha sa mga mata nito, habang nakatingin lamang ito sa kanya.

Tila naghihintay ng sasabihin galing sa kanya. Ang mga mata niya, na dati'y tila perlas galing sa ilalim ng dagat, na kumikinang sa tuwing magkakatitigan sila; ay nagbago na. Tila walang laman, isang hiyang na perlas. Na parang nawala ang kintab at ganda nito.

"T-t-teka, Agatha. Anong gusto mong sabihin?" nasabi ni Angelo. 

"Hindi na ako tulad ng dati Angelo. Nagbago na ako. Sa ginising ko sa araw-araw simula ng napaka-dilim na oras na yun. Pinangatawanan ko ang payo sa akin ng Ate ko. Na maging malakas ako. Na lahat dapat kayanin ko ng mag-isa kung kakailanganin. Na hindi ko dapat hayaan na masaktan ako, oh malungkot sa kahit anong bagay na nangyari sa nakaraan." sabi ni Agatha sa kanya.

Nalilito si Angelo. Hindi niya alam kung ano ang gustong iparating ni Agatha sa kanya. "T-teka Agatha, ano ba di kita maintindihan!" ang nasabi nalang ni Angelo.

"Yun na nga!" tapos umiyak muli si Agatha, "Yun na nga Angelo, wala na yung taong nakakaintindi sakin. Nawala na siya, nawala na siya ng ganun lang. Kahit kelan, di ko maiwasang maisip; what if?" tapos tumingin siya kay Angelo, "What if, siya nalang yung umalis imbes na ako? What if, hindi nalang ako pumayag na magpalit kami ng role. What if, Angelo. What if?" tapos bumagsak nalang siya. Napabitaw sa pagkakahawak niya kay Angelo. 

"Hindi lumipas ang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko. Kung bakit nawala ang kapatid ko. At alam ko, na yun din ang nararamdaman ni Mama. Na bakit, hindi ako nagmatigas sa Ate ko. Na bakit ako pumayag."

"Agatha, hindi ka sinisisi ng mama--"

"Tumahimik ka! Wag kang umakto na parang alam mo na ang lahat!" sigaw nitong bigla sa kanya. "Huwag na huwag mong iisipin na kilala mo na ako!"

"So ano nalang yung i-tatawag ko sa mga nakalipas na buwan natin? Wala lang yon?! Ganon ba, Agatha?" biglang sabi ni Angelo. "Wag mo naman akong ipagtabuyan. Wag mo rin namang sabihin na hindi kita naiintindihan. Please, I'm really trying here..." sambit nito tapos lumuhod siya sa harap ni Agatha, at hinawakan sa tig-kabilang balikat niya. "Agatha, gusto kong intindihin ka. Ayokong maramdaman mo, na kahit kelan; na walang nakakaintindi sayo. Nandito ako. Lalong-lalo na si Melissa, na matalik mong kaibigan. Nandito kami. Wag mo sanang iisipin na mag-isa ka lang Agatha." tapos hinawakan niya sa may pisngi si Agatha. 

"Agatha, nandito lang ako para sayo. Hindi ka nag-iisa." huminga ng malalim si Angelo, "Mahal na kita." panapos ni Angelo. 

Nagulat doon si Agatha at napatingin kay Angelo. hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Kung papano siya mag-rereact. Pinili nalang niyang manahimik at tumungong muli. Pagkatapos noon ay sandali silang natahamik. Medyo tumatahanan na si Agatha sa mga sandaling yun, pero nakatungo parin ito. 

Pinakiramdaman ni Angelo si Agatha. Unti-unti siyang lumapit rito, at niyakap. Niyakap niya ito ng mahigipit. Si Agatha naman, hindi alam kung papano mag-rereact. Lalo lang siyang napaluha nito, at di rin nagtagal ay unti-unti narin itong yumakap pabalik kay Angelo. Nag-yayakapan na sila at nakikita ito ni Melissa mula sa malayo. Napangiti nalang siya dahil sa isip niya; ok na ang lahat. 

Matagal din silang magkayap noon, na tanging ilaw nalang ng mga Lamp Post sa Cemetery, liwanag ng syudad sa paligid, at ng buwan ang nagbibigay ng liwanag. Bumitaw na si Agatha kay Angelo sa pagkakayap niya, pero nakatungo parin ito. Tila iniiwasang tingnan ng diretyo ito sa mukha. Tumayo narin ito, at ganun din naman si Angelo. 

"Angelo." tawag ni Agatha. Tila tumahanan narin siya nung mga oras na yun, "Gusto ko munang mapag-isa." dagdag nito.

"B-bakit?" pagtataka ni Angelo.

"Gusto kong, ibalik yung dating ako. Ayokong maranasan mo ang hirap na naranasan ng mga taong nasa paligid ko, nung mga panahong nawala ang Ate ko." sagot ni Agatha.

Nalilito na si Angelo noon, "Willing naman ako Agatha eh. Tutulungan kita."

"Hindi. Hindi Angelo, kailangan ako lang to. Kailangan ibalik ko ang dating ako, ng walang tulong ng iba. Ng ako lang." sagot ni Agatha ng tumingin na siya ng deretyo kay Angelo.

"Pano tayo?" 

Napalunok lang si Agatha sa sinabing iyon ni Angelo. "Gusto ko munang mapag-isa Angelo." inulit ni Agatha.

Sa mga oras na yun, alam na ni Angelo ang ibig-sabihin niya mula rito. Hindi alam ni Angelo kung ano ang gagawin. Nakaramdaman siya bigla ng takot sa dibdib niya. Nagpalakad-lakad siya ng ilang beses. sinusubukang pakalmahin ang sarili na tila gusto ng mag-wala.

"Para to sa i-kakabuti natin Angelo. Kaya kailangan ko munang ayusin tong muli, pero this time. Ayos na talaga. Wala ng masisira. Talagang ok na." sabi ni Agatha, "Naiintindihan mo ba?" panapos niya. 

Pero tahimik lang si Angelo. Lumapit si Agatha sa kanya, "Kailangan ko munang mawala Angelo." 

"Pero pano tayo Agatha? Pano yung tayo?" biglang tanong ni Angelo. 

Napatungo nalang muli si Agatha. Huminga ng malalim, at tumingin muli kay Angelo. Nakita ni Angelo, na tila nagbago ang mukha nito. Mas naging seryoso ito, tila buo ang loob. Sa mga oras na yun, sa sandaling nakita ito ni Angelo, alam na niya ang sunod na sasabihin ni Agatha.

"Wala na yung tayo, Angelo." sambit ni Agatha tapos nilagpasan niya si Angelo. Na tila, pinag-sakluban ng langit at lupa. 

Tumigil sandali si Agatha at bahagyang humarap kay Angelo, "I'm sorry. Goodbye." pagkatapos, umalis na siya. 

Naiwan lang si Angelo na nakatayo. Nakatingala, sa kalangitan. Tila hindi makapaniwala sa mga narinig niya. At tila hindi rin makapaniwala, na wala na ang taong minahal niya.


When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon