Chapter II, Prt. I: The String that's too short

1.4K 22 0
                                    

Nakangiti lang ang dalawa sa isa't-isa. Si Angelo hindi makapaniwala na makikita niya ulit ang babae na nakuhaan niya ng picture. Napakaganda niya sa personal, talagang lahat ng inexpect niya, tama. Maputi, mahaba at makintab na buhok. Ang kanyang mga mata na dark brown, at ang kanyang mpulang labi.

Malapit noon si Angelo kay Agatha kaya alam niya, na wala itong gaanong make-up. Parang bata na tulala parin noon si Angelo habang si Agatha naman ay tila natatawa na.

"Uhm, Angelo?" biglang natauhan si Angelo, "pwede ko nabang mabawi kamay ko? Tinatawag na kasi ako nung ka-trabaho ko eh." tumuro siya sa likod ni Angelo at isang lalake na trabahador sa park and kumakaway kay Agatha. Tumingin lang siya ulit kay Agatha at pagkatapos ay sa kamay nila at doon, medyo na-gulat siya ng kaunti at agad na binitawan ang kamay nito.

"Ah sorry, di ko sinasadya." sabi ni Angelo, napatawa nalang ng mahina si Agatha habang naglakad na siya papalayo.

"Ah, ano," tawag ni Angelo, tumigil si Agatha at tumingin sa kanya.

"Yes, Angelo?" sagot naman ni Agatha. Pero napanganga nalang ulit siya. Natutuwa na si Agatha noon, "Alam mo, Angelo, di tayo makakapag-usap ng maayos niyan kung tititigan mo lang ako?" tapos nag-lakad na siya ulit papalayo.

Wala, hindi na nakapag-salita pa noon si Angelo, malayo na si Agatha noon, "Pag nagkita ulit tayo! Let's have coffee okay?!" nagulat naman si Angelo at napangiti.

"Okay!" sagot naman niya at napakaway nalang siya kay Agatha habang umalis na ito. Nakangiti lang doon si Angelo habang nakatayo. Hanggang sa nawala na sila sa paningin niya. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay naglakad na siya pabalik ng event site sa park.

Masaya siya noong mga oras na yun. Dahil sawakas nakita na niya ang babaeng nagpatibok ng puso niya. Sa buong isang taon kasi, hindi na niya inasahan na makikita pa niya ulit si Agatha. Pero akalain mo nga naman, nakita niya.

"Angelo!" sigaw ni Josh habang tumatakbo papalapit sa kanya. Agad na natauhan si Angelo noon at kumaway agad sa kaibigan. Napansin ni Josh na may kakaibang ngiti sa mukha niya.

"Wow ah! Ayos ngiti natin ah," tapos agad niyang inakbayan ang kaibigan at agad rin niyang ginulo ang buhok nito. "Oh kumusta si Girl in the park? Maganda parin ba?" tapos naglakad na sila.

"Teka maya ko na i-kwento, tapusin na muna natin itong trabaho." sabi ni Angelo.

"Wag mo na problemahin yun. Yung iba na ang bahala diyan. So kwento na dali."

"Hehe, okay. Oo, maganda parin si Girl in the park," a tumingin siya kay Josh, "at ang pangalan niya ay Agatha."

Napa-wow nalang noon si Josh ng walang boses, "oh dali, tapos?" sabi niya.

"Oo, maganda siya. Para ngang replay eh, suot din niya yung nasa-picture."

"Yung checkered?"

"Oo." agad na sagot ni Angelo.

"Nice." sabi naman ni Josh. Ilang sandali silang natahamik noon habang napahinga silang pareho ng malalim, "so nakuha mo ba number niya?" dagdag ni Josh.

Doon napatigil si Angelo at tila biglang binagsakan ng bato at nanigas. Napakunot naman ang noo ni Josh at agad din tumigil at tiningnan ang lang kaibigan.

"Shit!" sigaw ng malakas ni Angelo. Napatingin naman ang ilang tao dun at tila sumama ang tingin sa kanya, lalo na ng ilang magulang doon. Napa-iling nalang si Josh at napa-facepalm.

"Ang tanga mo dude. Promise."

------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad si Agatha noon habang ang kasama niya ay nagsasalita tungkol sa gusto nilang ipa-recheck. Pero lumilipad lang ang isip noon ni Agatha. Nasa isip parin niya yung lalaking nakita niya kanina. Matangkad to, medyo kulot din, pero sakto lang para sa kanya. Di rin ito ganun kaputi, more on sakto lang, may pagka-olive skin tone siya. Tsaka ang nagandahan siya sa mga mata nito. Nung una napatigil din siya, pero hindi nag-sasalita yung lalaki eh.

Sa gitna ng pag-ddaydream niya ay biglang may nagtulak sa kanya. "Uie tulala ka diyan ah, kanina pako naglalakad kasama niyo." sambit bigla ni Melissa.

"Ay sorry. May iniisip lang kasi ako." sagot naman ni Agatha habang may ngiti sa mukha niya. Napakunot naman ang noo ni Melissa dahil feeling niya may nangyari. Tiningnan niya ng mabuti ang kabigan niya hanggang sa nagkaroon siya ng ideya.

"Sino yan Agatha? May hindi ka sinasabi sakin." tanong agad ni Melissa.

"Ha?!" sambit ni Agatha ng malakas. "Wala ah." sabi niya habang inayos niya ang buhok niya.

"Oh my God! Yieee!" tumili si Melissa ng malakas habang yung kasama naman nila ay nagtataka, pero pinili nalang niyang manahimik. Hinawakan bigla ni Melissa ang kamay ni Agatha, "kwento mo naman!" napatawa nalang ang dalawa at doon sinimulan ng i-kwento ni Agatha ang encounter niya with Angelo.

------------------------------------------------------------------------------

Gabi na noon at kakatapos lang ng event na naganap. Nasa-sasakyan sina Angelo at Josh at napiling magpahatid nalang sa sasakyan na gamit nila since di nila dala ang sarili nilang sasakyan. Sa may Quezon Circle sila.

"Dude, bakit naman kasi hindi mo kinuha yung number ni Agatha? Sayang naman." sambit ni Josh.

"Pre pwede bang tama na? Ako tong nang-hihinayang eh." sagot nalang ni Angelo. Napa-buntong hininga nalang si Josh at tumigil na.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na sila sa Max Restaurant sa Quezon Circle. "Guys, umuna na kayo ah, paki-sabi kay Mindy maagap ako bukas para sa plan ko para sa event." sambit ni Josh. Pagkatapos noon ay agad silang umalis.

Pumasok na sila sa restaurant at agad silang hinatid sa table nila. Hinihintay nalang nila ang nakilala ni Josh at doon nag-relax nalang muna sila ng ilang minuto.

"Cheer up bro. Wag kang magalala, baka magustuhan mo yung kasama ni Sif." sabi ni Josh habang pina-pat nalang niya ang kaibigan sa likod. Hinayang na hinayang kasi noon si Angelo, naka-face down kasi ang ulo niya sa table dahil nga sa nakalimutan niyang kunin ang number ni Agatha.

"Huy, umayos ka nga, mamaya baka ma-turn off sayo kasama ni Sif eh, madamay pa siya sakin." sabi ni Josh, bigla namang tumingin sa kanya si Angelo.

"Sus, dali mo lang naman makakakuha ng bagong babae eh, ano bang meron sa Sif na yan?" sabi niya. Napangiti nalang si Josh noon at ininom ang sinerve sa kanila na tubig.

"Ewan ko rin. But I really feel like, something is different this time." tapos uminom siya ulit. Na-impress si Angelo sa kaibigan niya at doon nag-ayos siya ng upo.

"Nako, bro, siguraduhin mo lang na maayos yan ah." tapos nag-toast sila ng kanilang mga baso.

Ilang minuto pa ang lumipas at doon nakita na ni Josh ang Sif niya.

"Sif! Hey girl!" sambit ni Josh habang tumayo ito para yakapin ang girl niya. Hindi agad tumingin si Josh noon dahil medyo malungkot parin siya.

"Bro, this is Sif." tumingin siya pero nakita niyang tinitingnan ni Sif si Josh. "Eerr, Melissa. This is Melissa."

"Hi! Nice to meet you, I'm Melissa, Josh's Sif." at bigla siyang parang nagulat pagkatapos niyang kamayan si Angelo, at doon napanganga si Angelo. "And this is my friend, whom I think you'll like. Meet Agatha."

Pareho silang gulat na gulat. Ganun din si Josh dahil nakikita niya ang pictures nitong si Agatha sa computer ni Angelo. Si Melissa naman ay parang di alam ang nangyayari. Nagtititigan lang ang dalawa ni Angelo at Agatha habang hawak nila ang kamay ng isa't-isa.

"H-hi." sabi ni Angelo at agad siyang ngumiti.

Si Agatha naman parang hindi rin makapaniwala at agad din ngumiti, "Hi again."



When I Saw YouWhere stories live. Discover now