Ch. VIII, Prt. II: Heartache

461 7 1
                                    

Nagkatinginan muna ng ilang sandali ang dalawa ni Angelo at Melissa habang papalapit sila sa isa't-isa.

"Kumusta ka?" biglang tanong ni Melissa.

"Wag ako ang alalahanin mo, siya ba, kumusta?"

"Ayun, buti naman at hindi siya nag-revert sa dati, kung hindi malala pa to." sabi naman ni Melissa habang napatingin silang dalawa kay Agatha.

"Feeling ko talaga wag ka muna magpakita sa kanya. Baka lalo pang sumama ang sitwasyon niyo, Angelo." sabi ni Melissa. Nakikita ni Angelo ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan ni Agatha. Pero imbis na mangamba siya, ay binalikan lang niya ito ng ngiti.

"Wag kang mag-alala. Kailangan lang namin magkausap ng mahinahon." tapos napatingin naman siya ulit kay Agatha, "mukhang kalmado na naman siya." tapos tumingin ulit kay Melissa.

"Salamat at sinasamahan mo siya ngayon." dagdag ni Angelo.

"Doon muna ako sa may kotse mo, iwan ko na muna kayong dalawa." sabi ni Melissa at agad narin siyang lumayo. Huminga muna ng malalim si Angelo at dahan-dahan na siyang lumapit kay Agatha.

Nakaupo parin si Agatha, sa harap ng puntod ni Andrea. Yakap niya ang kanyang mga tuhod at tila walang pakialam sa mundo. Makikita sa kanyang mga mata ang labis na lungkot at pangungulila. Hindi alam ni Angelo ang gagawin sa mga oras na yun. Kahit na pinapakita niya na malakas siya, sa loob-loob niya, ay natatakot siya sa pwedeng mangyari ngayon.

"Agatha..." marahan na pagtawag niya. Pero hindi parin kumibo si Agatha. "Agatha, can we talk?" dagdag niya.

"Kailan pa ang picture ni Ate sayo?" biglang tanong ni Agatha.

"Matagal na, as in matagal--"

"Bigyan mo ako ng petsa, hindi ko tinanong kung gaano katagal ang larawan sayo. Ang tanong ko ay kailan pa ito nasayo."

Napalunok naman si Angelo noon, hindi siya agad nakasagot noon. Huminga muna siya ng malalim bago siya sumagot, "June. June 19 nung nakuha ko ang picture ni Andrea." Tapos tumahimik muli si Agatha pagkatapos niyang marinig ang sagot ni Angelo.

"Agatha, gusto kong humingi ng tawad." biglang sabi ni Angelo, pero hindi lang kumibo si Agatha, "Gusto kong humingi ng tawad dahil sa sakit na nararamdaman mo. Hindi ko intensyon yun. Hindi ko rin alam na may kakambal ka at hindi ko rin alam na pumanaw siya ng araw na yun. I'm sorry dahil pina-alala kong muli sayo ang sakit na yun. Sana maayos na tayo, Agatha. Mahal na kit--"

"Itigil mo na yang sasabihin mo." biglang sabi ni Agatha na kinagulat naman ni Angelo, tumayo si Agatha, "Ako ba talaga yang dapat mong sinasabihan niyan, oh," biglang turo niya sa puntod ng kapatid niya at tumabi, habang nakatingin kay Angelo, "oh kay Andrea?"

Napanganga nalang si Angelo. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin niya, "Agatha please--"

"Sagutin mo ako Angelo! Ano ba talaga ang totoo? Ako ba talaga ang naging una diyan sa puso mo? Oh ang kapatid ko na simula palang na makuhaan mo ng litratong yan, ay napag-desisyunan mong mahalin?" sabi ni Agatha.

Sa mga sandaling yun, hindi alam ni Angelo ang i-sasagot niya. Hindi na niya alam ang sasabihin niya. Tila sinampal siya ng ilang ulit matapos niyang marinig ang sinabi ni Agatha na yun, Ako ba talaga ang naging una diyan sa puso mo? Oh ang kapatid ko na simula palang na makuhaan mo ng litratong yan, nagpaulit-ulit to sa isip niya. Tila tumigil ang oras sa paligid niya. At ang natitirang presensya lang ng mundong ginagalawan niya, ay si Agatha, at ang puntod ni Andrea.

"Bakit hindi ka makasagot..." biglang paglumbay ng boses ni Agatha. Tiningnan siya ni Angelo at doon nakita niya, na tumutuloy ang luha nito. "Sumagot ka." tila pagmamakaawa nito. Pero sa mga oras na yun ay hindi parin nakasagot si Angelo. Nawalan na siya ng kakayang makapag-salita pa. Di na niya alam ang gagawin niya.

Humarap nalang si Agatha sa puntod ni ng kapatid niya habang nakatayo, at pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya, "Nakausap ko pa si Ate noong umaga ng araw na yun. Sinabi niya ang problema sakin. Nalaman niya na, ang Boyfriend niya na nasa London ay may iba na kinakasama doon. Di niya alam ang gagawin niya. Sinusubukan niyang contactin ang Boyfriend niya, pero wala eh. Hindi na nito sinasagot ang mga tawag niya." nakikinig lang noon si Angelo.

"Matagal na sila nung Boyfriend niyang yun. Since highschool. Through college at ayun nga; hanggang sa magkahiwalay sila dahil sa work niya. Hindi nagkulang si Ate. Kahit na magkalayo sila, gumagawa parin siya ng oras para rito. Skype, phone calls, gifts. Lahat. Hanggang sa nanlamig na siya." tapos natawa nalang si Agatha, "Yun pala, may iba na siyang kalaguyo." napaiyak siya, pero sinusubukan niyang kontrolin ang sarili niya.

"At sa oras na kailangang-kailangan niya ako. Dun ako wala. Hanggang sa, ayun, nahulog siya. Special place naming magkapatid yun. Yung part na yun ng Eco Park? Kami lang ang nakaka-alam nung side na yun." tapos humarap siya kay Angelo.

"Alam mo ba ang sakit, ang feeling na, kasalanan mo ang lahat kung bakit nawala ang isang tao na pinaka-importante sayo?" tapos napahawak siya sa dibdib niya, "Masakit, sobrang sakit, Angelo. Nung nalaman niya na pinagpalit na siya ng Boyfriend niya, para siyang binunutan ng puso. Parang sapilitan na tinanggal to mula sa kanya." pagkatapos noon ay nakahawak parin siya sa dibdib niya habang nakatingin parin kay Angelo.

Maya-maya pa ay lumapit si Agatha kay Angelo, "Nung araw na nawala ang kapatid ko. Ang taong pinakamamahal ko. Yun ang naramdaman ko. Oo, natagalan bago ako naka-recover sa sakit, at tinutularan ko na lahat ng pinayo niya sakin. Para hindi naman siya madissappoint sakin. Binago ko ang sarili ko, para hindi ko na maramdaman na wala na siya, at para kahit nasan man siya, ay makikita niya ako, na may ngiti sa kanyang mukha. Na alam niya na ok ako kahit wala na siya. Lahat yun nangyayari na." tapos bigla nitong hinawakan si Angelo sa may dibdib.

"Lahat ng masasakit na alaala, bumalik. Ng makita ko ang larawan niya. At sa mga oras na to, alam ko na malungkot siya dahil nagkakaganito nanaman ako, na nararamdaman ko nanaman ang sakit." tapos tumingin siya ng deretyo kay Angelo, "Gusto mo bang maramdaman, ang sakit? Ang feeling na mawalan ng taong pinaka-importante sayo?"



When I Saw YouWhere stories live. Discover now